02

0 0 0
                                        

Lumabas muna ako sa bahay ni Elva, hindi niya naman ako pinigilan, sabi niya okay lang daw para naman maging pamilyar ako sa lugar nato... Nilibot ko ang aking pangin at lahat ng aking nakikita ay malayong malayo sa aking nakasanayan na mundo...

This world is unbelievable, sinong mag aakalang nag eexist pala yung mga mahika nayan, akala ko kwentong pambata lang eh, hindi ko akalain na ako mismo ang makakakita, at heto ako ngayon, sa mundo na kung saan puno ng mahika, at ibat-ibang bagay na wala sa mundo ng mga normal na tao...

Natigil ako sa paglalakad ng may nakita akong mga bata na naglalaro sa di kalayuan, ang saya nilang pagmasdan... Nabalik ako sa ulirat ng mag sitakbuhan sila papalapit dito sa aking pwesto at sumisigaw, na parang may humahabol sa kanila...

“woah! Mga bata, bakit kayo tumatakbo?”-takang tanong ko sa kanila, at  nakikita ko sa mga mata nila ang takot... Takot sila sa ano?

“Ate! Monster!! Monster!!”-marunong din pala sila mag english? Pero napatingin ako dun sa tinuro ng bata...

“What a Fvcking Ugly Monster”-saad ko ng makita ko yung halimaw, it's a not so big giant, malaki lang siyang tingnan kasi anlaki ng katawan, pero hindi siya kagaya ng ibang giant na malaki at matangkad, ito.. ay iba..

Sinisira nito ang mga halaman, at punong kahoy.. sumisigaw pa.. panigurado.. gutom to eh.. bumaling naman ako sa mga bata na nagtatago sa aking likuran...

“Babies, you need to go home and stay inside your house okay?”-tumango lang silang lima, at tumakbo na pauwi, at ako na ang haharap dito sa pangit nato...

Ibig sabihin ako.. mag-isa.. lalaban sa pangit nayan, hindi ko pa naman dala ang baril ko eh wala namang bala yun, saka hindi ko rin alam kung tatablan ba ng bala yan, sa kapal ba naman ng taba niyan...

“Roooooaaaarrr!!!!”-sigaw nito, at sinira nanaman ang mga halaman...

Ako talaga punong puno na ako sa pangit nato eh...

“Hoy!!! Mabahong Pangit na Matabang Higante!!! Ano ba problema mong pangit ka, at nag wawala ka diyan!!! Nag lalaro yung mga bata tinakot mo!!! Nanira kapa ng mga halaman at puno!!!Ano ba problema mo ha!!!?”- sigaw ko sa kaniya, tila nakuha ko naman ang atensiyon niya, kunot noo niya pa akong tiningnan...

“At sino ka naman?”-tanong nito sakin, tinakpan ko ang ilong ko dahil sa hininga niya, shit ang baho, tumama talaga sa mukha ko!ewww!... Kadiri!

“Hoy!! ikaw na pangit ka!! Pwede ba!! Wash your mouth before you speak!! Kasi ang baho mo!! Nakakamatay na baho!! Yuck!!”-singhal ko sa kaniya at tinakpan nanaman ulit yung aking ilong.. shit nakakabaliw na amoy to.. nakakasira ng utak!!

“Rooooaaarrr!!”

Naalerto ako ng iwasiwas niya ang kaniyang hawak na kahoy, tudo iwas ako para hindi ako matamaan, pero malas talaga, dahil tinamaan ako nung hawak niya kaya tumalsik ako sa sobrang lakas...

“A-aray.. ko.. bwesit na higante na yan!! Arghh!!”-kahit masakit ang buong katawan ko, bumalik ako dun sa higante at hinarap siya ulit...

“Rooooaaar!!!”-napaiwas nanaman ako ulit ng mag simula nanaman siyang umatake, shit wala pa naman akong sandata o kahit ano!...

“Ayon po oh!!”

“Jusko!! Yung babae!”

“Tita Elva!! Tulungan mo si Ate!!”

Narinig kong sigawan, pagtingin ko.. maraming tao, at yung limang bata, pati si Elva nandun rin!!!? Putcha!! Ano ginagawa nila dito!!!? Panigurado, nagsumbong yung lima!! Haysss!!!

Napayuko ako ng muntik nanaman ako tamaan, bwesit!! Kanina patong pangit nato eh!!

“Hoy pangit!! Nakakadalawa kana ah!! Pasalamat ka at wala akong sandata kung hindi!! Bagsak ka diyan sa kinatatayuan mo ngayun!!”-tudo sigaw ko, at tudo rin ako iwas kasi pag tinamaan ako ulit ng hawak niya, panigurado... Balibali na mga buto ko...

Tumakbo ako dun sa pwesto nila ni Elva, at ng mga tao para paalisin sila dahil masyadong delikado..alam kung may kapangyarihan sila, pero yung mga bata iniisip ko.. tsk bakit kasi nag punta pa rito eh!!

“Umalis na kayo dito!! Yung mga bata ilayo niyo!!”-akala ko aalis na sila kasi binuhat nung iba ang mga bata, pero.. umatras lang pala.. putangina

“Rowan, gamitin mo to”-napatingin ako sa inabot ni elva.. yung baril ko..

“Pero wala ng bala to!”-saad ko pa, pano ko gagamitin to eh, wala na ngang bala!!tsk

“Meron na yan!”-sigaw niya pa at umalis na sa tabi ko...

“Ate monster!!!”

Napaiwas ako kaagad, buti nalang hindi ako inabot ng sandata niya, kundi tapos talaga ako... Shit sakit ng buong katawan ko!... Tudo iwas lang ako sa bawat atake niya, hanggang sa mapunta ako sa likuran niya...

Tiningnan ko yung hawak kong baril, at kinuha ko yung magazine niya kung may laman ba talaga... Meron nga..
Binalik ko yung magazine at hinarap ulit yung higante...

“Hoy!pangit!!”-sigaw ko para makuha ang buong atensiyon niya, pagharap niya wala na akong sinayang na oras at agad na binaril ang dalawang binti niya...

Bang!
Bang!

“Arghhhh!!!”-sigaw nito at napaluhod ito dahil sa sakit, sinubukan nitong tumayo pero hindi niya magawa...

Lumapit ako sa uluhan niya at tinutok sa ulo niya hawak kung baril, handa ko na siyang barilin pero nakita ko sa mga mata niya ang pag mamakaawa, at pag sisisi...

“Hayss, ikaw na Pangit na higante ka, nag sisisi kana ba sa ginawa mo?”-tanong ko sa kaniya at tinago yung baril sa likuran ko...

Kaya kung pumatay ng taong walang kalabanlaban kahit pa na mag makaawa pa sa harapan ko, pero iba dito eh...hayss nakakasira talaga ng utak ang mundong ito...

“Patawarin muna ako, nag sisisi na ako! Wag mo lang ako patayin!”-saad nito, at masasabi kung nag sisisi nga siya eh umiyak ba naman, ayan parang water falls...tsk kalaking higante umiiyak..

“Hindi kita papatayin, may papagawa lang, pero bago yun gamutin muna natin yang sugat mo”- saad ko..

Lumingon ako sa pwesto nila ni Elva na nanunuod lang sa ginagawa ko, sumenyas ako na lumapit sila dito, nag dadalawang isip pa sila, tumatakbo papalapit dito ang limang bata kanina, lumapit sila at niyakap nila ang bewang ko dahil yun lang ang abot nila...

“Bakit hindi mo pa siya pinatay?”

“Oo nga!”

“Baka sa susunod, ay mang gugulo nanaman ang higanteng yan!”

Samot saring reklamo na narinig ko...

“Hindi na siya mananakit, at nag sisisi na siya sa ginawa niya”-saad ko, at tumingin kay Elva na nakangiti na ngayun.. problema nito...

“Pano ka naman nakakasiguro, na hindi na siya mananakit?”-tanong nung isa, hayss siyempre hindi talaga sila maniniwala, sa laki ba naman ng pinsala na ginawa nitong pangit nato..

“Simple lang!.. kapag nang gulo pa siya ulit!! Puputulin ko lahat ng parte ng kaniyang katawan!”-nakangiti kung sambit, and it's not a joke, I'm serious... Pag sinabi ko gagawin ko...

“Elva, pwede mo ba siyang gamutin, may papagawa pa kasi ako sa pangit nayan eh”-saad ko at lumapit dun sa mga binti ni higante, umaagos yung dugo... Sasagot na sana si Elva nang sumingit yung mga bata...

“Ate kami nalang po!!”

“May powers naman po kami eh!”

Edi kayo na may powers!

“fine! Dahan dahanin niyo lang”-strikto kung sabi...

“Opo!”

at sabay pa talaga sila mag salita... Napailing nalang ako...

My god!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Door To Magic Land Where stories live. Discover now