15

88 10 2
                                    

Forward


Most of us wish na sana mag fast forward na lang sa mga panahong we’re in our lowest point. Sana mag grow na ako. Sana hindi ko na lang nakilala ang mga taong nanakit sa ‘kin. Those words that keep on ringing in your head.


You started sketching again sa sketchpad mo. Bilis, parang kailan lang nasa highschool ka pa lang but here you are nasa tunay na laban.


Ano nga bang nangyari? Bakit ayaw mo na makasama ang mga taong nakasanayan mo noon? 


Bakit ang paborito mong kanta ngayon e Casual ni Chappell Roan? Was it casual na hinahatid sundo ka? Was it casual na ginawa niyo yung mga pang couple things?


Bakit biglang nawala?


Bakit nanlamig? 


Bakit umalis na walang sabi?


You sighed heavily at dahan dahan na pinunit ang sketch. Nakailang sketch pad ka na at di mo na alam ang nangyayari. You frustratedly throw your sketchpad and pencil. 


You just want to break all crayons na nasa harap mo. “Hey, it’s okay.” Ashlyn said.


“Hirap na, ate.” You answered with tears in your eyes.


“KTV na lang natin.” She gently said. “Sagot ko na.”


She helped you stand up at ibinigay ang hoodie mo. “Everything will be alright.”


Agad niyang hinawakan ang kamay mo at lumabas kayo para pumunta sa malapit na KTV. Tahimik ka lang tuloy habang nag iisip na malalim.


That lilac guy really knows how to hurt you. Hindi man lang nagpaalam. Hindi man lang bumalik para mag explain. You stay friends on Facebook pero mukhang hindi siya active.


Kahit isang tingin man lang sana kung anong itsura niya. Pero mukhang wala na talaga.


She opened one of the rooms in KTV at bumungad sayo ang magtropa na nakasanayan mo na samahan noong high school.


Section Uno.


“Ah, alis na ak-” Hindi ka pa nakakahakbang ay agad na yumakap sayo sila Chifuyu na lagi mong kadikit sa bawat drama sa buhay. 


“Namiss ka namin.” 


You looked up and let them hug you. “I’m sorry.”


“Okay lang, understandable.” Izana said. 


“Ang importante nandito ka na. Nakabalik ka. You found your way home to us.” Mikey said with a smile on his face.


“Hayaan mo na yan siya. Wala tayong pake sa mga taong di nagpapaalam.” Chifuyu added.


“KALIMUTAN MO NA YAN SIGE SIGE MAGLIBANG!” Kanta ni Hanma habang may dala dalang Empi.


“Yak, empi pa rin?” You asked at natawa sila.


“Walang budget.” Sabay sabay na sambit nila.


You smiled at them. “Order kayo, sagot ko.”











Maybe this night is meant for you. You found your way home sa kanila but it’s also a curse knowing additional information about him.


“He’s happy. A well-known designer.” Sambit ni Izana. “Tarantadong ‘yon. Di man lang nagsabi.”


“Mukhang wala na ngang balak bumalik.” Sagot ni Chifuyu. “Hilig magsarili.”


Tingin | M. TakashiWhere stories live. Discover now