- Luna -
July 12, 2024 (9:51 AM)
"Cherry!" sigaw ko habang kumakatok sa pintuan ng condo ni Cherry.
Bakit kaya hindi sumasagot 'tong babae na 'to? Late na kami sa salon appointment namin. Ang usapan kasi namin e dadaanan ko siya ng 10 AM para sabay na kami.
Tumingin ako sa orasan ko habang kumakatok.
"Cherry, mag 10 AM na. Pag na late tayo sa appointment, bukas na ulit yung next available slot!" sigaw ko pa habang patuloy na kumakatok sa pinto.
Palakas ng palakas yung katok ko at pabilis ng pabilis, pero wala pa rin siyang response.
By the way, my name is Luna. I am Cherry's best friend. Member kami pareho ng p-pop girl group na BINI. We've been friends since training and of course mas lalo kaming naging close sa isa't isa.
So kung nagtataka kayo bakit andito ako sa labas ng pintuan ng condo niya, again, meron kaming appointment. May guesting kasi kami mamayang hapon. Lahat naman ng BINI members ay aattend, pero nasanay lang talaga kami ni Cherry na mag bond minsan na kaming dalawa lang.
So dahil nga best friend ko siya, naalala ko pala na meron akong spare key ng condo niya. Sana kanina ko pa naalala kasi 10 minutes na akong kumakatok dito.
Kinuha ko sa bag ko ang spare key ng condo niya at binuksan ang pinto.
"Nako ka, Cherry. Sasapukin na talaga kita." saad ko habang binubuksan ang pintuan.
Dumiretso akong kusina since yun ang bubungad sa'yo pag pasok mo. Wala siya sa kusina.
Dumiretso akong sala para makita kong nandun din siya. Wala din siya dito.
Tulog pa kaya yun? Dumiretso ako sa bandang kwarto niya para sana kumatok, pero nakabukas na ang pinto.
Pumasok na lang ako ng dahan dahan, pero wala naman siya. Nakapagtataka naman 'to. Baka naman nauna na pala 'to sa appointment namin.
"Nauna na ata yun ah." sabay napakamot na lang ako ng ulo.
"Tawagan ko nga." binunot ko ang cellphone ko sa bulsa at nakita kong may missed call ito saakin an hour ago. Baka nga nauna na siya sakin kaya tumatawag.
Dinial ko ang number niya para tawagan, maya maya may mahinang ring akong narinig.
"Huh?" Lumabas ako ng kwarto para hanapin kung saan nagmumula yung ring ng cellphone.
Parang nasa CR ata kasi habang papalapit ako ng papalapit dun, palakas ng palakas yung tunog.
Jusko baka kaya di ako narinig kanina e nasa CR pala.
"Cherry, kanina pa kita tinatawagan andyan ka lang pala." nakangiti kong sabi sabay tigil sa pagtawag sa cellphone niya.
Umupo na lang ako sa sofa ng sala niya knowing na andyan lang pala siya sa CR. Antayin ko na lang siya matapos.
Mga ilang minuto na din akong nag aantay. 5 minutes, 10 minutes, hanggang sa umabot na ng 30 minutes ang pag aantay ko.
YOU ARE READING
Cherry's Death (Bini Series #1)
Mystery / ThrillerThis is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.