- Author -
Bago pa man natin malaman kung anong nangyari matapos ang pagkamatay ni Cherry, alamin muna natin kung anu ano ba nangyare sa mga nakaraang buwan na nagdulot ng trahedyang sinapit niya.
Here's what happened 3 months ago.
- Loisa -
April 15, 2024
Nandito kami ni Cherry sa dance studio kasama ang iba pang members ng BINI. May rehearsal kasi kami dahil meron kaming guesting sa isang fiestival somewhere in Cebu by July.
We are currently rehearsing one of our songs, Salamin, Salamin.
Makalipas ang ilang minuto pa, natapos ang kanta at nagdecide kami mag break muna.
Madalas kasama ni Cherry si Luna bilang bestfriend niya ito. Bago pa man makalapit ng tuluyan si Cherry kay Luna ay dali dali ko ng inabutan ng tubig si Cherry.
"Oh tubig, mukhang uhaw ka na e." sabi ko sabay abot ng bottled water kay Cherry.
Bago pa man niya ito tanggapin ay nagkatinginan na sila ni Luna. Nginitian siya ni Luna na para bang nang aasar, at nilakihan naman ng mata ni Cherry si Luna para tumigil ito.
Nagets naman ni Luna yun kaya tumawa lang ito at umalis na. Lumingon na sakin si Cherry at kinuha ang tubig.
"Nagugutom na ako." sabi ni Cherry habang nayayamot ang pagmumukha.
"Tara kain tayo. Meron naman Jollibee sa baba e." pag aaya ko sakanya.
"Libre mo ba?" pang aasar ni Cherry sakin sabay tawa.
Sino ba naman ako tumanggi? Lalo pag nakangiti si Cherry sakin, malamang lusaw agad buong pagkatao ko.
Oo nga pala, nililigawan ko nga pala si Cherry. Wala pang may alam, kaming dalawa lang and obviously pati si Luna. Okay lang naman sakin na malaman ng iba, pero nirerespeto ko si Cherry sa desisyon niya na wag ipaalam, lalo na't hindi pa naman kami official.
"Oo na tara na. Basta next time, ikaw ang taya ha!" ganti ko sakanya.
Tuwang tuwa naman si Cherry. Dali dali naman kaming nag ayos ng sarili at bumaba. Sa baba lang naman ng building yung Jollibee kaya walang problema.
Wala naman din kaming balak mag dine in, bukod sa maraming tao, limited lang ang oras namin sa break. Itetake out na lang namin at dun kakainin sa may pantry sa katabi ng dance studio.
Bumili lang kami ng tig isang spaghetti at tig isang cheeseburger. Sobrang paborito ni Cherry yung cheeseburger tapos may extra mayo. Share ko lang.
Umakyat na kami at dumiretso sa pantry. Makalipas ang 15 minutes, tapos na din kami kumain at nagpapahinga na lang para hindi mabigla yung tiyan namin. Pareho lang kami ni Cherry na nakatutok sa cellphone at nagsscroll sa kanya kanya naming social accounts.
"Hugas lang ako kamay." paalam nito sakin
Tumango lamang ako sakanya. Tumayo ito at nakalimutan niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng mesa at nakabukas ito.
YOU ARE READING
Cherry's Death (Bini Series #1)
Mystery / ThrillerThis is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.