CHAPTER 2

1K 43 0
                                    

Maagang nagising ang Atty para sa pag hahanda nya sa kanyang anak sa eskwela, pinagluto nya ng fried rice, itog at beacon na may kasamang gatas ang bata.

Nag aayos ang bata ng kanyang uniform habang pababa ito ng hagdan patungo sa kusina, nakita naman nya ang Atty na hinahanda ang mga kailangan nya sa eskwela.

"Papa, goodmorning" Bati ng bata kay Kael.

"Nandyan kana pala nak, oh let's eat na baka lumamig ang pagkain, at para rin maihatid na kita sa school mo" Tumango naman ang bata sa kanya at masayang kumakain ang dalawa.

Pagka tapos kumain ay inanos ni Kael ang pinag kainan nila, at tumungo agad sa kotse.





_____





Nakarating na sila sa eskwelahan ni Aishka agad namang inalalayan ng Atty ang anak sa pag tanggal nito ng seatbelt.
" 'wag ka masyado mag papawis sa pag lalaro, ilagay mo itong panyo sa likod mo para hindi ka matuyuan ng pawis"

Saway ni Kael sa bata na ngayon ay pababa na ng sasakyan. "Noted po Papa"
Lambing na tugon naman ng bata, habang nag lalakad ito ay bigla syang tinawag ni Kael kaya bumalik si Aishka kung nasaan ang kanyang Ama.

"Bakit po"? May pagtatakang tanong ni Aishka. "Nakakalimutan mo nalang palagi na ikiss si papa" Nakasimangot na tugon ni Kael, tumawa naman ang bata at hinalikan nito ang Atty sa magkabilaang pisngi at agad na umalis, kumaway ang bata sa Atty at binigyan pa ito ng flying kiss, napangiti naman ang Atty sa ginawa ng anak kaya kumaway rin ito. Sinigorado muna ni Kael na nakapasok si Aishka sa eskwelahan bago ito umalis.







_____







Habang kumakain ay biglang nag bukas ang pinto, pumasok dito ang isang lalaki, naupo sa sofa at nanonood ng tv. Nagulat naman ang babae sa ginawa nito.

"Umaga ka na namang umuwi" Tugon ng babae sa kanya.

"Ano bang pakialam mo?" Galit na tugon naman ng lalaki.

"May pakialam ako dahil asawa kita" Nag pipigil ng luha ang babae na ngayon ay patuloy sa pagkain. Alam nya kung saan galing ang asawa nya kaya inumaga na itong nakauwi, hindi naman nya magawang mag sabi nang kanyang nararamdaman dahil alam nyang pag aawayan na naman nila.

Walang tugon ang lalaki sa kanya na ngayon ay patuloy lamang sa panonood ng telebesyon.

"Nambababae kana naman ba kagabi? Kaya ka umaga ng nakauwi?" Tanong nya rito habang patuloy parin sa pag kain at pag pipigil ng luha.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan aisha, ang aga-aga puro pag tatanong na ginagawa mo" Inis na sambit ng lalaki habang patuloy parin itong nanonood.

"Bakit? Dahil totoo ba?! Totoo bang nambababae ka, ha Jerome?" Hindi na naiwasang mapaluha ng babae, tumayo ito at pumunta sa harapan ngayon ng lalaki.

"Ano ba Aisha, nanonood ako tumigil ka nga!" Galit na sabi ng lalaki sa kanya. "Bakit? Lahat naman binigay ko sayo ah? kulang pa ba ha? Kulang pa ba? Ano pa bang kailangan kong gawin Jerome ha?!" Pag bulalas ni Aisha sa kanyang asawa na hindi mapigilang umiyak.

"Hindi mo naibigay ang lahat Aisha" Bigla namang nakaramdam ng kirot sa dibdib si Aisha sa sinabi nito. "Hindi mo ako kaya bigyan ng anak Aisha! Hindi mo ako kayang bigyan ng anak!" Umalingawngaw ang sigaw ng lalaki sa boung tahanan, nasaktan naman ng tudo rito si Aisha.

ATTORNEY LIMWhere stories live. Discover now