THE EPILOGUE: THANK YOU

1.4K 7 2
                                    

XENO'S POV

"Hmm.."

Nasaan ako?

Pagdilat ko ng aking mga mata, nasilaw ako sa ilaw. Bakit ako nasa ospital? Teka..

"Xeno? Xeno.. Gising ka na.. Nurse!" Chantal exclaimed. Sumakit ang ulo ko nang sinubukan kong isipin kung ano ba nangyari. I was with Ella..

Nasaan si Ella?

"Si Ella.." I murmured to Chantal.

Pagtingin ko sa harap ay nakita ko sila Caff, Kohi, at Roscoe. Pati rin sila mom and dad. Bakit wala si Ella? May nangyari ba?

Imbes na sagutin ako ni Chantal, lumayo ito at si Kohi naman ang lumapit. Napakunot ang aking noo. Bakit ba sila ganiyan? "Si Ella, nasaan?" tanong ko ulit kahit napapaos na ako.

"May masakit ba?" tanong lamang ni Kohi.

Ang kanilang mga mata ay namumula na parang galing sila sa matinding iyakan. I clenched my fists. "Si Estrella, Kohi," madiin kong saad. Kita kong napahagulgol si Chantal. Si Kohi naman ay mukhang nagpipigil. Sila Roscoe at Caff naman ay nakatingin lamang sa malayo.

"Bakit ba walang sumasagot sa'kin?" tanong ko. My voice cracked.

Napapaluha na rin ako.

"Nasaan si Estrella?!" sigaw ko. Lalong humagulgol si Chantal at tuluyan nang umiyak si Kohi. "T*ngina! Sawang sawa na 'ko sa lugar na 'to. Gusto ko na umalis. Pupuntahan ko si Ella," saad ko at tatanggalin na sana ang mga nakakabit sa'kin, pero pinigilan ako ni Kohi.

"W-Wala na siya.."

Lumabo ang aking paningin, parang sumikip ang dibdib ko. Walang lumalabas na salita sa'kin. Para bang naubusan ako ng hininga.

"H-Hindi.."

Tinapik ko ang dibdib ko sa sobrang sakit. Agad naman akong niyakap ni Kohi at doon na 'ko tuluyang napaiyak.

*FLASHBACK

"Xeno, maghahanap kami. Just be strong and help yourself. Pumayag ka na, please?" tanong ni mom, convincing me to take the meds and all.

"Mom, para saan pa? The past 3 years, wala akong ginawa kundi uminom ng gamot at bumalik sa ospital. Walang nangyayari. We kept finding for someone, but no one is willing. Mom, please. Tanggap ko na. Just.. Just let me live my remaining years enjoying it. Please.. allow me to do anything.." I begged.

Oo, kaunti nalang oras ko.

And by that certain time, I'll be gone.

Umiyak na lamang si mom kaya niyakap ko ito ng mahigpit. I tried comforting her, but she's still in pain. Si dad naman ay umiiwas. Ayaw siguro niya makita ko siyang emosyonal. Naiintindihan ko.

In the end, they said yes.

Ngumiti na ako at pumasok na sa school. Pagdating ko sa hallway, may nabangga akong babae na naka-focus sa kaniyang phone. "Ay, betlog ka! Ano ba— Sorry.. My bad haha.." She apologized as soon as she saw me. I got confused. Parang nung una, ang maldita ng dating pero biglang bumait?

Titig na titig ito sa akin. Nagkatitigan kami. She's beautiful. She is.. hot.

Pagtapos ay agad itong umalis sa harapan ko. Lumapit naman ang mga kaibigan ko nang nakita ko na sila sa gilid. "Oyy, men. Parang may gusto na sa'yo si Estrella, ah!" saad nito.

And because of that, she caught my attention.

Pagtapos ng klase ay nakita ko siya sa gilid. Magkaklase pala kami. "Hi, Ella." I called her. Mukhang nagulat ito at hindi makatingin sa'kin. Sobrang ganda niya pero naiilang siya?

FINAL LOVE SONG (SMUT NOVEL #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon