Chapter 2

7 2 0
                                    

"Pressure makes Diamonds," saad ng aming prof sa chem.

"Kaya 'wag kayong magrereklamo kung bakit tinatambakan namin kayo ng paper works. Because in the long run, when you applied for your chosen job career, magbebenefit din kayo rito. Kaya bawal ang pa-petiks petiks dito. Mas maganda ng maaga pa lang sanay na kayo. Kasi pagdating niyo ng college, kahit pag natrabaho na kayo, mas marami pa ang ipapagawa sa inyo, pero kung trained na kayo, wala nalang yun sa inyo," ma-awtoridad niya pang saad.

Sang-ayon ako sa kanya, dahil dapat naman talagang masanay na kaming maging busy hangga't maaga pa. Gustong-gusto ko rin yung napapagod ako kasi roon talaga lumalabas lahat ng magagandang ideas ko at mas nagiging productive ako kapag busy. Mas masarap din sa feeling kapag natapos mo o nagkaroon ka man lang ng kahit kaunting progress. Iba yung saya, iba fulfillment.

"Wag kayong magreklamo kung bakit hindi ninyo matapos. Kaya hindi niyo natatapos kasi hindi kayo marunong magmanage ng time niyo," segunda pa ni prof.

Doon lang ako medyo hindi sang-ayon, dahil iba't-iba tayo ng nararanasan sa buhay pero pare-pareho lang tayong iniikutan ng oras. Bakit nila ineexpect na pare-pareho tayong makakahabol sa oras? Gayong iba't-iba tayo ng nangyayari sa buhay? Para lang siguro 'yan sa may mga magaang buhay, yung mga maluwag na nakakahinga. Dahil wala na silang pinoproblema kundi pag-aaral na lang. Paano naman yung may mga pinoproblema sa kani-kanilang buhay? Sa pera? Sa pamilya? Maging sa sarili? Ang unfair talaga ng mundo.

Natapos ang orientation namin sa Chemistry sa pagbibigay niya ng assignment na kailangan kaagad namin ipasa mamayang uwian. Madali lang naman ito, pero iba ang pinipinta ng mga mukha ng mga kaklase ko. May mga nakabusangot, nakakunot ang mukha. May mga nagkakamot ng ulo, may mga nakatulog na. At nandoon din yung iba na ang tinatakbo ng isipan, hindi mo alam kung kalmado o nalulutang lang talaga sa iba ang iniisip.

Nakita ko si Kiro na kumuha na agad ng yellow pad paper para simulan yung pinapagawa ng aming prof. Ganoon din ang ginawa ko habang hindi pa dumadating ang teacher namin sa GenMath. Madali lang naman 'to, kaya ko na itong tapusin ng sampung minuto.

"Vin, pwedeng magpatulong?" saad ng kaibigan kong si Yuri. Kaibigan ko na siya simula elementary palang kami. Siya rin ang nakakaalam ng mga hinanakit ko sa buhay. Para ko na rin talaga siyang kapatid.

"Sige, saang part ka ba nahihirapan?" nagingiting tugon ko sa kanya. Masaya ako kapag nakakatulong ako sa iba in terms of academics. Yung makitang nag-iimprove sila kapag katapos mo silang gabayan, nakakatuwa. Ganoon naman talaga ang trato ko sa kanila. Hindi ko sila tinuturing na kalaban, kakampi ko sila. At bilang kakampi at kasa-kasama, responsbilidad kong isabay sila sa pag-angat at ilabas pa ang mga tinatago nilang talento. Dahil naniniwala ako na kaya ng tao, may talino tayong lahat, hindi pa lang natin nalilinang ito.

Nasagip ng peripheral vision ko ang pagkukumpulan ng mga estudyante sa gawi ni Ramos. Mukhang nagpapatulong.

"Oy, ang taas ng grades mo, mukhang sobrang talino mo. Pwedeng magpatulong?"

"Pwedeng makuha FB at IG account mo? kailangan kong ipakalat ang magandang balita,"

"Patulong Kiro!"

"Patulong pls!"

Nabibingi na ako sa sobrang ingay ng nangyayari. Ano bang ginagawa nila at bakit nila ginugulo yung tao. Kita nang hindi na nagiging komportable, dinudumog pa nila. Nakangiti lang ito pero alam mong hindi talaga siya komportable sa dami ng presensya sa paligid niya.

Biglang naglaho na parang bula ang ingay ng pumasok ang isa sa batikang guro ng school, kilala sa kanyang pagiging strikto at sa kapal ng kanyang kilay. Ang nangangain ng kaluluwa kapag recitation, ang dragong kinakatakutan ng lahat, si Ms. Geronima.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

143, I Love YouWhere stories live. Discover now