"Sure ka ba na dito sa 3rd floor magiging room natin, tsaka bakit dito mo naisipan na simulang ihunt mga rooms" hingal na tanong sakin ni Shiloh habang paakyat sa last floor ng building.
"Para kasi makalanghap tayo ng fresh air bes, tsaka malay mo nga dito floor natin edi alam na natin and para hindi na natin hanapin sa baba mamaya" pag eexplain ko naman sakanya nang makaakyat na kami ng tuluyan sa 3rd floor.
Iniisa-isa namin bawat rooms pero ni isa samin ay hindi namin nakita ang mga pangalan namin doon. Isang kaibigan nga lang namin nakita namin kaya sabay kaming tumawa kasi sa 3rd floor pa talaga room niya at magiisa niya lang na akyat baba kung ganon.
Bumaba rin kami kaagad para ipagpatuloy ang paghabanap ng mga rooms namin, nagpahinga nga lang kami saglit sa may silong ng manggahan at tinuloy na ulit namin.
"Sinubukan na ba natin doon sa room na iyon?" turo ni Shiloh sa may dark brown na door kaya napalingon naman ako doon at umiling sakanya.
"Tara check natin baka may name tayo doon" aya ko kaya tumayo na ang babae at naglakad na papunta doon sa tinutukoy niyang room.
"Ano may nakita ka na bang name natin?" tanong ko habang tinitignan ang isang list sa kabilang room.
"Yes kita ko name ko" masayang sabi ni Shiloh habang may pa talon talon pa.
"Sanaol na hanap na ang room, tara na tama na ang pag sasaya at hindi ko pa nahahanap kung nasaan ang room ko"
"Ay hindi na siya masaya, malay mo andoon sa tabi ng court ang room mo"
Hindi nalang ako nagsalita at nagtuloy tuloy nalang sa paglalakad, sinunod namin ang katabing room ng guard house pero ang nakita lang namin ay name pa ng isa naming kaibigan. Sunod naman naming chineck ang sinabi ng kaibigan kong katabi ng court kaya dumeretso kaagad kami doon ng hindi pinapansin ang mga naglalaro sa loob ng court, saturday kasi ngayon kaya may naglalaro dito ngayon.
"BES NAHANAP KO NA NAME MO HALIKA DITO" excited na sigaw ni Yuna nang maicheck niya ang pangatlong room sa building na ito
"Sabi sayo isa sa mga ito ang room mo e" lumapit ako kaagad sakanya para siguraduhin na andoon nga ang pangalan ko. Hindi siya nagkakamali at andoon nga ang pangalan ko.
Hindi rin naman nagtagal at kinabisado ko muna ang room ko at umalis na rin kami kaagad sa school dahil mag gagabi na at baka hanapin pa si Shiloh sa bahay nila.
Habang pauwi iniisip ko ang magiging buhay ko sa loob ng classroom na iyon since lahat sila ay hindi ko kilala at ang mga kaibigan ko ay nahiwalay pa saakin ng room.
"Dibale isurvive nalang natin, siguro naman mabait sila at magiging kaibigan ko basta wag lang magka gusto sa classmate"
BINABASA MO ANG
Stitches
Teen FictionStarted: 08/11/2024 Samuela Kate Velasco na mahilig mag bigay ng advice about love sa mga kaibigan niya pero hindi kayang iadvice sa kanyang sarili. Nagkaroon naman siya ng lover sa buhay pero parating nauuwi sa wala dahil lahat sila ay iniiwan siya...