Kainaumagahan ng lunes ay maaga akong gumising dahil nga sa first day of school. Naunahan ko ang alarm ko dahil siguro sa namumuong excitement sa katawan ko.
"Uwi ka mamayang lunch nak ha, magluluto si lola mo mamaya favorite mo" pag reremind saakin ni mommy pagkatapos ko.
Parang ang bilis ko nga yata talaga ngayong araw dahil tapos na kaagad at nasa labas na ako ng bahay at nag-aantay nalang ng jeep para papasok sa school.
"Andyan na jeep mommy pasok na ako, message nalang ako kapag nasa room na ako" paalam ko saka sumakay na kaagad.
May kalayuan kasi sa bahay namin ang school dito kaya kelangan talagang sumakay ng jeep, hindi naman kasi marunong magmaneho ang mommy ko kaya puro ako commute, pero subukan ko nalang siguro maglakad bukas para ma exercise.
Buti at hindi traffic sa umaga kaya madali akong nakarating sa school kaya dumeretso ako kaagad sa room ko.
Pagdating sa room ay umupo ako sa pinaka likod na upuan dahil nakita ko doon ang dati kong classmate nung elementary. Nginitian niya ako pagka upo ko kaya ngumiti rin ako pabalik sakanya.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at nagtipa doon para iupdate ang mommy ko na nakarating na ako sa classroom.
Hindi ko na inantay ang reply niya dahil itinago ko na ang cellphone ko ulit sa bulsa ko.
Tahimik sa loob ng classroom, lahat sila ay sari-sarili nilang cellphone ang kanilang tinitignan, at medyo kakaunti palang kami dito sa loob.
Sa labas naman maingay may mga students na naghahanap pa rin ng kanilang mga rooms may iba naman nag kkwentuhan at nagtatawanan sa hallway.
Hindi rin nagtagal ay isa isa na rin nagsi datingan ang mga classmates namin kaya medyo umiingay na rin since may classmate pala kaming patawa ng patawa.
"Hi class good morning sorry if na late ako ng mga 5 mins, malayo layo kasi bahay namin tsaka may 5 months old baby pa akong pina breastfeed"
Tumayo naman kaming lahat at binati rin ang teacher namin tsaka umupo rin kaagad. Hindi na pinatagal ni ma'am at nag introduce na siya kaagad ng kanyang sarili.
Sunod-sunod naman kaagad na nagpakilala ang aking mga classmate, nakakatuwa dahil patawa sila ng patawa habang pinapakilala nila ang mga sarili nila. Para siguro magising ang iba samin at hindi mailang.
Pagkatapos naman ng introduce yourself ay sinabi naman ni ma'am ang rules and regulations sa school and classroom namin.
Ang nakakainis lang is simula palang ng pasok ay naisipan kaagad ni ma'am na iarrange seats kami kaya ending nasa harapan na ako nakaupo ngayon, sayang at medyo maganda pa namang umupo sa likod.
Hindi rin naman nagtagal ay pinag recess na kami ni ma'am kaya lumabas na ako ng room para pumunta sa may mini garden dito sa loob ng campus.
Pagkadating ko doon ay nakita ko na kaagad si Shiloh na kasama kasama Urih at Chi. Mukhang hindi nila ako nakita dahil may pinaguusapan sila, first day na first day may sinisira na kaagad silang tao. Nang malapitan sila ay hinampas ko ang braso ni Urih kaya gulat itong napalingon sa kanyang likod.
"Kayo ah may pinaguusapan kayo kaagad mahiya naman kayo unang pasok ngayon" natatawang sabi ko sakanila na hinampas naman ako pabalik ni Urih.
"Excuse me sating magtro-tropa kayong dalawa ni Shiloh ang oa at magaling bumackstab" medyo malakas na sabi ni Urih kaya ang ibang estudyante na nadaan ay napapalingon saamin.
"Grabe ka sa magaling bumackstab hindi ba pwedeng nang dedescribe lang kami ng tao"
"Nasan na pala yung tatlo" inilibot ko pa ang aking mata para hanapin ang tatlo.
Pito kaming magkakaibigan, nabuo lang kami last school dahil sakin, I invited them sa birthday party with the help of my best friend Shiloh. Sa aming seven kasi kaming dalawa ni Shiloh ang mas magkakilala kasi since grade 4 ay magkaibigan na kami.
"Bumalik ng room si Gia sabi may kukunin daw siya, tapos si Jhela at May nasa canteen bumibili pagkain" paliwanag ni Shiloh na tumabi saakin at inakbayan ako
"Sooo may gwapo ba sa room niyo" tinignan ko siya at saka hinampas ng mahina sa balikat, at napaka oa talaga dahil umakto pa siyang sakit na sakit sa hampas ko sakanya.
"Oh tumigil ka nga Shiloh, meron ka nang Ace Kian Cruz noh" pang aasar sakanya ni Chi kaya napatawa kaming dalawa ni Urih dahil kita naming dumaan sa harap namin si Ace at napatingin ito sa puwesto namin.
Binato kami ni Shiloh ng tigiisang tissue na gamit na kaya napatayo hindi tumitigil sa kakatawa dahil kita kong medyo namula ang kanyang pisnge sa ginawang pang-aasar sakanya.
BINABASA MO ANG
Stitches
Teen FictionStarted: 08/11/2024 Samuela Kate Velasco na mahilig mag bigay ng advice about love sa mga kaibigan niya pero hindi kayang iadvice sa kanyang sarili. Nagkaroon naman siya ng lover sa buhay pero parating nauuwi sa wala dahil lahat sila ay iniiwan siya...