CHAPTER 34

357 12 3
                                    

Sierra

It's monday..it means back to school. Ayoko man pumasok dahil nakakatamad pero hinila ako ni jace patayo sa kama ko kanina,kinaladkad ako papuntang kotse at papasok dito sa school.


Nadalaw na namin si tita kahapon, ang mama ni jace. Nakakaawa ang itsura ni tita sobrang dami niyang galos at malalaking sugat. Sumaglit lang kami don dahil hindi ko kayang tignan ng matagal si tita. Binayaran ko nalang ang bill ng hospital at bukas ay itatransfer na si tita sa laboratory ni mommy.



Mas mabuti kasing si mommy ang gumamot kay tita dahil sigurado kaming mas mapapabilis ang paggaling niya at paggising. Hindi lang naman kasi scientist si mommy doctor din siya. Sana gumaling agad si tita dahil hindi ko kayang makita si jace na umiiyak.



Sigh



Nandito na ako sa corridor papunta sa room namin medyo malayo pa ako sa mismong room namin pero rinig na rinig ko na ang mga boses ng mga kaklase ko.Nangingibabaw ang boses ni archer.



Pag pasok ko sa room ay agad silang nagsitinginan sa'kin, lumapit sakin si archer at kinuha ang bag ko. Napataas naman ang kilay ko ng alalayan ko ako ni max. Iginaya nila ako papunta sa upuan ko na parang isang prinsesa.



Ano bang ginagawa ng mga 'to?! para silang mga tanga.



"The princess is arrive! please bow your head for respect!" Sigaw ni max. Napakunot ang noo ko dahil nag siyukuan talaga ang mga timang.



"Oh please, tantanan niyo ako sa kabaliwan niyo" Seryosong saad ko. Nagsitawanan naman sila bago bumalik sa kanya-kanyang mga upuan.



mga baliw.



Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Mr.Alessandro.Nakangiti siyang naglalakad papunta sa teacher's table. Nilapag niya ang dala niyang libro at tumingin samin.

"Good morning, class!" Pagbati nito.Hindi kami tumayo pero binati din namin siya pabalik. Sanay nadin naman siya samin dahil sa loob ng tatlong linggo ay ganon ang ginagawa namin mas okay pa daw 'yon kesa hindi namin siya batiin.



"Are you ready for your performance task?" Tanong nito samin.



"Ngayon naba 'yun, sir?" Tanong ni hendrix.



fvck! hindi pa namin nap-practice ang pang lahatan! bakit kasi umalis ako agad nung nag p-practice.



"Gusto niyo ba ngayon na? bukas pa sana pero kung ready na kayo ngayon ay ngayon na natin gagawin" Nakangiting saad nito. Hindi ko naman maiwasang hindi kabahan dahil ako lang ang walang alam sa kakantahin namin ngayon. For sure naman na nag practice sila ng panglahatan ako lang talaga ang wala. Tigas kasi ng ulo mo!




Nagtaas ako ng kamay kaya napatingin silang lahat sakin"Uh.. pwede bukas nalang, sir? hindi pa nila kabisado ang kakantahin." Turo ko kila hendrix. Napakunot naman ang noo nila sa sinabi ko. sorry!



"Hoy! anong hi–" hindi na natuloy ni khalil ang sasabihin niya dahil agad ko itong sinamaan ng tingin. Napasimangot nalang ito bago umupo ulit.



"Is that so? okay,you all can perform tomorrow. Let's just review for now dahil mag papa quiz ako ngayon" Ani nito. Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. napalingon ako sa likod ko dahil may nararamdaman akong mga nakatingin sakin. Paglingon ko ay mga masasamang tingin ang bumungad sakin.



Nag peace sign lang ako sa kanila at ngumiti ng tipid.




Kahalating oras kami nag review dahil 20 items daw ang ipapaquiz ni sir ang iba ay identification pa. Madali lang naman siya kaya nasundan ko agad ang itinuturo niya.



Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon