Ang sabi nila, "maraming namamatay sa maling akala." Ang sabi ko naman, "tanga lang ang namamatay sa ganyan."
Ako si Katerina. ASL ko? 18/F/dyan lang sa tabi-tabi. Isa akong Sociology major na walang malinaw na patutunguhan sa buhay.
"Patapon," yan ang bansag sa'kin ng aking mga kaibigan.
"Walang kwenta," yan naman ang tawag sa'kin ng aking mahal na mga magulang.
Wala akong silbi sa lipunan at ang mga taong tulad ko ay hindi kapaki-pakinabang sa mata ng mga nakakaangat. Dito nabuo ang aking prinsipyo. Dito sinilang ang aking pagkatao.
Lahat ng ito ay nag-iba simula ng makilala ko si Neal. Ang aking "Partner in Crime."
Pagbabago - sa ikabubuti? o ikasasama?
Hindi ko alam.
Ang lahat ay walang katiyakan.
BINABASA MO ANG
Nakakapagpabagabag
HumorMga karanasan ng isang Iskolar ng Bayan. Hindi naman masamang magkamali. Nagiging masama lang ito kapag ginawa ng paulit-ulit. Tanga lang ang hindi natututo. Hindi ka bobo, tamad ka lang. Para makasunod, sa UPLB nga pala ito ginanap.