Sa kahabaan ng gabi, habang nagniningning ang mga bituin sa kalangitan, umaapaw ang kadiliman, tanging mga huni lamang ng mga ibon at bawat pagaspas ng mga dahon, kasabay ng pagdapya ng malamig na hangin ang tanging bumabalot sa buong karagatan.
Sa isang taimtim na sulok, may isang estranghero na pilit ikinukubli ang kaniyang mga maririkit na mukha. Patuloy niya itong tinatakpan at may hikbing kay tahimik. Nangingibabaw sa kaniyang diwa ang mga salitang "Tulong" at isinisigaw ito ng pabulong.
Tila hindi niya mawari ang landas na nais niyang tahakin, nabalot siya ng kalungkutan, mga katanungan at naghahanap ng karunugan.
Ang estranghero ay unti-unting lumapit sa karagatan, hindi niya mawari ang pag-asa at lumbay na makapitan. Habang patuloy ang pagtaas ng tubig ay unti-unti rin ang paglamon sa kaniya papunta sa kailaliman.
Nang sa oras na siya ay kamuntikan ng malunod, agad niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nasulyapan ang munting ilaw na may kislap na kay busilak. Namukudtanggi ang kanyang kuriyusidan at walang patumbaling ito ay sinundan.
Sa ilang sandali, kaniyang natunghayan ang isang balanghay na may liwanag, may kislap itong walang kapantay at nagsisilbing sentro ng Banaag. Sa pag ahon at pagsampa ng estranghero sa munting balanghay, ang mga nagsisilakihang alon kasama ang mga malalakas na hangin ay biglang humupa't kumalma.
Naging matiwasay at tila malalasap ang kasaganahan sa kapaligiran, kasabay nito kumalat ang banaag at humudyat ang bukang liwayway na naging sanhi sa pagkakaroon ng kulay at buhay sa paligid.
Sa paghahambing nito sa tunay kong buhay, habang hindi ko matanto ang mga nararapat kong gawin, habang ang aking mga hinanaing ay ibinubulong ko na lamang sa hangin. Habang patuloy kong iniiwasan ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan, at habang walang sawa kong pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.
Nahanap ko sa iyo ang banaag sa gitna ng kadiliman kong buhay. Natulungan mo akong imulat ang aking mga mata sa mga panahong pakiramdam kong ako ay nalulunod sa mga alon ng mga haka-haka. Tinuruan mo akong umahon at tumindig ng mahinahon, lalo na't maging mapanuri sa bawat tatahakin kong mga aksyon.
Naging silbi kang balanghay sa mga oras na nagiging isa akong lantay sa kalagitnaan ng gulo at ingay. Lubos kong naramdaman ang katamtaman at pangaliw sa iyong mga bisig, habang nananatili ang basal na ligalig.
Nang dahil sa balanghay, natunghayan ko ang kagandahan ng buhay. Aking napag isip-isip na kahit dumaan man ang mga alon na uudyok sa akin paibaba ay siyang magiging dahilan ng pagtuklas ko sa aking sarili at huhubog sa aking pagkatao.
Sa ikawalong kabanata ng aking libro, lubos akong nagpapasalamat sapagkat maitutulad ka sa isang balanghay na handang iligtas ang iyong mga supling sa tuwing sila ay dumadaan sa kailalimang punto ng kanilang mga pahina. Tinuruan mo silang makawala sa takot, at pag aalala na siyang bubuo ng katapangan sa pagtindig sa katuwiran, kasabay ng pagpapalaganap ng iyong Banaag na gigising sa kanilang diwa na isibol ang pag-asa sa kani-kanilang mga damdamin.
Bagkus, kahit sa maliit na panahon, hindi ko aakalain na makakahalubilo ako ng isang taong maituturing kong Banaag na nag uumapaw ang busilak na kalooban kahit saan man ito tutungo. Tanyag ng aking giliw na ipagbadya na ikaw ay naging biyaya mula sa Poong Maylikha na siyang gumabay at maging alalay sa isang punto ng aking buhay.
Sa pagpatuloy ng iyong paglayag upang maging tagapaghubog at taga gabay sa mga taong pilit nalulunod ng kanilang mga isipan, at tagapagmulat ng mga balintataw sa kung ano ang mga nararapat at wastong gawain.
Aking nais ipagbadya ang aking pagmamahal sa iyo na kailanmang hindi maglalaho hanggang sa susunod kong mga saknong. Ang iyong munting Banaag ay mananatili sa nag aapoy kong puso hanggang sa mga hakbang na aking tatahakin maging lumipas man ang panahon.
Mahal na mahal ma mahal po kita! Nawa walang tigil sana kayong aaninag at maging alalay sa darating pang mga estranghero at panibagong mga supling sa iyong buhay.
YOU ARE READING
Banaag Sa Balanghay
Short StoryIsang munting lathalain para sa isang dakilang panauhin.