Chapter 2

8 1 0
                                    

Hayaan nyung simulan ko ang aking kwento sa pamamagitan ng aking nakaraan,

Ako si Patrick Labra Sanchez 24,  bata palamang ako nun alam kuna sa aking sarili na hindi ako tulad ng mga batang lalaki, ramdam kung magkakaibang especial na katangian ang aking sarili,

Ngunit hindi ko iyun ipinapakita sa aking mga kapatid, kaibigan maging sa aking mga papa , natatakot kasi akung malaman nilang hindi ako straight,

Dagdag pa diyan ayaw kasi ni papa na matuluyan akung maging bakla, ayaw niyang magkaroon siya ng anak na bakla,

Tanda ko pa noon nung mga panahung naglalasing siya palagi niya akung pinagbubuhatan ng kamay, sapagkat kahit hindi ko man sabihin sa kanila kung ano ako, nakikita daw nila iyun sapagkat mahinhin akung gumalaw,

Hindi tulad ng mga batang lalaki na siga at brusko kung gumalaw, ni hindi din kasi ako  mahilig lumabas ng bahay, hilig ko ding magluto at maglinis ng bahay,

Kung si tatay ay ayaw saakin dahil ganito ako, kabaliktaran naman niya si nanay, masaya si nanay kung sino at ano ako, tanggap niya ako, palagi niya akung pinagtatanggol kay tatay sa tuwing pinagbubuhatan ako kamay,

Masaya si nanay saakin sapagkat masipag akung magaral, laging high honor's, minsan napapatawag pa sya sa scholl upang siya mismo ang magbigay saakin ng medal, sa ganung paraan ko napapasaya si nanay,

May kapatid akung dalawang babae, sila yung mga ate ko, ako ang bunso nila, ngunit tulad ni tatay hindi din nila ako gusto sa pagiging ako,

Masakit para saakin yun, sapagkat sariling pamilya ko ang gumagawa nun saakin, ngunit dahil pinangako ko sa aking sarili na balang araw yung baklang inaayawan nila magiging isang successful balang araw,

At pag nangyari yun hindi ko na kailangan yung mga pagmamahal na mula sa kanila,

Sa lahat ng aking ginagawa, pagsisipag sa pagaaral at pagiging working student, iisa lang ang aking naging  inspirasyon yun ay ang aking nanay,

Siya ang dahilan kung bakit kinakaya ko, kung bakit nananatili ako sa pamilyang mapang husgang ito,

Sa ngayun malapit na akung magmoving up, isang linggo nalang graduation na namin,

Lumipas ang ilang araw dumating na yung araw ng aking graduation, tulad ng dati si mama ulit ang aking kasama sa stage,

Hanggang sa nagpatuloy na ang ceremony at graduation, hanggang sa tuluyan narin itung natapus,

5:30 ng hapun nang dumating kami sa bahay, naabutan naman namin sina papa at ang dalawa kung ate nabusy sa pagbubukas ng mga bagung damit na ibinili ni tatay sa kanila,

Sapagkat sa mga araw na iyun ay araw din ng kanyang sahud sa pagtratrabahu,
Nakangiti akung nakatingin sa kanila, nagaabang na baka may iabot din saakin sapagkat kakatapus lang ng aming graduation,

Ngunit mga ilang minuto na akung nakatayo sa kanilang likuran ay wala silang inaabot saakin,

Masakit para saakin sapagkat nag expect ako, nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad patungo sa aking kwarto, hindi ko alam pero naiyak nalang ako sa aking nararamdaman, tila parang sinasaktan ang aking puso maging ang aking kalooban,

Habang nakaupo ako sa aking kama, marahan namang bumukas ang pinto ng aking kwarto, dahan dahang pumasok sa loob si mama,

MAMA POV
- Pat,' anak may regalo pala sayo si mama, ito oh,' congrats anak, proud na proud sayo ang mama,
- saad naman saakin ni mama na mas ikinaiyak kupa ng tudo,

The Rainbow colors (m2m storyWhere stories live. Discover now