Chapter Eleven

7 1 0
                                    

"ELIA, come out. You need to eat. I know you're starving." Walang patid ang pagkakatok ni Angelo sa labas ng pintuan.

Para naman akong pipi na walang imik. Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Madaming mga bagay ang tumatakbo sa isipan ko.

Kulang ang salitang shock o gulat sa nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos ng rebelasyon niya, ineexpect niya bang magiging kaswal pakikitungo ko sa kaniya?

Hindi ko lubos maisip na si Angelo ang lalaking may-ari ng islang ito na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan bang lupalop ng Pilipinas naroon kame.

The boy that I keep on searching everywhere I go, wanting to see for a long time. It has been a long time since I last saw him and I outgrew him as the years passed by.

Madami na akong nakilala. Madami ng nangyari sa buhay ko.

What happened to him for all those years?

Dapat pala ay kinamusta ko siya nung una ko siyang nakita uli. Hindi ko naman kasi siya agad nakilala eh.

"Okay. I understand, it's a lot to take in. But please come out. Let's eat. 'Pag hindi ka lumabas diyan, hindi rin ako kakain."

I rolled my eyes. Seriously? Guilt trip?

"You go eat your dinner. Don't wait for me." sabi ko nalang pagkalipas ng ilang sandali na tila hindi pa rin siya umaalis sa labas ng pintuan.

"I won't eat unless you come out."

Humugot na lamang ako ng malalim na buntong hininga. Naisip ko na kahit gutumin ko ang sarili ko at hindi lumabas ng kwartong ito, makikita ko pa rin siya sa mansyong ito eh.

It's now or never.

Pinihit ko ang doorknob ng pintuan at paglabas ko ay natumba kami sa sahig pareho. Nasalo ko ang bigat ng katawan niya. Ngayon ko lubos naunawaan na malaki nga talaga siyang lalaki.

I guess.. 5'11 height.

Marahil nakasandal siya sa pintuan kanina at hindi akalaing lalabas ako bigla.

Napadaing ako dahil sa bigat niya. Agad naman siyang tumayo at inilahad ang kamay sa akin. Hindi ko iyon pinansin.

Hindi ako magpapa-alalay sa kaniya.

"Okay. I was being ignored." He said.

Tuloy-tuloy akong naglakad hanggang sa nakarating kami sa dining room.

Mayroong beef brocolli ang nakahain sa mahabang mesa, chiffon cake na dessert at sliced fruits. As if on cue, kumalam bigla ang sikmura ko. Mukhang masarap ang mga pagkaing hinanda niya.

"I know those are your favorites." nakangiting sabi ni Angelo. Mukhang masaya ito na naghahanda ng pinggan at mga kubyertos sa ibabaw ng mesa.

Nakaramdam ako ng excitement sa hindi malaman na kadahilanan. Wala pa rin akong imik nang hilahin niya ang upuan para sa akin.

Umupo ako. Nag-sign of the cross, pumikit at tahimik na umusal ng dasal. Pagdilat ko ay nakita kong sumabay din ng dasal si Angelo.

Lihim akong napangiti.

Sa mga sumunod na minuto ay tahimik lang kaming kumakain. Masarap ang luto niya sa beef brocolli. In fact, naka dalawang pinggan ako ng kanin.

Sunod ko namang kinain ay 'yong magandang chiffon cake na may vanilla icing sa ibabaw at cherry on top.

Natigilan ako sa pagkain ng cake dahil napansin kong tapos na kumain si Angelo at pinagmamasdan ako.

Tiningnan ko siya at sinabing, "It's rude to stare when someone is eating."

Napahalakhak siya. Walang pakundangang itinuloy ang pagtitig sa akin at nangalumbaba pa. "Who says that? I think it's entertaining to stare at you."

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa itsura ko. Iyong mga tingin niya parang nanunuot sa kaloob-looban ng pagkatao ko. Baka marealize niya na hindi pala ako maganda.

Napaisip ako ng malalim. Bakit nga ba ako nandito sa mansyon niya? Alam ko namang nahuli niya akong tatalon sa tulay noong lasing ako. Alam ko na rin na siya si Angelo na first love ko kahit pa sinasabi ng nanay ko noon na puppy love ko siya pero hindi 'yon totoo -- para sa akin ay siya ang first love ko.

Alam ko rin na sinasabi niyang maiinlove ako sa kaniya. Alam kong kinidnap niya ako mula sa madilim na kalsadang sira ang mga poste na may mataas na tulay at pinigilan niya ako sa pagtalon doon. Kaya dinala niya ako dito sa maganda at mukhang malayong isla na walang ibang tao yata kundi kaming dalawa lang.

Ang hindi ko lubos maunawaan ay bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa akin?

This is all too good to be true.

And.. why me? I know that we had this kind of puppy love story, but that was ages ago. Matagal na panahon na. Na-outgrow ko na nga siya.

Hindi ba siya nakamove-on sa akin sa paglipas ng panahon? Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya, wala ba siyang naging love potential sa mga iyon? Bakit pakiramdam ko pursigido siyang ibalik ang connection namin noon? In fact, tila ba may mas gusto pa siyang patunayan sa akin ngayon.

"What are you thinking, Elia?" maya-maya ay tanong ni Angelo.

Umiling ako at walang imik na tumayo mula sa upuan. "Goodnight, Angelus." malamig kong paalam saka pumasok na sa kwarto.

Alam ko na para akong bastos sa inasal ko subalit hindi ko pa rin alam kung paano ako makikipag-usap sa kaniya. Madaming bagay ang gumugulo sa isipan ko.

At nadadagdagan pa iyon habang lumilipas ang oras na nakatitig ako sa mataas na kisame ng kwarto.

Pasado alas-una na siguro ng madaling araw. Hindi pa rin ako makatulog. Wala rin akong cellphone na hawak para kamustahin ang pinsan ko, magpaalam muna ng VL sa manager ko sa trabaho at magsabi kung nasaan ako sa mga magulang ko sa probinsya.

I have a life outside this dreamy faraway island. Angelus shouldn't take me away just like that. Kahit pa nakita niya akong suicidal.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Bukas ko nalang siguro tatanungin si Angelo tungkol sa cellphone ko at sa pag-uwi ko pabalik ng Maynila.

Pinikit ko ang mga mata ko. Pinilit ang sarili na makatulog na.

There Was You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon