Kabanata 2: Tsansa

1K 27 0
                                    

EVO'S POV

"That's all, thank you for listening," pag-tapos ko sa aking reporting.

Nasa conference hall kami ngayon kasama ang mga board members at iba kong office mates para i-present ang aming proposal para sa isang project.

"Uhm, what's your name again, hijo?" Tanong ng isang matandang shareholder.

"I'm Chevo Luis Sanchez, Sir," pakilala ko.

"Mr. Sanchez, I like your proposal and I think out of all the proposed projects, yours is the most valuable and practical. I'll support you on this one," sabi nito na nagpangiti sa akin.

"Thank you, Sir."

Gayundin, out of the nine shareholders ay lima ang nag-support sa idea ko, which is a huge thing!

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos din kaagan ang meeting. Mabuti na lamang at hindi masyadong mabigat ang atmosphere sa loob kaya nakapag-present ako nang maayos at nasagot ko ang kanilang mga tanong.

"Congrats," bati sa akin ng isang boses lalake na nanggagaling sa likod.

Pag-lingon ko ay si Kyle iyon. Kasama rin siya at ang kaniyang ama, the CEO, sa meeting kanina.

"Uhm, thanks. Mauna na ako," paalam ko sabay bitbit sa mga gamit ko para lumabas na ng conference hall.

"Wait-" hinawakan niya ako sa braso para pigilan sa pag-alis. "Can we talk?"

Inalis ko naman ang pagkakahawak niya sa braso ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Sorry, busy pa kasi ako. Sa susunod na lang," sagot ko sabay alis na.

Hindi pa rin ako handang harapin siya matapos kong umamin.

Nakaka-tangina talaga. Bakit ko ba kasi ginawa iyon? Lubos-lubos akong nag-sisisi ngayon dahil sa ginawa ko. Mas lalo tuloy akong na-awkward kapag nandiyan siya dahil sa nangyari.

.
.
.

"•~*~•"

.
.
.

"Oh my god, thank god!" Rinig kong sabi ni Carmen nang makarating kami sa San Poblacion ngayon.

Nandito kami ngayon sa beach house na pagmamay-ari ng pamilya nina Kyle.

Mayroon kasi kaming three-day holiday kaya napag-planuhan nila na mag-bakasyon. Nag-suggest naman si Kyle kung pwede daw ba na dito na lamang sa kanila.

Supposedly, hindi dapat ako sasama and I am one hundred percent sure na ayaw kong sumama. Pero kinausap ako ng parents ni Carmen and kung pwede daw samahan ko sila para mayroong magbabalita sa kanila if hindi makapag-reply si Carmen.

Kailangan ko tuloy i-peke ang anumang nararamdaman ko ngayon para hindi maapektuhan ang bakasyon naming ito.

"Since it's late na and everyone is already tired, bukas na lang tayo gumawa ng mga activities and let's just rest after mag-ayos ng mga gamit," anunsyo ni Kyle.

Maganda ang beach house nila. Two storey house iyon na gawa sa kahoy na may kakaunting highlight na bakal. Ang theme ng beach house nila ay parang cabin na bumagay sa white sand ng beach.

Anim kaming magkakasama dito. Tatlong lalake at tatlong babae.

"There are only four rooms kaya kailangan i-share ng dalawang tao ang dalawang rooms and dalawang tao lang ang solo ang natitirang rooms."

Nag-desisyon naman kami kung paano hahatiin ang mga rooms.

"Sama na lang tayo sa isang room, Hon," suhestiyon ni Carmen sabay angkla sa mga braso ni Kyle.

IS2: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon