Kabanata 3: Tago

921 31 2
                                    

EVO'S POV

Nagising ako sa aking kwarto ng alas-siete. Nagising dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana kahit na nakalugay ang kurtina.

Then bigla kong naalala yung nangyari kagabi sa amin ni Kyle sa ibabang banyo.

Kinapa ng palad ko ang aking puso, tila hinahanap ko kung nandoon pa rin ba ito dahil hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari sa amin ni Kyle.

I'm still in shock about what happened. It was all a blur in my mind.

"Sis?" Rinig kong tawag sa akin mula sa pinto sabay katok ng tatlong beses.

"Yes?" Sigaw ko pabalik. Alam ko na si Carmen ang nasa labas ng pintuan.

"Breakfast na, nasa baba na kami."

"Sige, baba na ako."

Dumiretso naman ako sa CR na nasa loob ng kwarto ko. Nag hilamos lamang ako at nag mumog gamit ang mouthwash.

Nang matapos ay nagpalit ako ng damit. White oversized shirt lang na printed at shorts. Pagkatapos, bumaba na ako para sabayan sila sa pagkain.

"Good Morning, everyone," bati ko sa kanila sabay hikab.

Pagpasok ko ay agad na nag-tama ang paningin namin ni Kyle. Mabilis ko namang iniwas ang aking paningin dahil naaalala ko yung nangyari sa amin kagabi.

Medyo awkward ako sa kaniya lalo na't naka suot lamang siya ng itim na cotton shorts at naka-topless na. Muli tuloy pumasok sa isip ko yung puwesto ko at puwesto niya nang ginawa namin iyon.

"This toast is good," puri ko sa pagkain.

"Thanks, I made that," sagot ni Kyle na hindi ko inaasahan.

Hindi ko na lamang siya pinansin pa at pinagpatuloy ang aking pagkain.

"Anong plano natin ngayon?" Tanong ni Rowell.

"Kailangan muna nating mag-grocery. 'Di ba may malapit na supermarket dito, Kyle?" Tanong ni Sofia.

Tumango naman ito. "Yeah, siguro twenty minutes away lang from here," sagot naman ni Kyle.

Ngayon ay pinag-uusapan na kung sino ang mag-aayos ng mga appointments namin for our activities later at kung sino ang bibili ng mga groceries.

"Maybe si Sissy na lang at si Hon ang mag-grocery? Since si si Hon lang naman ang marunong mag-drive sa atin at ang Sissy ko ang magaling sa pag-grocery," suhestiyon ni Carmen.

Aangal na sana ako pero naunahan ako ni Kyle na sumagot.

"Sounds good to me," sagot ni Kyle na may ngisi sa labi.

Kinabahan ako nang wala sa oras. This man is getting too comfortable with our situation. I need someone to humble this guy.

At ganoon nga ang nangyari dahil wala namang kumontra. Kaming dalawa ni Kyle ang naatasan na bumili ng mga groceries.

"Let's go?" Tanong nito nang makapasok na akonsa back seat. "What are you doing?" Tanong nito nang makitang nasa backseat na ako.

"Huh?" Tanong ko naman.

"Why are there?" Tanong nito habang nakakunot ang nuo.

"What do you mean? I'm always here, this is my spot," sagot ko.

"Get in the passenger seat, Evo," utos nito.

"Just drive, I'm fine here."

Nakita ko naman ang pag-tagas ng mga panga nito. "I'm not your taxi driver, get your ass over here before I drag you here myself," utos nito.

IS2: KYLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon