Chapter VI

4 1 0
                                    

Cyley's POV

Buong araw na ako nakatigil at nakahiga dito sa kwarto ko

Nakatitig sa kisame, kakaisip kung pano sasabihin sayo na gustong gusto kita- ang oa

Iniisip ko pa rin kung ano mangyayari kung sinabi ko ang totoo, ma-rreject ba ako o may chance na gusto niya rin ako? Pero parang ang labo naman na magustuhan niya ako

Sakin lang siya ganon ka-clingy, well, as far as I know. Hindi naman siya ganon ka-touchy kay Sean at Yena

She also doesn't do those baby talks to them, sakin lang

She doesn't call neither of her friends 'baby', she doesn't call them everyday like she does to me.

She's confusing me, hindi ko na alam ang gagawin ko

Aamin ba ako? Pero natatakot ako, what if mali yung assumptions ko? Edi sira yung friendship namin..

I checked the time '1:37 pm'

"Ang boring naman, maybe I should go outside, para mas makapag-isip ako" Sabi ko sa sarili ko

I got up para magbihis, maglalakad lakad lang ako sa park para naman may magawa ako

"San punta mo?" Tanong ni mama sakin pagkalabas ko ng kwarto

"Park lang ma" Sagot ko

"Sige, ingat ka" Nagpaalam na ako at umalis din kaagad

※※※※※※※※※※※※※※※※※

Papunta na ako sa park ngunit napatigil ako nung nakita ko ang babae na palabas sa bahay nila

"Love..." Mahina kong sabi

Agad naman akong tumalikod at naglakad ng mabilis

"Cyley wait!" Pagtawag niya sakin

"Shit.."

Love's POV

"Nak bili ka nga muna sa tindahan ng mantika" Utos sakin ni mama

"Wait lang po" Tinatamad ako lumabasss

Kinuha ko ang pera na inabot sakin ni mama at lumabas na

Pagkasarado ko ng gate namin ay may nakita akong babae na papunta sa direksyon ko, si Cyley yun ah?

Nagtagpo ang mga mata namin at kita ko ang pagkagulat niya, tumalikod siya at dali daling lumakad, san punta non?

"Cyley wait!" Sigaw ko

Tumakbo ako papunta sakanya at dahan dahan naman siya humarap sakin

"Uhm hi" Pagbati ni Cyley

"Iniiwasan mo ba ako?" I straightforwardly asked

"H-ha?! Hindi ah.." Natatarantang sagot niya

"Iniiwasan mo ako eh" Sabi ko at inirapan siya

"Hindi nga" Sagot niya

"San punta mo?" Tanong ko

"Ah, sa park, magpapahangin lang" Sagot niya, para siyang hindi mapakali

"Park? Eh dito daan papunta sa park bakit pabalik ka?" Nagtatakang tanong ko

"May nalimutan lang ako sa bahay" Sagot naman niya

"Ahh okay" Pisti ang awkward naman nito

"Ikaw? San punta mo?" Tanong naman niya

"May bibilhin lang" Sagot ko

"Oh okay" Gusto ko na magpalamon sa lupa, ang awkward talaga help

"Una na ako, see you nalang sa wednesday!" Sabi niya, nagmamadali ba to?

"Sige!" Sagot ko at naghiwalay na kami ng direksyon

"Ang awkward pota.." Bulong ko sa sarili ko

Cyley's POV

Good job self, pinahiya mo sarili mo

Potek bakit kasi nablanko utak ko nung kausap na siya? Lakas naman ng tama ko sakanya- ay

Ang bobo pa ng excuse ko, pupunta pa ba ako sa park?

Well ang boring din naman sa bahay, okay pupunta na talaga ako

I took a deep breath before going back to where I was heading earlier

"Parang tanga, pabalik balik" Sabi ko sa sarili ko

*Time Skip*

Nasa park na ako and buti nalang hindi masyado crowded

Umupo ako sa bench and nagrelapse- charot

I saw someone selling ice cream kaya bumili ako

"Pabili nga po" Sabi ko sa magtitinda

"Thank you po!" Pagkabili ko ay bumalik na ako sa bench na inuupuan ako at nag scroll nalang sa cellphone

Mag iisip isip daw tapos nag cellphone- parang tanga

Nag sscroll lang ako sa cellphone ko until someone called me

"Yo dude!!" Si Mark pala and kasama si....Sean?!?!?!

"Hoy bakit kayo magkasama?" Tanong ko sakanila

"Friendly date" Sagot naman ni Sean

"Friendly date my ass" Sagot ko naman sakanya

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong ni Mark

"May nakikita ka bang kasama ko?" Sagot ko, duh common sense

"Pilosopo" Hinampas ako ni Mark

"Bakit hindi mo kasama si Pailey?" Tanong ni Sean, uhm..

"Ha?" Tanong ko, kagulat naman to

"Diba lagi kayo magkasama?" Tanong ulit ni Sean

"Ano kasi.." Ano sasabihin ko neto

"Joke lang, alam ko naman ang nangyari" Natatawang sagot niya

"Bakit mo alam?" Tanong ko, stalker ba siya?

"Duh, sinabi samin ni Pailey" Ay oo nga pala, friends sila ni Love

"Ay.." Hindi ko alam ang sasabihin

"Gusto mo ba siya?" Tanong sakin ni Sean

Napatingin naman ako kay Mark at pati siya ay gusto malaman ang sagot

"Hayst, oo" Sabi ko habang napabuntong hininga

"HA?!" Mark | Sean

"Oa naman" Hindi ako makatingin sakanila

"Gaga, gusto mo si Pailey? As in si Love Pailey Santiago?" Tanong ni Mark, may iba pa ba?

"Si Pailey na friend ko?!" Tanong naman ni Sean, ang oa nang dalawang to ha

"Hoy ang oa niyo" Natatawang sabi ko

Nagtinginan naman si Sean at Mark, nyare?

"Bakit?" Tanong ko sakanila

"Wala, wala" Sagot ni Sean

"Basta think wisely ah?" Sabi ni Mark

"Ano?" Tanong ko, pinagsasasabi ng mga to?

"Una na kami, baka nakaka-istorbo kami sa alone time mo" Sabi ni Mark

"Okay weirdo" Sagot ko

Weird naman ng mga to, bagay nga sila

Umalis na sila at iniwan akong nagtataka dito

Maya maya ay umuwi na rin ako

I'm really curious about what they mean..










-sweetvenom_

Tila TalaWhere stories live. Discover now