Chapter III

7 1 0
                                    

Love's POV

Nasa library ako ngayon kasama si Sean at Yena. Hindi ko alam kung bakit kami nandito eh hindi naman kami nagbabasa

"Ano ba ginagawa natin dito?" Tanong ko

"Duh, nasan ba tayo? Diba sa library, edi syempre magbabasa" Sagot ni Yena, attitude naman

"Nagbabasa ka ba?" Sagot ko

"Oo, ito oh" Sagot niya habang pinapakita sakin ang librong hawak niya

"Ampota HAHAHAHAAHAHHAAHA ano ka grade 1?" Natatawang sabi ko

Abakada lang naman yung binabasa niya

"Hoy wag kayo maingay baka mapagalitan tayo" Pananaway ni Sean samin

"Ay wow Sean ikaw ba yan?" Yena asked sarcastically

"Hoy HAHAHAHAHAHAHA" Tumawa nang malakas si Sean

"Ikaw naman maingay eh" Sabi ko

"Bakit kase abakada binabasa mo?" Tanong ni Sean kay Yena habang nagpipigil ng tawa

"Pake mo ba?" Sagot ni Yena while she rolled her eyes at him

"Ay btw, hoy Pailey" Pagtawag ni Sean

"Bakit?" Tanong ko habang iniinom yung kape ko

"Kayo na ba ni Cyley?" Seryosong tanong nito

Nagulat ako sa tanong niya kaya naibuga ko sakanya yung kape na nasa bibig ko

"Ay tangina" Sabi ni Sean

"HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHA" Halos mamatay na katatawa si Yena, ang oa ha

"Bakit kase ganyan yung tanong mo" Sabi ko habang binibigay ko sakanya yung tissue

"Sagutin mo nalang" Sagot niya habang pinupunasan ang uniform niya

"Hindi, bakit mo naman natanong?" Nagtataka akong nakatingin sakanya

"WEH?!?" Napasigaw sila pareho

"Ang oa ha" Sabi ko sabay hampas sa kanila

"So walang kayo?" Pagtatanong ni Yena

"Wala nga, best best friends lang kami ni Cy" Sagot ko

"Sure na?" Tanong ni Sean

"Bakit ba parang hindi kayo naniniwala?" Tanong ko sakanila

"Eh kasi naman ang close niyo masyado, ang pa-baby mo pa kay Cy" Sagot ni Sean

"Sinong pa-baby?!" Napalakas masyado yung tanong ko

"Ikaw!" Sigaw naman nila

"Tse!" Napairap nalang ako, ako? pababy? Well...

"Normal lang ba sa mag friends yung halos araw-araw magkasama, magka-usap, at magka-call?" Tanong ni Sean habang seryosong nakatingin sakin

"Oo?" Patanong kong sagot, ewan ko normal naman siya

"Sinong mag friends na parang couple sa sobrang sweet sa isa't-isa?" Tanong naman ni Yena

"Kami?" Sagot ko, ang oa naman nila

"Tanga ka ba?" Gago pala tong si Sean eh

"Baka ikaw" Sagot ko

"Gago kasi pre, hindi naman kasi ganyan ang mag friends" Sabi ni Sean at pinitik ang noo ko

"Kaya nga, ano yan friends with benefits?" Sabi ni Yena

"Gago" Sagot ko

Napaisip naman ako sa sinabi nila, hindi ba normal yung mga ginagawa namin? I thought normal lang naman yun sa mag bestfriend

"Sure kana ba na wala kang feelings for Cy?" Tanong ni Yena

"Hindi ko alam.." Natahimik naman ako sa tanong niya

Gusto ko ba si Cyley...?

"Think about it wisely bro" Nakaka ano naman tong si Sean

"Hindi ko siya pwedeng magustuhan, we're bestfriends" Sagot ko

"Wala namang mali kung magugustuhan mo siya" Seryosong sagot ni Yena

"Pero bestfriend ko siya" Muli kong sagot

"So gusto mo nga siya?" Tanong ni Sean

Wala naman ako naisagot. Ewan ko ba

"Hindi kaba kinikilig sakanya?" Tanong naman ni Yena

"I mean, minsan nakakakilig yung ginagawa niya" Sagot ko habang hindi makatingin sakanila

"Nahuhulog kana bro!" Sagot naman ni Sean

"Ewan ko ba diyan kay Cyley" Sagot ko

"What if may gusto siya sayo tas biglang umamin?" Tanong naman ni Yena

"Hindi ko alam.." Sagot ko. I honestly don't know..

Nalilito na ako ngayon..gusto mo ba ako or ganto lang yung treatment mo sakin kasi best best friend mo ako? Are you just being kind?






-sweetvenom_

Tila TalaWhere stories live. Discover now