CHAPTER 0.8

2 2 0
                                    

CHAPTER 0.8:



•••
•••







PALABAS na sana kami ng main gate nang makarinig kami ng Isang boses.

"Kenster!"

Isang boses ang narinig ko kaya napahinto ako sa paglakad. Ganun din si Kuya Kent.

"Nandito ka pa pala."

Isang babae ang huminto sa harapan namin. Nakangiti ito. At nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makilala kung sino siya.

"Mary..." wika ni Kuya Kent sa mahinang tono.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Seeing him talking with her made my heart ached. My heart felt heavy, as if it was breaking in slow motion.

Napansin siguro ni Mary na may kasama si Kuya Kent kaya napatingin siya sa'kin. Nawala ang ngiti niya sa labi nang makita ako.

"M-may kasama ka pala." Pinilit n'ya ulit na ngumiti kaso nagmumukha 'yung ngiwi. "Ke—"

"Faith!!!" May bagong boses nananamn ang uma-lingaw-ngaw. "Uuwi ka na?" Isang lalaki ang huminto sa tabi niya. "Tara! Sabay na tayo?"

Tiningnan niya si Kuya Kent. "S-sige Kenster."

At dumako naman sa'kin. "Dite..." Nginitian niya ako—ng pilit. "Mauna na ako—I mean kami. Ingat kayo."

Tinalikuran niya na kami at umuwi na kasama ang lalaki na sumigaw ng 'Faith!!!'.

Pero bago pa man siya maka-alis, may nahagip ako sa mga mata niya.

Lungkot...

Kahit anong tago niya sa kan'yang lungkot, nahagip ko pa'rin ito sa mga mata niya. Hindi siya marunong magtago ng emotion, Hindi siya sana'y, at kadalasan sa mga ganiyan na klaseng babae, mahina ang puso.

Kagaya ko...

Hindi ko alam kung bakit pinipilit n'ya pang ngumiti kung alam n'ya naman mismo sa sarili n'ya na hindi n'ya kaya.

Alam ko ang tungkol sa mga gan'yan. Dahil kagaya ni Ate A, ay inaral din ako diyan. Kaso hindi pa mas'yadong sanay. Dahil konti pa lang ang nalalaman ko sa mga gan'yan.

Sabi pa nga ni Ate Willow,

'Those people that always smiling are actually really not smiling...'

...
...

ISANG BUWAN na ang lumipas. Mabilis ang mga nagdaang araw. Ganun pa'rin naman ang routine ko. Uwi sa bahay, kain, tulog, school, then uwi nanaman. Kapag Saturday and Sunday, training sa likod ng Head Quarter. Ganun lang ang process, walang pinagbago.

Maliban sa part ni Kuya Kent.

Nitong mga nakaraang LINGGO kasi, andami kong napansin kay Kuya Kent, may ilan sa kan'ya na nagbago. I mean ang galawan niya nagbago. Sa tuwing RECESS at Lunch, palagi niya akong pinupuntahan sa classroom, kaya agaw pansin tuloy kami sa lahat ng mga studyante. Tapos kapag uwian din hinihintay niya ako sa labas ng classroom at sabay kaming maglalakad pauwi.

PAGKABUKAS ay late ako dumating sa klase. HUHUHU. Kaya late nanaman ako sa first subject, mabuti lang talaga mabait si Ma'am kaya ayun, nakapasok pa'rin.

Pagdating ng LUNCH TIME, narinig ko ang mga boses ng mga kaklase ko.

"Si Kenster!"

"Papunta nanaman siya dito."

Tumitili sila at kinikilig. At sa binanggit pa lang nilang pangalan, kilala ko na kaagad kung sino ang tinutukoy nila. Kaya tumayo na ako at iniligpit ang mga gamit ko. Nagpaalam ako kay Carlos na mauna na akong kumain. Nagsusulat pa kasi siya. Hindi niya pa tapos sulatin ang pinapasulat sa amin ni Ma'am.

"Tapos ka na?" tanong niya.

Nginitian ko siya ng malawak. "S'yempre naman! Ako pa?" Confident kong sagot.

Napansin kong natulala siya sa'kin. Saglit lang dahil agad niya naman itong iniwas. "Don't do that please." Mahina, pero narinig ko.

"Huh?"

"Wala. Umalis ka na. Nandiyan na ang football player mo."

Napatingin naman ako sa labas ng bintana at nakita si Kuya Kent na nakatayo doon, nakatayo sa labas ng classroom. Pero malayo ang kan'yang paningin.

Napabuntong hininga ako.

"Sige Carlos. Babyeee." Tinalikuran ko na siya at nagtungo na ako sa pintuan.

"Eat well Dite..."

"Hoyyy! Anong ginagawa niyo diyan sa pintuan!? Mga ambisyosa! Umalis kayo diyan! Dadaan si Dite!"

Nagulat ako sa sigaw ng Isa kong kaklase. "Hindi naman kayo ang hinahanap niyang Kenster niyo. Kaya tabi-tabi! Dadaan ang diyosa."

Napatawa na lang ako ng mahina nang makita ko si Anne. "Ingat Dite." Nginitian niya ako ng may meaning.

"Kumain ka na Anne."

"Yes naman. But later na. Hindi ko pa kasi tapos sulatin 'tong bw*s*t na nasa green board." reklamo niya habang nakaturo ang kamay sa black board namin—na tinawag niyang green board.

Totoo din naman kasi, bakit kaya tinawag na Black Board ang board namin kung kulay Green naman ito. HUHUHU.

LUMABAS na ako ng classroom at nilapitan si Kuya Kent. Napansin ko na nasa malalim nanaman siya sa pag-iisip. Gusto ko man siyang tanungin, kaso mas pinili ko na lang na manahimik.

Kunwari wala akong napapansin sa pagbabago niya nitong mga nakaraang LINGGO. "Kumain ka na Kuya Kent?" Inunahan ko na siya.

Kung dati, siya lagi ang nag-aaya na 'Tara, sabay na tayong kumain Dite.' or Nagtatanong na 'Kumain ka na ba? Kahit sabihin mo pa na kumain ka na, kakain ka ulit'

Ngayon naman ay ako. Mas'yado na kasi siyang katulala sa kawalan. Halatang

Tumingin siya sa'kin.

'Gusto ko siyang tanungin kung bakit lagi na lang siyang tulala'. Kaso, kunwari na lang muna na wala akong napansin.

"May iniisip lang." ang unang lumabas sa bibig niya.

"Huh?"

"Tulala' ako this past few days kasi may iniisip ako."

Mas lalo akong nagtaka. "Huh? Wala naman akong tinanong Kuya Kent ah?"

Biglang may sumilay na ngiti sa labi niya. "I can read you like an open book."

"Ehh?" Napasimangot ako. "Paano mo naman nalaman na 'yun nga ang nasa isip ko Kuya Kent?"

"You don't need to say a word, I just knew."

Bumagsak ang balikat ko. "Edi Ikaw na." Tinalikuran ko na siya at nauna ng naglakad paibaba.

Maraming mata nanaman ang nakatingin sa gawi namin. Ang sarap tusukin. Kung pwede ko lang sanang ilabas ang kutsilyo ko, kanina ko pa ginawa. Kaso bawal. Nasa school ako. Gusto ko lang makapagtapos kaya hangga't maaari, magpapanggap ako.

"Hindi mo ba tatanungin kung ano ang iniisip ko ngayon?" rinig kong tanong niya.

Sa Canteen ng Senior High ako pumunta. Naghanap ako ng bakanteng table, at nang makakita ng bakante ay doon ako umupo. Sumunod naman sa'kin si Kuya Kent at umupo 'rin—ng paharap sa'kin.

"Ikaw na mismo ang nagsabi Kuya Kent na nababasa mo ako. Kaya sige daw, basahin mo daw kung ano ang iniisip ko ngayon." sagot ko sa tanong niya.





















TO BE CONTINUED .....






DITE HURT (Nars Syndicates Season 3 ENTRY)Where stories live. Discover now