3 days later
Tatlong araw bago ang biglaang pagkikita ng dalawa, ang araw ay nagtatago sa ilalim ng makapal na ulap, at ang malamig na hangin ay nagdadala ng pakiramdam ng tensyon sa paligid. Sa harap ng isang matandang gusali na may kulay abong pintura, ang pinto ng opisina ng abugado ay tila hindi nagbago sa paglipas ng panahon.
Ang oras ay 9:00 ng umaga. Si Aisha ay nag-aantay sa labas ng opisina ng abogado, nakaupo sa isang simpleng bench. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa pinto ng opisina, habang ang malamig na hangin ay tila nagpapalalim ng kanyang kaba.
Ang sekretaryang si Donna naman ay lumabas na ng opisina ng Atty. Siya ay nakasuot ng maayos na uniporme at mayroong propesyonal na ngiti sa labi na bumati kay Aisha.
"Magandang umaga po. Kayo po ba si Aisha Alvarez?"
"A-ako nga po 'yon" Pag aalinlangang sagot nya sa sekretarya.
"Mabuti po. Ang abugado ay handa na po para sa inyo. Pakiusap, pumasok na po tayo sa loob."
Pinangunahan ni Donna si Aisha papasok sa opisina. Ang pinto ay bumukas, at ang malamig na hangin mula sa labas ay pumasok sandali.
Ang loob ng opisina ay maayos at tahimik, puno ng mga dokumento at legal na aklat. Ang abugado ay nakaupo sa likod ng mesa, naghihintay sa pagdating ni Aisha.
"Magandang umaga po Atty. Lim. Narito na po si Aisha."
"Magandang umasa sayo, Mrs. Alvarez, Please have a set." Usap ng Atty na ngayon ay abala sa mga papel at dokumentong nasa taas ng kanyang mesa.
Umupo naman ang babae sa sinabi ng Atty. Na pansin naman ni Kael na walang kahit isang kasama si Aisha kahit man lang ang asawa niyo ay wala rin, kaya naman ay nag taka ito at nag tanong.
" ikaw lang ba? Wala ka bang kasama? Nasa'n ang husband mo? Kailangan nandito rin sya." Usap ng Atty na seryosong naka tingin sa mga mata mi Aisha.
"Ahmm" Yukong tugon ni Aisha dahil sa walang masagot.
Alam nyang hindi sasama sa kanya ang kanyang asawa kaya naman sya nalang ang pumunta sa Atty. ayaw nya ring kulitin ang asawa dahil alam nyang pag aawayan na naman nila ito kaya sya nalang ang nag presenta.
"Busy kasi sya" Sambit nya at agad na umiwas ng tingin sa Atty. Tumango na lamang si Kael sa mga narinig nya galing kay Aisha.
Nag simula na ang kanilang pag uusap, at sa gitna ng pag uusap nila ay biglang nakaramdam ng hilo si Aisha kaya naman ay napahawak sya sa kanyang ulo.
Na pansin naman ng Atty. ang inasta ng babae kaya nag alala sya rito.
"Are you okay Mrs. Alvarez?" Tanong nya rito na may halong pag-aalala.
"O-Oo pasensya na medjo nahihilo lang ako" utal na sabi ni Aisha na ngayon ay parang nahihilo.
Suminyas naman ang Atty sa kanyang sekretaryang si Donna na bigyan ito ng tubig, agad naman ng tungo ang sekretarya sa labas ng opisina at dali daling kumuha ng tubig.
Tumayo sa kina-uupuan ng Atty at ngayon ay nasa likod na ng babae at hinagud-hagud nito ang kanyang likod. Dumating naman ang sekretarya nito at dala² na ang kanyang pinautos.

YOU ARE READING
ATTORNEY LIM
Action"Mahal kita, Aisha at alam kong mahal mo pa rin ako!" "May asawa na ako, Kael"