“Sol, nasaan ka?” I heard someone from the line.There she goes again.
“Nasa bahay ng classmate ko,” I said... and lied. I watched my friends who’s already staring at me. Alam ko namang naghihintay lang sila na ibaba ko ang phone ko para magpatuloy sa ginawa namin.
Ang sumayaw sa loob ng bar.
I’m still a minor, I know. But thanks to my height, I don’t look one.
“Anong ginawa ninyo diyan?” Mom asked, again. I sighed. As much as possible, I want to respect them. Pero siguro, hindi naman masama ang maging free muna ako ngayon no? I mean sana naman bigyan nila ako ng oras para magsaya-saya muna.
“Birthday ng mama ni Novan, Mom.” I said. Well, this time it’s true. Birthday ni Tita Sarah pero nasa bahay lang sila nagce-celebrate. Tumakas lang talaga kami para magbar.
“Okay, text or call me if magpapasundo ka na.” she said and ended the call. I looked at my friends and they smiled at me. We dance and enjoy the night.
Though, nagba-bar ako. Never naman pumasok sa isip ko ang uminom diyan. Pagsasayaw lang talaga ang pinunta ko rito. Nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan kong hindi na minor dahil hindi nila ako pinipilit na uminom. Sabi nila, kahit niyaya nila akong magbar, pagbabawalan parin nila akong magbisyo.
We dance the night until 10 PM. Dahil sa pagod naman na kami, naisipan na naming umuwi. Two of my friends were wasted— Fate and Donna. Kami lang ni Novan 'yung hindi kaya ay tinulungan namin sila sa paglabas ng bar at ayun nga, grabe sumuka nung dalawa.
I was about to help Donna to get up nang nakarinig ako ng busina. Lumingon kami roon at napabuntonghininga naman ako nang makita ko ang kotse namin. Sa loob nun ay si mom. Galit na galit ang mukha niya nang lumabas pero nanatili parin siyang kalmado. Hindi niya kami sinisigawan sa halip ay pinasakay niya yung mga kaibigan ko sa kotse at saka hinatid sa mga bahay nila.
“Thank you po sa paghatid, Tita.” pagpapaalam ni Novan. Tumango naman si mama at saka tahimik na kaming nagbiyahe pauwi.
Kinakabahan naman ako dahil kapag ganito ang eksena, paniguradong may hindi magandang mangyari sa bahay.
“Mom, I—”
“Tumahimik ka, Mirasol.” Napalunok ako. Basta tatawagin na niya ang pangalan ko ay paniguradong galit na iyan.
“Palagi nalang nangyayari ito kaya hindi mo ako maloloko, Mirasol. Pagkauwi natin sa bahay, tumahimik ka nalang. Huwag na huwag kang sasagot sa Daddy mo.” she said. Bigla naman akong natakot nang binanggit niya si daddy. Knowing daddy, he will never pass the day without scolding me or worst, he will use that unexpected and unpredictable decision just to discipline me.
Only child lang ako so they will do everything to discipline me.
One time, nung nagcutting classes ako, pumunta si mom and dad sa school namin para lang ipasuspend ako for three days. Yes, they did that. Kinulong nila ako sa bahay. That was last year, Grade 10 ako nun.
Second time, nung napaaway ako sa pabida kong kaklase kasi naman kahit na napag-usapan na namin na wala munang magpaparemind sa teacher namin about sa assignment and sa performance task namin na sayaw, ayun siya nagdadrama si ate niyo kaya ayun na naguidance kami. Sinabunutan ko e. Si Dad naman ang pumunta nun kaya ay napabehave talaga ako. Grade 10 parin ako nun.
Well, when it comes to my academics okay naman, running for salutaturian sana ako nung moving up pero dahil nga sa pinapakita kong attitude ay hindi nangyayari iyon.
YOU ARE READING
Summer Serenade
Teen FictionAt the age of 17, Mirasol Escudero is already breaking her parents' rules, so they send her to live with the grandmother she's never met. The small town is very different from what she's used to-everyone is friendly, the atmosphere is warm and brigh...