Nakapagbihis na ako ng pambahay, isang simpleng sweater at shorts ang suot ko kasi ito lang ang nakita ko sa maleta ko. The rest ay puro dress. Bakit ba dress 'yung mga dinala ni mommy? Ayoko pa naman magdress.
Dumating na si Lola sa bahay at agad naman iyong binati namin. She’s wearing a floral skirt naa hanggang tuhod lang at isang simpleng t-shirt. She's wearing a hat na sa tingin ko naman ay gawa sa anahaw. It's nice.
Kompleto rin ang ngipin niya at sa tingin ko ay nasa 58 years old pa lang si lola pero nagulat ako nang binulong ni mommy ang edad nito.
She's 65 years old? Her physical feature is so young than her age!
She's very bubbly and funny. Nagjo-joke siya kela mama at papa habang ako naman ay pangiti-ngiti lang na nakikinig sa kanila. She even talked about how mom and dad met. And I don't know whyz the way she talks, I'm invested and interested to every detail.
Naikwento rin ni lola na baby pa lang ako nang makapunta ako rito at ngayon lang ako bumalik dito. She even said that I must enjoy my stay here. May kakilala raw si lola na magaling makihalubilo sa tulad kong taga siyudad kaya ay hindi raw ako dapat mag-alala.
“Hala, wag na po.” nahihiyang sabi ko. Hindi lang pala ako kay daddy titiklop, kay lola rin pala. Well, takot ako kay daddy pero kay lola, nagiging soft-hearted ako.
“Ano ka ba! Huwag kang mag-alala. Mabait naman iyon saka, siya talaga ang tour guide ng mga dayuhan dito dahil ang galing niya magsalita ng Ingles!”
“Marunong naman po kasi akong magtagalog,” sabi ko.
“Sol,” si daddy.
Wala namang masama sa sinagot ko 'di ba?
“Ikaw talagang bata ka, parehas kayo ng daddy mo nung bata pa siya!”
“Ma!”
Natawa lang naman si Lola at si Mommy sa inasal ni dad na para bang nahihiya.
Masaya kami rito ngunit natigil lang ito sa pagkukwento nang may kumatok sa pinto.
“Buksan mo nga 'yung pinto, apo.” Tumango naman ako saka ay lumapit doon. Bumungad naman si Tito Dennis na ngayon ay may kasama ng isang babae na sa tingin ko ay asawa niya at dalawa pang lalaki na kaedad din ni papa.
“Pareng Carlos! Kay tagal mo namang bumalik dito sa probinsya!” sabi naman nung isang lalaki, kalbo ito pero makikita mo na may taglay itong kagwapohan. Bumati rin naman yung isa na mahaba ang buhok.
Sa tingin ko ay mga barkada iyon ni papa.
'Yung babae naman ay dumiretso kela lola at mommy na ngayon ay masaya nang magkukwentuhan. Nakikinig lang ako sa kanila at saka ay nasasali rin sa usapan kapag may itatanong sila sa akin.
“Sayang wala rito ang anak ko!” sabi ni Tita Percy, yung asawa ni Tito Dennis. Yung kalbo ay si Tito Ramon at 'yung mahaba ang buhok ay si Tito Marlo.
“Nasaan po siya?” tanong ko
“Nasa school 'yun. Ayaw umabsent e. Sinabihan ko nga siya na kahit isang araw magpahinga muna sa pag-aaral o kaya umabsent pero ayaw talaga nun. Lalabas lang 'yun kapag si Vince, Marcus, at si Christine 'yung mag-aya.”
“Buti pa anak mo, sis.” sabi ni mama at napatingin sa akin kaya nahiya naman ako.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan at nang napansin kong seryoso na sila sa pinag-uusapan nila, nagpaalam na muna akong lalabas.
“Mag-ingat ka, anak.”
Tumango lang ako sa kaniya at lumabas na. Wala naman masyadong dumadaan na tricycle dito kay naisipan kong maglakad-lakad muna tutal maliit lang naman ang probinsyang ito.
YOU ARE READING
Summer Serenade
Teen FictionAt the age of 17, Mirasol Escudero is already breaking her parents' rules, so they send her to live with the grandmother she's never met. The small town is very different from what she's used to-everyone is friendly, the atmosphere is warm and brigh...