Chapter Twelve

17 1 0
                                    

Paggising ko kinaumagahan ay agad kong hinanap si Angelus. Natagpuan ko siya sa kusina. Nagpiprito ng bacon at fried rice. Habang nakikinig ng piano instrumental mula sa built in speaker.

He looked so serious and busy. Nagtago muna ako sa sulok. Pinanuod ang mga ginagawa niya.

Angelus is really attractive and at the same time, intimidating.

He's tall, well-built and has this long shoulder-length smooth black hair that complements his handsome western looking face. Not to mention that he's a billionaire on his own chain of companies.

Am I really worthy for him? Am I good enough? He's definitely out of my league.

Kapag pinagtabi kami magmumukha lang akong katulong.

Kung sakali bang maiinlove ako completely kay Angelus De la Croix, babagay ba ako sa kaniya? At saka wala ba siyang asawa o girlfriend at the moment? Sa dami ng babae na nakilala niya, bakit ako?

Itong mga nangyayari sa akin ngayon parang eksena sa pocketbook. O kaya ay tila ako nakakulong sa delulu bubble at kailangan ko ng bumalik sa riyalidad. Parang isang magandang panaginip.

"There you are, little lady!" bati niya nung nakita niya ako na tulala sakaniya.

Umiwas ako ng tingin. He just caught me!

Lumabas na ako sa lungga. "Hi good morning, Angelus."

"You woke up early today. I'm guessing you're ready to talk with me. Keep your questions to yourself and let's prepare our breakfast first." Masiglang sabi ni Angelus.

Sinunod ko naman siya. Hinanda ko ang mga plato at kubyertos sa mesa. Tahimik lang kaming kumain.

Maya-maya pa ay lumabas kami ng mansiyon pagkatapos naming kumain ng agahan.

Saglit kong pinagmasdan ang nakakalulang tanawin. Natatanaw ang malawak at kulay asul na karagatan. Palagay ko pagmamay-ari ni Angelus ang buong isla na ito. Nasa tuktok kami ng burol at nakapaka ganda ng view mula dito sa mansyon niya.

Hindi na nakapagtatakang pati ang isla ay kaya nitong bilhin.

"I get it. The view is beyond words. And so are you. You and I, being here together. I couldn't ask for more." biglang nagsalita si Angelus sa gilid ko. He has this genuine sweet smile on his face. I couldn't help but swoon.

Apaka guwapo talaga ng lalaking ito!

Pero kailangan kong gisingin ang sarili ko sa pantasyang ito.

"Gusto ko ng umuwi sa amin. Nasaan ba ng lupalop ng Pilipinas tayo?" basag ko sa matamis niyang patutsada.

Agad na naglaho ang kinang sa mga mata ni Angelus at napalitan iyon ng pagka dismaya. Sumeryoso ang mukha nito.

"We're in Aurora. Why do you want to go home when I just found you trying to kill yourself the other night? I'm sure you need a break from all the things that you're dealing with. It's best for you to stay here." Ma-awtoridad nitong sagot.

Umiwas ako ng tingin at napalunok ng laway. Ngayon ko lang nasaksihan ang seryosong side ni Angelus.

"Hindi mo ba ako namimiss makasama, Elia? Why don't you think of this as a vacation -- with your longtime.. childhood sweetheart?" dagdag pa niya.

Napailing ako. Longtime childhood sweetheart? Pagkatapos niya akong paasahin noon? Kung nauso lang 'yung term na ghosting noon, gano'n ang itatawag ko sa ginawa niya.

"I don't miss you, Angelo. Sa tagal kitang hindi nakita ay halos nakalimutan na kita. Kung hindi mo lang pinaalala na ikaw 'yung binatilyong naka-situationship ko noon." naiinis na sabi ko.

There Was You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon