Chapter 23
Mark Lawrence Pov
"Go na me, friendship! Yiee!" Ngumingisi pa si Jewel sa akin at saka humalik sa aking pisngi. Binigyan niya pa ako ng isang kindat at hinila na si Chucky kasama siya.
Kinagat-kagat ko ang mga labi ko upang pigilan din ang pag-ngisi. Ang hirap parang magpigil ng kilig! Mas keri ko pa sigurong pigilan ang ihi ko kaysa sa kilig. Gustong-gusto ko ng mag-rolling-rolling on the floor dito sa harap ni Ultimate Crush na Pangga ko na ngayon! Ang saya, nag-upgrade na ang tawag ko kay Xavier. Buti nga nakalimutan na niya iyong tinawag ko siyang Pangga dati. Hihi! Sinabi ko pa naman sa kanya no'n na ang ibig sabihin ng pangga ay bunso!
At sa lahat ng pag-upgrade ng buhay ko habang nandito ako sa manila. Hindi ko aakalain na mag-aupgrade rin ang tingin ni Xavier sa akin. Alam ko maganda ako, sobra, confident ako sa beautyness ko, kaso... hindi ko lubos maisip na... liligawan ako ni Xavier Faleiro! Pak! Fullname para mas feel ko!
Ang pang two months na ganda ko rito ay may side effects pala kay Xavier. Akalain mo nga naman na galit siya sa akin at ang bilis mainis sa mukha ko pero ngayon... handa na yata akong gapangin? Charz lang!
"Flowers for you, baby."
"Amp!" Birong sinampal ko ang balikat ni Xavier kaso ang tigas! "Padedehin mo nga ako kung baby mo ako!"
"What?"
Naitakip ko sa aking bibig ang flowers dahil inulat ko pala ang thoughts na bumisita sa utak ko. Ang duga naman nitong bibig ko! Hindi nakikisama minsan!
Ngumuso ako. Hindi ko siya pinansin sa kanyang sinabi.
"Akin telege ito." Ipit ko sa sariling boses at kunyari ay inipit ko ang aking buhok sa tenga.
Ang konting distansya namin ni Xavier ay sinara niya sa pamamagitan ng paglapit sa akin. Nagp-puppy eyes ako sa kanya. Inangat ni Xavier ang kanyang isang kamay at akala ko padedehin na niya ako nang guluhin niya ang buhok na parang aso na pini-pet!
Arf! Arf! Chariz!
"Let's get inside." Malambing na wika ni Ultimate Crush, honeysugarplum ko, na ngayon ay Pangga ko.
Lumukso ang puso ko nang igapang ni Xavier ang kanyang braso sa baywang ko at saka niya ako inakay papasok sa big brother house niya!
"That is your friend?"
"Uh, huh? Ano iyon, pangga?"
Nilingon ko si Xavier. Kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niy bago niya ito kinagat upang mawala ang pagngiti.
"Iyong babae kanina na kasama mo."
"Ayy, si Jewel iyon, pangga! At alam mo ba mayaman si Jewel at lagi raw'ng nasa ibang bansa ang mga magulang niya! Tingin ko gustong sundan ng mga parents ni Jewel ang yapak ni Ferdinand Magellan!"
"Prft! Ferdinand Magellan? Do you know him?"
Hala! Nabo-bobohan ba itong si Xavier sa akin? Hindi niya ba alam na with highest honor ako sa aking mga panaginip?
"Oo naman! Siya ang napaslang ni Lapu-Lapu! At siya ang naka-diskubre sa Pilipinas!"
Umiling si Xavier.
"Hmm, but were not sure if he was really killed by Lapu-lapu. It's still debatable until now. Marami pa ring historians ang nagd-debate d'yan."
Sinimangutan ko siya. Amfee naman nito. Amfee as in ang feeling niya pero parang verified by nature spring naman ang sabi niya (from credible source naman ang sinabi niya).

BINABASA MO ANG
El Grande Series 4: Xavier Faleiro✓
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 4th installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.