Tindahan (One Shot)

180 9 1
                                    


-

"Yana bili ka sa tindahan ng suka."

Utos sakin ni mama.Daily routine na ang utusan ako ni mama araw araw na pumunta ng tindahan at pabilihin ako,tinatamad kasi siyang mag grocery.

"Opo ma!" Sagot ko at agad kinuha yung perang inabot niya sakin.

Mga anim na bahay pa ang madadaanan bago ko marating ang tindahan ni Aling Uling. Oo, Aling Uling , itim na itim ang pangalan, malamang maitim rin kasi Bwahahahha arghsjjdlalj *Ubo* *ubo*

Grabe nasamid ako sa laway ko,may sumabit sa lalamunan ko.

Kaibigan ko na nga si Aling Uling eh,pag may naabutan akong bumibili ng uling sakanya ang banat ni Aling Uling ay "Naku di moko pwedeng bilhin,magagalit asawa ko." Sabi nito. Grabe, As if naman na may bibili sakanya HAHAHAHAHA-- ay tama na ang tawa baka malunok ko ngala ngala ko..You know,mahirap na.

Tatlong hakbang nalang at mararating ko na rin ang tindahan ni Aling Uling. As usual, nandun nanaman yung mga magtotropa, well, bakasyon kasi kaya tambay sila don,mukhang ayaw nilang mautusan ng nanay nila.Kung hindi sa tindahan dun sila sa tabi ng tindahan na may computer ahop at nagdodota.

Andito na rin ako sa tindahan ni Aling Uling.Ramdam ko naman na tinitignan ako ng magtotropang nakatambay EXCEPT dun sa pinakapogi sakanila.Nakaupo lang kasi ito na nakasandal sa pader tapos naka earphone at mukhang sinasabayan ang beat ng pinapakinggan niya dahil napapa tap siya sa may legs niya na parang nag da drum.

Nagbabakasyon lang pala siya dito samin.

"Aling Uling pagbilan po." Sabi ko.

Nabigla ako nang may kumalabit mula sa likuran ko.

"Ano yon?" Tanong nito na ikinagulat ko at hinanap kung san galing.

"Ay syete!!!" Bulalas ko. Si Aling Uling pala.Hay naku nabigla ako! Ikaw ba naman makakita ng dilim..ay este ng ano,basta yun.

"Gulat ka noh?!" Sabi nito na tumatawa tawa.Di naman nakakatawa.Sabi ko sa isip ko.

"Ay hindi hindi, na shock lang." Sarcastic kong sagot at tinapik niya ako sa balikat ko at pumunta na sa loob ni tindahan niya.

"Oh ano na bibilhin mo ineng?" Nakangiting tanong nito.

"Isang suka po." Nakangiting sagot ko naman.

Inabot niya sakin ang suka at inabot ko din ang bayad.

"Salamat po." Sabi ko at tatalikod na.

Hindi pa lang ako nakakahakbang ay hinarangan ako nung dalawang lalakeng nakatambay sa tindahan.

"Baket?" Nakataas ang isa kong kilay,kala nila takot ako?!

"Gusto mo straw?" Tanong nung isa. Cedrick ang alam kong pangalan nito,sikat din kasi to sa school namin.Lahat naman yata sila dito sikat,di ko lang kilala yung poging mukhang walang pakealam sa daigdig.

"Anong gagawin ko sa straw?" Nagtatakang tanong ko.

"May kulang kasi jan sa binili mo."

Wow , at nagsalita na yung pogi.Grabe ang gwapo ng boses tapos seryoso yung mukha niya.

"Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Malamang straw,pano mo yan maiinom kung wala kang straw." Sagot nito na seryoso paren.

"putagris!Ano to Zest-o?!" Natatawang sambit ko at di ko na mapigilang tumawa.Mga eng eng to,eh suka tong binili ko,yung tig ootso.

"Natawa ka naman." Sabi nung isa na Wesley ang pangalan.

Tindahan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon