Tindahan (to be continued)

93 8 0
                                    


"Aamin ako."

Naku,kinakabahan ako!

"Ha?" Patay malisyang sagot ko.

"Aamin nga ako." Pag uulit nito.

"A-anong aaminin mo?" Nauutal kong sambit.

"Aamin akong... aaminin ko ng... bading ako."

"Whaaaaaaat?!!!" Gulat kong sabi. Shit! Sa gwapo niyang yan?!!!

Narinig ko nalang tumawa siya ng malakas. Pota ang cute ng tawa niya FOR THE FIRST TIME.

"Joke lang!" Sabay nag peace sign siya.

Grabe,nakakainis.Kinabahan ako dun ah!

Inirapan ko naman siya.Nakakainis,pano na magiging daddy ng anak ko?! Chos! Pangarap lang.

"Uy sorry." Bigla na siyang sumeryoso."Biro lang.Sorry na." Dagdag nito.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko.Nakayuko lang ako at hinuhuli niya yung tingin ko.

"Biro lang yun,Sa pogi kong to?No way,di ako ganun.Magkakaanak pa ako ng may magaganda at poging lahi at gusto ko ..." sabay hawak niya ng baba ko at tinaas niya mukha ko para magka eye to eye contact kami. "At gusto ko , ikaw yung mommy."

*insert music*

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako.. .. ..

---

--

(Sa isang sulyap mo)

Hindi ko na mapigilan at napangiti ako ng wagas.Pinisil niya yung pisngi ko.

"Ang cute mo talaga." Sabi nito.

Nananaginip yata ako? At kung panaginip man to,wag na sana akong magising.

"Pwedeng diretsahin mo na ako?" Sabi ko.Kasi baka jinijoke niya lang ako.Ayokong umasa kasi nangyari na saakin to.Ayoko ng maulit yun.

Tumayo siya at nagpagpag ng damit at shorts niya.Lakas talaga ng dating!

Nabigla ako nang inalalayan niya akong tumayo.

Ang isa pang ikinabigla ko ay bigla niya akong niyakap.Ang tangkad niya.Halos rinig ko na ang heartbeat niya.

"B-bakit?" Utal kong tanong.

At na umpisa na siyang magsalita..

"Nung una kitang nakitang bumibili sa tindahan nabighani na ako sa ganda mo.Yun nga lang nakashorts ka lagi pag bumibili ka,wag ganun ha?nakakainis,naiinis ako,kasi gusto ko akin ka lang,anong connect nun sa shorts mo? Madaming nakatingin sayo.Maganda kana nga magshoshorts kapa,edi nagmukha kanang Dyosa nun..magpapangit ka naman para sakin. Pag umaalis ka pagtapos mong bumili pinapaalala ko sa mga tropa ko na 'akin lang yun ha', mabilis ba? Mabilis ba ang pagkagusto ko sayo? Hindi pala kita gusto,kasi ramdam kong mahal na kita .. shit,bat nga ba mahal na kita? Inasar kita nun para mapansin moko,para makausap moko.Fvck,ang torpe ko Yana..masyadong naging mabilis ang pangyayari.Gustong gusto kita Yana,wala pa akong karapatang sabihing mahal kita kasi baka sabihin mo masyadong mabilis.Isa lang akong bakasyonista dito,ngayon lang ako nagkagusto sa isang babaeng araw araw kong nakikitang bumibili sa tindahan at may oras pa para makipag asaran sakin.Kung taga dito lang sana ako,mababantayan pa kita..kaso di pwede.Nung isang araw pala,hindi ako na wrong way, sadyang gusto ko lang makasigurong safe kang umuwi sa bahay niyo.Yana,pagpasensyahan mo na tong si Zick ha? Wag kang mag alala babalikan kita.Oo nga pala,bukas na uwi ko."

Gustong kong umiyak,lalo nung malaman kong bukas na ang alis niya.
Nanatili parin akong nakayakap sakanya.Sana forever na to,ayaw ko na siyang umalis.Mahal niya pala ako eh..nakakainis siya!

"Uy Yana?" Hinawi niya ang buhok ko. " wala bang speech jan?" Dagdag nito.Nagbiro pa talaga.

Tumingin ako sakanya.Nakatingala ako dahil nga matangkad siya.

"Gusto din kita Zick.Pero mukhang wala ng pag asa..magkakalayo na tayo." Matamlay kong sabi.

Pinaupo niya ako at pinasandal sa balikat niya.

"Wag ka ngang malungkot.Gagawa ako ng paraan." Sabi nito at nagkaroon ako ng pag asa.

"Hihintayin kita." Nakangiti kong sambit.

"Maghihintayan tayo." Sabi naman nito.

--

Kinabukasan..

Nabalitaan ko nalang umalis na siya.

Nagkulong lang ako sa kwarto...

Masaya akong nakilala siya,masaya akong nagkaaminan na kami..

Salamat sa tindahan ni aling uling,kungdi sa tindahan niya,di ko makikilala ang lalakeng patago palang nagkakagusto saakin at lalakeng gugustuhin ko rin na sa isang iglap ay mamahalin rin pala-

I'll wait for my zick and we'll wait for each other.

--

Tindahan (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon