Chapter 8

1K 41 9
                                    

Andrius

Dahil pare-pareho na kaming mga lasing, napagpasyahan namin na tumigil na dahil alas dyes na rin ng gabi. Lahat naman kami ay hapon pa ang pasok kaya walang problema kung anong oras na kami magising.

Tatlong kwarto meron ang condo ni Cassian‚ in short yayamanin. Nasa isang kwarto si Yuen at Zaven habang si Zed at Reux ay nasa isa‚ doon ako matutulog kasama sila. Hindi naman pwede na sa kwarto ako ni Cassian‚ diba? Pero pwede rin kung masyado siyang mabait‚ tapos dito siya sa sofa.

Pumasok na sila sa kaniya-kaniyang tutulugan, habang ako at si Cassian ay nagliligpit na lang. Hindi na rin naman nila kaya‚ lalo na si Zed na lasing na talaga. Kahit walang nakakatawa ay biglang tatawa. Abnormal ba.

Nang matapos kaming magligpit umupo muna ako sa sofa at sinandal ang ulo ko‚ nakatingala ako ngayon sa kisame. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.

Ilang minuto kaming tahimik. Walang nagsasalita kahit sino. But the silence is comfortable. It’s not suffocating this time.

Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita siya.

“Go get some rest‚ Zamora,” sambit niya na alam kong nakatingin siya sakin. Hindi ko siya nilingon.

“Hindi pa ako inaantok‚ mauna ka na,” sagot ko pero nanatili ang tingin sa kisame. Narinig ko ang buntong hininga niya at doon ako napatingin sa kaniya.

Tumayo siya at naglakad papasok sa kwarto niya. Sinundan ko siya ng tingin. Matutulog na ba yon? Hindi man lang sinara ang pinto. Bumalik ako sa pagkakatitig sa kisame dahil hindi na siya lumabas.

Ilang minuto ang nakalipas ng marinig ko ang pagsara ng pinto‚ napatingin ako roon at nakita kong lumabas si Cassian na may bitbit na unan at kumot. Napataas ang kilay ko.

“Doon ako sa kwarto na tinutulugan nila Zed matutulog‚ ayaw ko rito baka lamigin ako. Malay mo may multo rito?” Natatawang sambit ko.

Ngumiwi lang siya at basta na lang inilapag sa sofa ang dala niya‚ umupo ulit siya.

“I’m not gonna allow you to sleep here‚ Zamora. You can sleep in my room‚ I’ll sleep here.” Nagulat ako sa sinabi niya. Tumingin din siya sakin.

“Lasing ka pre? Tandang-tanda ko pa sinabi ni Yuen kanina‚ ayaw na ayaw mo raw magpapasok ng ibang tao sa kwarto mo ah? Lasing ka siguro,” Natatawa pero medyo gulat pa rin na sambit ko. Umiwas siya ng tingin na ikinangisi ko.

“I’m not drunk. And you’re not ibang tao‚ Zamora.” tumaas ang isang kilay ko.

“Ang unpredictable mo talaga,” Iyon na lang ang nasabi ko. Natawa siya nang mahina.

Nang maalala ko ang binili ko kanina sa 7/11 agad ko iyon hinanap sa bulsa ng pants ko. Nilabas ko iyon at pinakita sa kaniya.

“You smoke? Want some?” Tanong ko sa kaniya at kumuha ng isa para ibigay sa kaniya.

“I don’t smoke. You can have it,” Umiling pa siya. Tumango ako. Hindi smoker‚ bihira iyon sa mga lalaki.

“Can I smoke here? Or you want me to go outside?” Tanong ko. Baka kasi bawal mag yosi rito.

“You don’t have to go outside‚ you can smoke here. Just one stick,” Natawa ako dahil mukhang bawal nga pero ayaw niya lang akong lumabas. Malamig na rin naman.

Sinindihan ko iyon at basta na lang humithit. Ibinuga ang uso sa kabilang side kung saan wala siya. Bumalik ako sa kaninang ginagawa—tumitig sa kisame.

Namuntawi na naman ang katahimikan sa aming dalawa. Alam kong nakatingin lang siya habang nag yo-yosi ako. Sa taas ko na binubuga ang usok ng sigarilyo‚ sinisigurado na hindi niya malalanghap iyon. Minsan pa na papaypayan ko para mawala agad.

Under Of HimWhere stories live. Discover now