"They are all killed. Including your parents—"
"Enough!"
"O-okay," yumuko ito at tahimik na umalis sa harapan niya.
Hawak hawak ang kanyang ulo ay naramdaman niya ang pag bugso ng sari-saring damdamin. Wala na ang mga magulang niya. Nagiisa na siya. Sa uri ng pamumuhay at buhay na meron siya ang pagkakaroon ng kahinaan ay siyang hihila sa kanya sa isang kumunoy na kahit sino ay walang tutulong o handang tumulong.
Being prepared can be considered as one of her strengths, as of now, especially with the time like this. Where war is in its highest peak.
Bumukas ang pinto ng kanyang study room at iniluwa niyon ang sarili niyang kanang kamay. Si Sage.
"Madame, they’re on the east side now," pagbibigay impormasyon nito sa kanya.
Tinignan niya ito ngunit hindi nababakas sa mukha ang takot. He might have known her too well. Nilibot niya ang buong paningin sa paligid.
Ang mga litratong nakasabit sa dingding ng kanyang personal na opisina ay ang mga taong nakasalalay sa kanya. Kailangan niya ang lakas ng loob at tamang pagiisip. Higit sa lahat kailangan niya ng epektibo at konkretong plano.
Inayos niya ang kanyang upo at huminga ng malalim, ilang sandali pa ay tumayo siya at pumunta sa meeting table nila kung saan nakalatag ang mapa ng buong nasasakupan nila.
Ang mapa ay may represintasyon ng bawat istruktura ng lugar na narating na ng kanyang personal na grupo na nakatalaga sa pag-alam ng bawat pasikot sikot sa buong kalupaan.
Nasa silangang bahagi na pala ang mga kalabang inaasahan nila. Isang araw na paglalakad pa bago nila malagpasan ang malawak na gubat at marating ang pinakamalapit na bayan.
"They shouldn't reach the nearest village, Sage." Aniya.
Tumango ito bago sumang-ayon sa sinabi niya, "They will turn every single person there and use them to fight against us. They're making a battalion of worthless shits"
"Still. They are humans. We are humans," tutol niya.
Dinig naman niya ang pagbuga nito ng hangin tanda ng pagkainis.
"Are'nt you a soft person to become our leader?"
Hinarap niya ito ng may nagbabaga at mapupulang mata. "Are'nt you just a 'turned' to wave doubt with my leadership in front of my face?"
Natigilan naman ito at iniwas ang tingin sa kanya. Kasabay nito ang bigla ding paglaho ng mapangutyang ngiti na kanina pa nagpapaalab sa iritasyong nararamdaman niya.
Umirap siya at humugot ng isang malalim na hininga. Sa gitna ng kanyang pagiisip ay hindi niya namalayang nahiwa na pala niya ang kanyang pang ibabang labi gamit ang kanyang may katulisang kuko. Narinig niya ang pagsinghap ni Sage at ang paglakas bigla ng tibok ng puso nito. Sa sobrang lakas ay parang yun na ang narirnig niya sa buong kwarto kasabay ng malalalim na paghinga nito.
Tinapunan niya ito ng tingin at nakita niyang bahagyang nakabuka ang bibig nito at titig na titig sa labi niya.
Ang amoy ng kanyang dugo ang nagpapawala sa sistema ng kanyang kasama. Silang mga turned ay may pagnanasang matikman ang kanilang dugo na mga pure. Ang dugong kahit sino man ay wala pang nakakatikim o nakakahigop. Kung may mangyari man mangmang ito at walang alam.
Naalala niya ang kakamatay palang na mga magulang. Maaaring may kumuha na sa mga labi nila and suck up their bloods but she know better. Walang makikinabang doon.
Tumikhim siya at tinapunan saglit ng tingin si Sage.
"Lets take north, others stay and guard the castle," utos niya.