1

11 0 0
                                    

El's POV:


"Hi Eljana..."sabi ng taong sinusumpa kong sana e hindi ko na lang nakilala. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yan e nagtawanan at kantyawan yung mga lalaking kasama niya na hindi ko rin naman gusto.. ni minsang hindi ko naman talaga silang lahat nagusutuhan. Siguro mga kaibigan niya. Ewan ko ha.


Ganitong ganito rin ang pangyayari 2 years ago...


Sa dinami dami ba naman ng taong papansin sa'yo dito sa University e eto pang asungot na to. Bakit hindi na lang si Nadine? Sila Flor o Claire? O kaya yung manong guard, yung teacher, o yung mga taong hindi ko na lang kilala na pwedeng magpanggap na sila yung bumati sa kin kesa sa asungot na to.


*Ehem Ehem* narinig kong paglilinis sa lalamunan ng lalaking to na mas lalo pang nagpainis sa akin.


"Hi Eljana..." inulit pa.

Narinig ko! Hindi ako bingi. Sadyang hindi lang ako interesado. Tsk.


Kahit hindi ako nakatingin e ramdam na ramdam ko yung ngisi ng mga kumag na to sa likuran ko.


Kung sa isip niyo e nagpapabebe lang ako o nagpapakipot o nagpapa-hard to get, o edi maling mali kayo. Hindi ganon yon. Ni minsan hindi ako nag-inarte sa balat ko. Hindi ba pwedeng ayaw ko lang? Hindi ba pwedeng hindi lang talaga ako interesado?


"Uy.. Hi daw Eljana oh.." sabi ni Flor na biglang nangulbit sakin na kanina wala naman diyan sa likod ko. Gusto kong mainis kasi bakit hindi na lang si Flor ang una kong nakita sa umaga na pagpasok ko. Pero andyan na e.


"Flor, tara na." sabi ko kay Flor na parang hindi ko nakikita ni narinig ang mga kaninang pagbati nila.. kung pagbati man ang tawag nila don.


Hindi ko man lang sila tiningnan o nilingon. Kung anuman ang dahilan ko e sa akin na lang yun. Ni hindi rin ako sigurado kung sumunod ba sa akin si Flor o hindi pero ang gusto ko lang ay makalayo na sa posisyong yon. Naiirita ako. Para bang nag iinit ang ulo ko. At nanlilisik ang mga mata ko. Imbes na plano kong pumunta sa library, sa canteen ako dumiretso. Mapawi man lang ang uhaw at init ng ulo ko.


"Grabe ka naman sis, ke aga aga ang shungit mo, nakaka-ugly yan!", sabi ni Flor habang umiinom ako ng tubig. Tinignan ko lang siya.


"Ay naku! Kung nakita mo lang kanina yung itsura ni Tom!!!" sabi pa niya na para bang kinikilig na ewan.


"May hawak siyang isang red rose at chocolate na hindi ko alam ang tatak, mukhang mamahalin! Tapos para bang hindi maialis ang tingin niya sa'yo. Sa likod mo lang siya e, naghihintay na lumingon ka.. kaso ikaw masyadong pabebe eh hindi man lang nagpaabog na lumi—"


"Flor, tama na." sabi ko na medyo napataas ang tono. Nabigla rin ako. Hindi ko sinasadya. Nakita kong nakatingin lang siya sa ibang direksyon tapos nang tumingin siya sakin tinignan ko lang yung bote ng tubig na nasa harapan ko.


"Eh bakit ba kasi, El? Okay naman si Tom ha. Gwapo, matalino, sweet, medyo may pagka-maloko pero mabait naman siya. Saka hello? Baka si Thompson Fernandez yan?"mahinanhon niyang sabi pero walang tono ng pagsuko.

This Damn Feelings.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon