Nang....
"Uy El."sabi ng kilala kong boses na ayaw kong marinig kasi bukod sa busy ako at nag aaral dito ay hindi naman talaga kami close.
Si Andrew.
"Bakit?" walang lingun-lingon kong sagot sa kanya at patuloy pa rin sa pagsusulat. Nakakaasiwa yung ganito. Ang daming ketket. ( Ketket=salimpusa; alam mo na?)
"Sungit mo naman. Di mo man lang ako tinignan."
Aba't tignan mo 'tong taong to. Bukod sa hindi niya alam na nakakaistorbo siya ay napakademanding pa. Gusto may pagbati ng bongga?! Close ba tayo ha?
"Eh may ginagawa kasi ako." Mahinahon kong sabi.
"Kahit lingon lang?"paarteng niyang sabi na para bang close na close kami kung makapagrequest, jusko.
Tumingin na ako sa kanya na parang walang emosyon pero sa totoo lang nasusura ako. Tama lang. Hindi masaya, hindi malungkot. More like, walang kagana gana.
"Bakit ka ba laging naka-poker face? Malungkot ka ba?"tanong na naman niya!
Susmiyo naman! Hindi na ba mauubusan ng mga tanong to? Ano pa't pinili ko ang pwestong 'to kung hindi ko rin napapakinabangan.
"Wala lang. Hindi naman." Walang emosyon kong sagot sabay balik ulit sa ginagawa ko.
Nakarinig ako ng buntong hininga. Nanahimik siya. Siguro sumuko na. Mamaya-maya aalis na yan. Mas mabuti nang ganitong tahimik. Iisipin ko na lang na wala siya dyan.
Pero maya-maya...
"El. Paupo dito ha?"si Flor. Andun siya sa medyo malayo pero apat na upuan lang ang layo niya sakin. Magbabasa yata siya. Kapag ganyan, hindi na yan dadaldal kasi nagbabasa na.
"El,naglalaro ka pa rin ba?"bigla-biglang tanong nitong asungot na nasa harapan ko. Gulat naman akong napalingon sa kanya dahil inaakala kong sa pag-upo ni Flor ay aalis na siya. Pero hindi. May motto yata sa buhay tong Andrew na 'to e.
"Minsan." Maiksing sagot ko para matapos na kasi nakakasura na talaga e.
"Alam mo nung nakita kita kung paano ka maglaro, yun ang kauna unahang pagkakataon na gusto kong mag-indulge sa sports. Parang ang cool e."kwento niya bigla kahit hindi ko naman tinatanong.
"Ah. Oh edi maglaro ka."sabi ko habang nagsusulat ng iilang notes para sa reviewer ko.
"Oo nga e. Magta-try out nga ko this year para makasali na rin ako sa team namin. Takot nga ako sa bola noon e pero parang ngayon hindi na. Hahaha. Excited na nga ako e."sa tono ng pananalita niya e halata ngang masaya siya. Natatawa ako dahil para siyang bata.
Okay. Ang korny pala nitong lalaki.