Chapter 6

23 0 0
                                    

×Timo's POV×

Kanina ko pang umaga napansin ang necklace na suot ni Ange.

Kaya kinulit ko siya. Hindi niya naman siguro napansin na tingin ako ng tingin sa necklace niya.

Ewan ko ba. Bagay lang sakanya. Wtf am i complimenting her?!

Tang ina binabawi ko na sinasabi ko hindi pala bagay sa kanya.

Ang sarap niya lang kasi asarin kanina.

Pero nagulat talaga ako nung sinabi niyang "Will you stop pestering me?! Kahapon pa lang tayo nagkita yet you already pissed me off!" Akala ko iiyak siya, pero hindi niya yun ginawa.

Kaya kinulit ko na lang siya. Napipikon kasi agad eh haha.

At kung pano ko nalaman na crush niya si Miguel, ay sobrang easy lang. Joke lang. Napansin ko kasi na tingin siya ng tingin kay Miguel at pag nagkakatinginan sila ni namumula siya ta's umiiwas ng tingin.

Tss. Landi lang.

Tapos sa DR napansin ko rin na may pag tingin si Miguel sa kanya. Nalungkot nga yata nung sinabi ko na gusto ko si Ange gusto rin ako ni Ange.

Siyempre joke lang yun noh! Sinalo ko lang si Ange.

Hindi ko rin kasi trip 'yun si Miguel. Mayabang 'yun eh.

Kakauwi ko lang. Basang basa ako sa ulan. Naisipan kasi namin na maligo na lang sa ulan ni Ange.

Buti na lang hindi maarte si Ange kung ibang babae 'yan, hindi yan maliligo sa ulan.

Kanina nga eh, nagpagulong gulong pa siya sa Bermuda grass pagkapasok namin ng subdivision. Tss baliw talaga yung babaeng yun.

Ngayon ko rin nalaman na 5sos fan pala 'yung babaeng 'yun.

Hindi mo rin aakalain na mayaman 'yung buang na yun dahil kung makamura wagas eh. Pero may disiplina naman siya.

Nagshower ako at nagpalit na ng damit. Nagsuot ako ng v-neck na black na t-shirt at khaki shorts.

Sumandal na ako sa headboard ng kama ko.

Ilang minuto ang nakalipas nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

*knock knock*

"Bukas 'yan" pagpapaalam ko.

Bumungad saakin si manang Linda, ang katulong namin.

Nasa ibang bansa kasi si mama si papa naman busy lagi sa business niya. Lagi siyang nasa company nskin halos 24 hours yata siya dun kasi may kwarto naman siya sa office niya. Minsan lang siya makauwi rito. Pero hindi naman ako galit sakanya like other sons do.

"Ano po?" Tanong ko.

"Ahhm... May bisita po kayo. Girlfriend niyo yata" sinarado na ni manang ang pinto.

Hah! Ano raw? Girlfriend? Wala akong ganun. At hindi pa ako nagkakaroon ayaw ko kasi yung ibang babae ang lalandi eh kung maka kapit saakin wagas parang mga linta.

Nagmadali na akong bumaba.

Nakita ko naman si Ange na nakahiga na sa malaking sofa namin. At home na at home talaga ang gago.

"Hoy anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Wala. Wala akong kasama sa bahay si manang lang. Kaya naisipan kong pumunta rito."

Nakasuot siya ng maluwag na black t shirt na umaabot sa kalahati ng hita niya. Muka tuloy siyang walang pambaba. Pero nakasuot naman siya ng faded na maong shorts sa luob.

Friends, fucking strangers, loversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon