Sabi na nga ba >___<

237 7 0
                                    

Habang nasa kotse kami daldal lang ako ng daldal. Si Chester naman nagdadrive lang. Nakikinig naman siguro to diba?

"Sa tingin mo Ches, minahal ba ako ni Gian?" lumingon naman ako sa kanya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, nagdrive lang siya.

"Kasi kung minahal niya talaga ako magpapaalam naman siya diba?" lumuluha nanaman mata ko.

Bat ko pa kasi naalala. Aawayin nanaman ako ni Chester nito.

"Iyakin ka talaga."

Kita mo na.

"Sabihin nalang natin na minahal ka nga niya talaga."

Humarap naman ako sa bintana.

Umiiyak nanaman ako.

Baket pa kasi ginawa ni Gian yun?

"Alam mo may rason ang lahat ng bagay."

"Pero hindi nga lang natin alam kung ano ang mga rason na yun." dagdag pa niya.

May punto si Chester ... aii wait

*loading*

Si Chester nag-advice about sa mga ganito?!

"Alam ko ang iniisip mo."

"Wala ah."

"Sus. Nababasa ko isip mo. Kilala kita Max."

"Hindi porket playboy ako. Babaero. Di na ako mag-aadvice sayo."

"Bestfriend kita kaya nasasabi ko to sayo."

Umiyak na nga ako tuluyan.

"Ilabas mo lang yan kahit ilang araw mo ng nilabas yan. Ilabas mo na lahat para naman success ang pagpapaganda ko sayo mamaya noh."

Binatukan ko siya.

"Loko ka *sobs* Hindi ko alam kung comfort ba yang ginagawa mo o inaasar mo lang ako *hiccups*"

"Sa kakaiyak mo, yan tuloy sinisinok ka na." tumawa lang siya.

"Thank you Chester."

"Iyakin ka talaga" ginulo niya buhok ko -___- naman eh!

"Pano kita iiwan kung ganyan ang kahihinatnan mo?"

O.O so iiwan niya talaga ako?

Lord, wag please TT__TT

"Ayan ka nanaman. Napapraning."

"Kasi sabi mo iiwan mo ko. Sinong hindi mapapraning dyan?"

"Hindi pa naman ngayon kaya wag kang excited."

"So iiwan mo talaga ako Chester?"

"Di ko kaya."

"Excited ka talaga -___-"

"Iiwan lang kita kapag patay na ako noh!"

Nakahinga ako ng maluwag.

"Sa susunod kumpletohin mo! Para naman hindi ako mapraning."

Tumawa lang siya. Mawalan ka sana ng hangin. Tch.

"Max hahahaha Mukha mo hahaha ayusin mo hahaha."

Ang Bestfriend Kong Cassanova (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon