Chapter 15

1.9K 96 37
                                    

Taeyang's Point of View....(Bigbang)

"Sh*t! Nikaa! Gising naa!"

Napabuntong-hininga nalang ako. Kanina pa nga namin siya ginigising eh, pero wala parin. Hindi pa siya nagigising. Okay sana kung hindi niya ni-lock yung pinto kaso naka-lock eh.

"Nikaaa! Gising na kasii!" Sigaw naman ni Seungri.

"Hayyyy. Si Nika talaga!"---Daesung.

Nakatanggap naman silang dalawa ng mga nagbabagang tingin mula kay Deo. Kulit din kasi ng mga to.

"Diba sabi kong huwag niyo siyang tawagin ng Nika! Talaga bang hinahamon niyo ako ha?!"

"Ano ba kasing pangalan niya Deo?" Taka ko namang tanong. Eh sa hindi pa namin alam pangalan niya eh.

"Angel. Tawagin niyo nalang siyang Angel."

Natawa nalang si Daesung sa sinabi ni Deo. "Angel? Hahaha. Demon pwede?" Kaya naman binatukan ko na siya. Gagu talaga to.

"Demon? Pwede. Tutal Demon din naman pangalan niya eh."

Nanlaki naman yung mga mata namin sa sinabi niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Daesung's Point of View...

"What the?! Demon talaga?! Seryoso?!" Gulat kong tanong kay Pres. Ahhh! Demon talaga?

"Yeah, problem?"

"Hindi na ako magtataka kung ganun yung pangalan niya. Pero yung Angel? Hahaha."---GD

Binatukan naman siya ni Taeyang sa kaniyang pagtawa. Loko talaga tong si Taeyang. Binatukan niya pa nga kami ni Daesung kanina eh. Hmp!

"Tanongin niyo nalang siya kung ano yung gusto niyang itawag niyo sa kaniya. Tss. Huwag nga kayong mabwisit! Ang mas maganda, gisingin niyo siya."

Kaya naman pinagkakatok ko na naman yung pinto. Hayy nako Nika! *Pansamantala* Gumising ka na kasiii! Ilang minuto nalang eh!

"Nikaaaa! Gising sabi eh!"---Deo.

"Wake up sleepyhead!"---Taeyang.

"Please gising na! Male-late na tayo!"--Seungri.

"Yuhooo! Gishing naaa!" Sigaw ko naman.

Patuloy parin kami sa pang-gigising sa kaniya pero waley parin eh! Aaah! Gising na kassi!

"Hayyy. Mukhang kailangan ko ng sabihin na nandito yung susi ng kwarto niya."

Natigil naman kami sa sinabi ni GD at agad na lumingon sa kaniya. Ngingiti-ngiti siya habang hawak-hawak yung susi. Kaya naman lumapit ako sa kaniya para sakalin siya.

"Hoy! Tigil niyo yan---" Pag-awat sa amin ni Taeyang ng bigla siyang pigilan ni Deo. "Nope. Hayaan mo siyang patayin si GD." Nakangisi namang saad niya.

Kaya naman hinigpitan ko pa yung pagsakal sa kaniya.

~~~~~~~~~~~

G-Dragon's Point of View...

Naramdaman ko namang mas humigpit yung pagkakasakal sa akin ni Daesung kaya naman kumuha ako ng buwelo saka ko siya tinulak.
Mabuti nalang dahil naitulak ko siya.

"Shit." Mura ko habang nakahawak parin sa leeg ko.

"Hahahaha. Yan kasi." Tinawanan pa ako ng mga ulol.

"Akin na nga yan!" At hinablot na nga niya sa akin yung susi. Tss. Gusto ko lang naman silang pagtripan kanina eh.

~~~~~~~~~~

Boys All Around HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon