Chapter 1: Unang halik
Walang ingay akong naglalakad sa madilim na parke na tanging streetlight lamang sa daan ang nagbibigay liwanag sa daan. Hindi naman ako takot dahil sanay na ako.
Nasaloob ng bulsa ng hood ko ang dalawa kong kamay. Nag-iisa lang din ako naglalakad sa gilid ng kalsada kaya ang tahimik.
Napahinto ako nung narinig ko ang pagring ng cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa loob ng bulsa ng short ko. Napaikot ko ang mata ko na nagpagtanto na si Hazel lang pala ang tumawag. Sinagot ko ang tawag at tinapat 'yon sa tainga ko.
"Ano kailangan mo?" Bungad ko sa kabilang linya. Dinig ko do'n ang maingay na pagsinghap at maingay din na pagkwentuhan na satingin ko'y nandoon sila lahat.
"Ang ganda ng bungad, ah? Kailangan ka na dito sa mansyon ni Papá." Masungit nitong sambit.
"Papunta na ako diyan."
"Nasaan ka pala?" Tanong nito.
"Nasadaan, naglalakad papunta diyan."
"What?! Anong trip mo, ah? Hindi ka ba natakot na may dumakip o pumatay sayo diyan?"
"No, dapat sila pa ang matakot saakin."
"Yabang. Sige na, babain kona. Mag-ingat ka nalang sa madilim na daan." Iyon ang huling sinabi niya bago nito binaba ang tawag. Napabungtong hininga ako napatingin sa screen ng cellphone ko.
Alam ko kung bakit ako pinatawag ni Papá dahil may meron naman ako misyon. Ganyan naman kasi palagi ang ginagawa ko, misyon do'n, misyon diyan.
Isa ako secret agent na lumaki puder ni Papá. Kada buwan, isa lang din ang misyon ang ibibigay saamin pero sa isang buwan na 'yon, kailangan namin matapos agad ang misyon kundi isang worst na punishment ang ibibigay saamin. Hindi pa ako na napalpak kaya hindi ko alam kung ano ba ang worst punishment namin. Pero kahit ganon, mahal niya parin ako/kami kahit hindi ako/kami niya totoong anak and i love him too so much.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
*******
Walang emosyon akong naglalakad sa loob ng mansyon habang dala-dala ang kakaiba kong aura. Nahagip ko ang apat na nakatingin saakin. Mukha yatang naramdaman nila ang prensinsya ko.
Lumapit ako sakanila.
"Where's papá?" Tanong ko.
Tinuro nila sabay-sabay ang library. "Nandoon siya pati si Clark."
Tumango lang ako sakanila bago naglalakad papunta sa library kung nasaan si Papá at kaisa-isa niyang totoong anak na si Clark.
Pumasok ako sa loob ng library pagkatapat. Bumungad saakin ang tahimik at madilim na library na tanging lampara lamang ang nakadikit sa pader ang nagbibigay ng liwanag. Madami din mga libro na nakalagay sa book shield na halos sakupin na ang buong library sa dami. Maayos din ang pagkalagay bawat isa kaya malinis itong tingnan kung may bumisita man dito.
Walang ingay akong naglalakad patungo sa unahan kung nasaan nandoon ang dalawang tao na nakatalikod sa pwesto ko. Nakaupo sila sa sopa habang may basa-basa na libro sa kamay.
Umupo ako sa single sopa na nasaunahan nila at humilig do'n.
"Bakit niyo ako pinatawag?" Basag ko sa katahimigan dito sa loob ng library dahilan ng kanilang pagtigil. Dahan-dahan nila binaba ang librong hawak at seryoso akong tinginan. Alam kong kanina pa nila naramdaman ang prensinsya ko ngunit nanatili silang tahimik na parang hinihintay ako magtanong sakanila. Ganyan naman sila palagi.
"Alam kong alam mo kung bakit?—" pinutol ko ang sinabi ni Papá. "Misyon."
"Right!" Si Kuya. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin.
BINABASA MO ANG
First Kiss In The Darkness (TLLS1) (On-going)
RandomThe future Mafia Queen of Horizon Mafia Underground. "Don't try my patience kung gusto mo pang mabuhay."