Chapter 3: Limot

5 0 0
                                    

Chapter 3: Limot

"Hey, ms. Sweet lips, pansinin mo naman ako," pangungulit nito saakin.

Inis ako humarap sakanya at binigyan siya ng nakakamatay na tingin pero parang wala lang 'yon sakanya.

Kanina pa ito, kung hindi ito titigil ay papatayin ko na 'to. Pero bakit hindi ko magawa kahit nandito na siya sa tabi ko? Pagkakataon ko na 'to ngunit bakit parang ayaw ng katawan ko.

'Di ba, nangako ako sa sarili ko na papatayin ko siya kapag magtagpo ang landas namin? Argh! Saka nalang kapag wala kami sa matao na lugar kung andito baka madaming makakita. Bwesit talaga!

"Pwede ba, wag mo 'kong sundan? Nakakairita kana alam mo?" Inis kong sambit atsaka nagcross-arm. "Kung wala ka naman kailangan saakin ay umalis kana sa harap ko, pwede? Madaming akong gagawin kaya wag mo ako lalong i-stress!"

Tinalikuran ko siya pagkatapos pero hindi pa man ako nakahakbang ay bigla ito nagsalita.

"Paano kong ayaw ko, anong gagawin mo?" May bahid pang panunudyo sa boses niya.

Humarap ako sakanya. "Edi patayin ka para tapos na."

Ngumisi ito. "Kung ganon, gawin mo na basta ikaw ang papatay saakin. Galingan mo, ah yung tipong patay ako agad."

Kumuyom ang kamao ko at pinipigilan ang sarili na sumigaw dito. Alam kong inaasar lang ako nito. Sino ba naman tao iutos na ipapatay ang sarili sa ibang tao? 'Di ba, wala! Kaya alam kong atensyon lang nito mang-asar saakin.

"Oh, bakit nakatayo ka lang diyan? Gawin muna ang gusto mong gawin saakin. Free na, oh," ngumisi ito nung may napagtanto. "'di kaya'y hindi mo lang magawa dahil gusto mo ako, nuh?" Pang-uuyam nito. Playboy, halata

Himinga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili sa pinagsasabi nito. Kung nasa-ibang lugar lang kami 'yon hindi matao baka kanina ko pa ito pinatay, pero andito kami sa school, eh baka isipin ng mga bata na mamatay tao ang guro nila. Ay, mamatay tao na pala ako.

"Mister whoever-you-are, wala ako sa oras upang makisama sa mga laro mo. Kung gusto mo nang kalaro, maghanap ka ng iba at hindi ako. Atsaka, wag kang feeling close at magkakilala tayo."

Tuluyan ko nang itong tinalikuran. This time hindi na ito nagsalita ngunit narinig ko ito bumulong pero hindi ko masyado marinig dahil malayo na ako sakanya.

"Ang sakit lang dahil tuluyan mo na talaga akong kinalimutan."

*****

"EYA!"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ang taong tumawag saakin.

Hingal-hingal ito huminto sa harap at tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod. Umayos lamang ito nung nakabawi.

"Ang sama mo talaga, hindi mo ako hinintay." May bahid pang pagtatampo sa boses niya.

"Kapag hihintayin pa kita baka abutin pa akong hating gabi kakatayo doon hanggang sa matapos kayong magkwentuhan."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinantayan naman ako nito. Wala na akong masyadong nahagip na batang andito pa sa school na satingin ko'y sinundo na sila ng kanilang magulang o guardian. Uwian na kasi.

"Ang sama mo naman. Magaan lang kasi ang loob ko sakanya kung bakit matagal kaming natapos nagkwekwentuhan atsaka nakakaaliw ang anak niya, eh. Alam mo ba na ang bait ng anak niya, halata talagang pinalaki siya ng nanay niya ng mabuti."

Inikot ko nalang ang mata ko. "Ganyan naman talaga ang mga nanay. Kailangan niya palakihin ng mabuti ang anak para sa ikabubuti ng bata, kapag hindi niya 'yon gagawin baka ikakasira ng pagkatao ng bata at madala niya ito sa paglaki."

First Kiss In The Darkness (TLLS1) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon