Reize's Pov
"Under investigation pa ang krimen na kumakalap sa ating bansa ngayon. Nahihirapan ang mga pulisya tukuyin kung saan dinadala at ano ang nangyayari sa mga taong biktima ng nasabing kidnapping. Walang makalap na impormasyon ang mga pulisya sa mga bangkay na kanilang natagpu-"
"Oh? Saan ka na naman pupunta Savannah?" Bati ko sa nakakabatang kapatid ko ng makita itong bihis na bihis. Nilingon ko ang orasan na nakasabit sa aming dinding, alas nueve na ng gabi. Kaagad umirap ang mata nito.
"I already told you na may party kami diba?" Maarteng ani nito. Kumunot ang noo ko. "Pumayag ba 'ko? Anong oras na oh." Inis itong napakamot sa ulo.
"I can handle myself." Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at hinarap s'ya. "Anong I can handle myself? Eh kahit nga pagluluto hindi mo alam. Tsaka sa arte mong 'yan?" Init itong tumingin sa 'kin.
"Ate ano ba? Kailangan ko ng umalis!" Dadaan sana ito sa gilid ko ng harangin ko ito. "Walang aalis, Savannah. Umakyat ka sa taas at mag palit."
"Can you please stop being so over dramatic, ate? It's not like something bad will happen! Tsaka wag ka ngang magpiling nanay d'yan! Ate lang kita!" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ramdam ko rin ang pagkirot ng dibdib.
"Pinoprotektahan lang kita, Savannah. At walang ibang aastang magulang mo kundi ako! Kaya sumunod ka sa 'kin!" Tumaas ng bahagya ang boses ko.
"Bakit?! Porket wala na sila Mama pwede ka ng umastang gan'yan? Alam mo nakakasakal ka na, ate eh! Lahat nalang ng gagawin ko laging hindi pwede sa'yo! Gagawin ko lahat ng gusto ko! I don't need you!" Itinulak n'ya ako pagilid at lumabas ng bahay.
"Fine! Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko dito kahit nasa labas na s'ya.
Pabagsak akong umupo sa sofa at napahilamos ng mukha gamit ang aking palad. Nakakasakal na ba talaga ako? Fuck.
Madalas kaming magkasagutan ni Savannah, nakakabatang kapatid ko. Ako nalang kasi ang bumubuhay at tumatayong magulang sa kan'ya. Sampong taong gulang ako ng mawala si Mama, namatay s'ya dahil sa heart attack. Ang tatay ko naman ay sumakabilang puke. Malaki ang galit ko sa kan'ya, s'ya ang dahilan ng pagkamatay ni Mama. May nakakatandang kapatid rin ako, lalaki. Kaso sumama sa tatay ko. Wala naman akong pakialam na sa kanila. Si Savannah lang ang pinagtutuunan ko ng pansin ngayon.
Maarte at kikay si Savannah kaya madalas talaga kaming hindi magkasundo. Minsan ay pinapabayaan ko nalang s'ya dahil siguro ay masakit parin sa parte n'ya ng iwan kami ni Mama. Walong taong gulang s'ya noon.
Sampong taong gulang palang ako noon ay pakiramdam ko pasan ko na ang buong mundo. Hindi ko rin natapos ang kolehiyo ko dahil sa mas pinili kong mag full time job para mapag aral si Savannah. S'ya nalang kasi ang mayroon ako. Siguro dahil sa mga pinagdaanan ko ay nagiging mahigpit na nga ako kay Savannah. I can't lose her when I already lost everything.
Umabot ng alas dose ng gabi na walang Savannah ang umuuwi. Kanina ko parin s'ya sinusubukang tawagan ngunit kahit ring ay wala.
"Nasaan ka na ba?" Bulong ko sa sarili. Pabalik-balik ako ng lakad at tingin sa orasan.
Sinubukan ko na rin tawagan ang mga kaibigan nito ngunit hindi rin sumasagot. Tangina naman.
BINABASA MO ANG
Escape
Mystery / ThrillerWhat will you do if you're stuck in the game of death....? Start: Aug. 21, 2024 End: