Chapter 1: Run and kill

25 1 0
                                    

Reize's Pov

"Are you ready, players? Let's start the first game."

Galing ang boses sa mga naglalakihang speaker this time.

"The first game is called, Run and Kill. Obviously, all you have to do is to run towards the safe zone and kill those hungry wolves who's going to chase all of you. It is not necessary to kill the hungry wolves, but you may kill them or be killed and eaten by them. Good luck, players."

Kumunot ang noo ko. Tangina. Seryoso ba ito? I held Savannah's hand tightly when the wall opened. Even if I want to stay here, I can't. Siguradong papatayin din kami kapag nanatili kami dito at hindi nakilahok sa demonyong palaro na 'to.

"Just hold my hand, Savannah. I'll make sure we will escape this hell alive."

I immediately run as fast as I can. Kahit pa hindi nakakasabay si Savannah ay hindi ko binawasan ang bilis ng takbo. Lumingon ako at nakitang pinakawalan na ang mga mababangis na lobo, mas binilisan ko pa ang takbo.

"A-ate..." Naiiyak na sambit ni Savannah ng makita ang mga hayok na hayok na lobo. Kumunot ang noo ko ng bumukas ang mga pader na nakapalibot sa amin at may inilabas ito na maliit na machine. Ano 'yan?

Puro sigawan ang naririnig ko sa mga nahuhuling kasamahan. Pinipigilan ko si Savannah lumingon dahil paniguradong hindi maganda ang lagay nila. Nagulat ako ng may biglang lumitaw na palaso sa harap ko at muntikan na akong tamaan. Napatingin ako sa pinanggalingan nito. Shit. Galing sa machine na nilabas!

Napatingin ako sa iba pang machine at tama nga ako. Doon nang gagaling ang mga palaso! Kailangan kong mag double ingat.

Hindi ko alam kung nasa kalahati na ba kami dahil hindi ko parin tanaw ang safe zone. Hinihingal at napapagod na ako kakatakbo.

"A-ate, pagod na ako..." Hinihingal na sambit ni Savannah. Lumingon ako sa likod at nakitang medyo malayo ang iba kaya napag desisyonan kong tumigil muna. Hindi narin kasi kaya ng katawan ko lalo na't wala pa akong maayos na tulog.

Umupo si Savannah sa ilalim ng puno habang pinunit ko naman ang laylayan ng suot kong damit. Ibinigay ko ito kay Savannah upang punasan ang pawis n'ya.

Hindi ko pa na babawi ang lakas ng may marinig akong ungol sa likod ko na nag patigil sa aming dalawa. Tangina. Unti-unti akong lumingon at nakita ang tatlong lobo na naglalaway na sa gutom.

"S-savannah, run!" Pagkasigaw ko ay agad tumakbo si Savannah, tumakbo rin ako sa kabilang direksyon. Sinigurado kong hindi nila nasundan si Savannah.

Takbo. Iwas. Takbo. Iwas.

Napahinto ako ng may isa pang lobo ang nag aabang sa harapan ko. Agad akong kinabahan lalo na ng palibutan ako ng apat na lobo.

"Tangina naman nitong mga poncho pilato na 'to." Bulong ko.

Agad sumugod ang isa sa harapan ko. Tumalon ito at balak ko na sana iwasan ng tamaan s'ya ng palaso. Right. I can use the arrows to kill them!

Agad akong tumakbo patungo sa lobo na tinamaan at kinuha mula sa katawan nito ang palaso.

Agad sumugod sa akin ang tatlo. Inuna ko ang pinaka malaki sa kanila. He tried to bite me but I dashed it. I grab the wolf's head and stab it. I yelled in pain when the other two wolves bit me in my arm and leg.

Kahit masakit ay hinugot ko ang buong lakas para bunutin ang palaso sa lobo na pinatay ko. Nang matanggal ay agad hinila ng lobo ang kagat n'yang braso ko. I bit my lips. It hurts so much!

Sinipa ko ang isang lobo na kumagat sa binti ko atsaka sinipa ng sobrang lakas ang lobo na kagat ang braso ko. I immediately stood up and run. Dahil sa sugatan ang binti ko ay hindi ako makatakbo ng maayos kaya muli akong naabutan ng isa at muling kinagat sa paa. Muling napasigaw ako sa sakit. Hinila nito ang paa ko na ikinilakadkad ko sa lupa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon