Emy Choi
Anim na buwan na kami ni Marky at syempre naging routines na rin naming dalawa ang making love. Ngayon ko lang din nalamang Sex Addict ang boyfriend ko. Naging masaya naman ako kahit papano, kasi I'm his first and he's my first.
Wala namang nagbunga sa aming dalawa dahil he's very gentle and caring. Alam niyang bawal na muna kami magkaanak ngayon dahil sa busy kaming dalawa.
Siya busy sa kompanya nila. Ako naman, lagi kong binabantayan yung shop ni Kuya Matteo na soon, mapapa sa akin na rin.
Laging mataas ang sales namin at lagi na rin kaming nangunguna sa ibang mga shops. I'm happy because ito ang kinalabasan sa lahat ng paghihirap ko.
"Emy?" napatingin ako sa nagsalita. Nanlaki ang mga mata ko at ngumiti.
"Jayden? Long time no see" sabi ko at lumabas na muna ng counter at lumapit sa kanya.
"Grabe, ang ganda mo na ah? Ilang years na ba tayong hindi nagkita?" natatawang tanong niya.
"3 years na ata?" natawa kaming dalawa. "Ah, have a seat" sabi ko. "Mica, dalawang ngang chocolate milk tea at cookies and cream cake" sabi ko."Yes ma'am" rinig kong sabi niya.
"So, kamusta ka naman?" tanong niya.
"Okay naman. Eh ikaw? Kamusta ang States?" tanong ko.
"Hmm. Okay lang din. Wala pa ring nakikitang maganda ang mga mata ko. Still, single at gwapo pa rin ako" mayabang na sabi niya kaya sumimangot ako.
"Hindi ka pa rin nagbabago. Ang yabang mo pa rin" naka pout kong sabi.
"Oy, hindi kaya. Ikaw lang naman ang nakakapag sabi sa akin ng ganyan. Eh ikaw? May boyfriend kana ba o asawa?" Tanong niya.
"Of course, boyfriend pa lang ang meron ako. Masyado kaming busy kaya minsan hindi namin naiisip na magpakasal agad" sabi ko. Dumating na rin yung order namin at nilapag niya sa harap namin."Thanks" sabi ni Jayden. "Naaalala mo pa parin pala yung paborito kong kainin dito"
"Of course. Makakalimutan ko ba ang kababata kong, gwapo daw?" Natatawang sabi ko.
"Aish. Still, hindi ka pa rin nagbabago. Bully ka pa rin" sabi niya.
"Oy, hindi naman ako bully no! Ang harsh mo talaga sa akin" natatawang sabi ko at uminom rin ng milk tea.
"Sayang naman, bumalik ako dito sa Pilipinas para ligawan ka ulit tapos may boyfriend kana pala?" Malungkot na sabi niya.
"Sabi ko naman sayo, na kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Kilala mo naman kung sino ang mahal ko diba?"
"I know. Pero kahit na ganyan, i'm always here for you. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako. Just call my name and i'll be there" sabi niya tapos yung sa huli niya namang sinabi ay kinanta niya pa kaya natawa ako. Ang ganda talaga ng boses niya. Hindi na ako magtataka kasi singer naman siya sa States.
"Oo na. Tsaka, try mo ring maghanap ng ibang babae diyan no. Baka mamaya tumandang binata ka niyan" mapang asar na sabi ko kaya nag pout siya. Ugh! He's so cute!
"Ang harsh" bulong niya sabay kain ng cake.
"Just kidding" nakangiting sabi ko kaya napangiti na rin siya. Inaamin ko, na miss ko ang mga ngiti niya at tawa. 3 years ko ba namang hindi nakita ang kababata kong gwapo.
"Nga pala, where's your boyfriend? Can i meet him?" Tanong niya.
"I don't know kung pwede siya ngayon kasi busy siya sa Kompanya nila" sabi ko.
