MSAB [03]

2.6K 14 0
                                    

Emy Choi

Kakauwi ko lang galing sa Coffee Shop at sobrang nakakapagod talaga ang araw na to. Tapos hilong hilo pa ako sa biyahe. Pano ba naman, nag attend ako ng Meeting, Ceremonies at pumunta sa Tagaytay para sa Launch Party ng Restaurant ng kaibigan ko. At sa ngayon, nagluluto pa ako ng Dinner namin ng boyfriend ko.

Yung boyfriend ko naman, gagabihin daw kasi nasa meeting daw siya and it's urgent kaya baka mag overnight siya sa Kompanya kaya dadalhan ko na lang siya ng pagkain dun.

Nilagay ko na sa paper bag yung mga Pagkain at inayos na yung mga gamit ko. Nag ayos na muna ako sa sarili at uminom ng gamot.

Nagpahinga na muna ako saglit at pumunta na sa Kompanya. Wala pang isang oras nakarating agad ako.

Pinark ko na yung kotse ko at lumabas na. Pumunta na ako sa may entrance kung saan may nakabantay na guard.

"Nandito pa ba si Mr. Marky?" tanong ko sa guard.

"Opo Ma'am sa office niya. Pasok na po kayo.." sabi niya at pinagbuksan ako ng Glass Door. Pumasok na ako sa loob at sumakay na ng elevator.

Habang nakasakay ako, sobrang sakit talaga ng ulo ko. Para na akong mamatay na ewan tapos idagdag mo pa yung pagsusuka ko kanina pa. Ugh! Nakakainis.

Ano bang nangyayari sa akin?

*ting*

Lumabas na ako ng elevator at dahan dahang naglakad. Hilong hilo na talaga ako at feeling ko matutumba na ako kaya napapahawak na lang ako sa Dingding.

Pinilit ko pa ring makalapit sa office niya at habang papalapit ako. Nakakarinig ako ng mga tunog na music na mga Freestyle, GDFR, mga kind of that na sikat ngayon at sigawan pa ng mga lalaki.

Nang nasa tapat na ako, pinakinggan ko ng mabuti yung mga pinagsasabi nila.

"Oy Marky! Niyaya kana nung girl oh, ayaw mo pa?" rinig kong sabi ng kaibigan niya. Alam kong si Tyler yun dahil kaboses niya.

"No thanks pre.." kaya narinig ko ang tawanan nilang lahat at sigawan.

"Meron kana bang girlfriend?" tanong nung babae. Babae kasi ang boses eh.

"Wala akong girlfriend.." Rinig kong sabi niya kaya napaluha ako.

Ano? W-walang girlfriend? Eh ano ako? Sex slave?

"Yown! WOHOO! WALA DAW SIYANG GIRLFRIEND! ORAYT! ROCK N' ROLL TO THE WORLD! HAHAHA" nagtawanan silang lahat. Binuksan ko konti yung pinto at nakita ko si Marky na may kahalikang babae.

"Woooo!" sigaw pa ng iba. Putangina! Iba na talaga ang lalaki ngayon, napaka manloloko.

Mas lalo pang sumakit yung ulo ko sa sinabi nila. Shit! Ang sakit na talaga ng ulo ko at hilong hilo na talaga ako!

Nanlalabo na ang paningin ko at napahawak na lang ako sa ulo ko. Napapaiyak na lang ako sa lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ugh! Ang sakit..." sabi ko..

Marky Oh

Tinulak ko yung babaeng hinalikan ako bigla.

"Putangina! Bakit mo ginawa yun?!" sigaw ko kaya napatahimik silang lahat.

"Wow, choosy ka pa ah? Ako na nga tong nagyayaya, ayaw mo pa? Anong gusto mo, maghubad pa ako sa harap mo?" tanong niya kaya halos masuntok ko na talaga siya inis. Nagulat na lang kami ng bumukas ang pinto at may bumagsak na babae at natapon yung mga dala niya.

Shit!

Nilapitan agad siya ng mga tropa ko at ako dali dali ring lumapit.

"E-emy..." sabi ko. Binuhat ko siya ng pa bridal style at tiningnan.

My Sex Addict BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon