KABANATA 1
HILA-HILA ko pababa ang laylayan ng suot na maiksing damit. Hindi ako komportable sa ganito ngunit ito ang pilit ipinapasuot ni mama sakin. Lulan kami ng tricycle na inarkila ni papa para maghatid at magsundo samin sa dadaluhang kasiyahan.
Hindi ako mapakali sa pagkabalisa. I am wearing a black velvet skin tight dress. It's skirt was a pencil type..very short and provocative. My back was bare down to my waist. Sinadya pa ito ni mama sa bayan para lang sa gabing ito.
Inayos ko ang mahabang buhok at pilit na tinatabunan ang dibdib kong nakalantad dahil sa baba ng neckline.
Panay ang pangaral ni mama sakin sa kung ano ang dapat kong gawin na taliwas naman sa aking kagustuhan.
Halos mapatalon ako nang bigla niyang tapikin ang kamay kong pilit ibinababa ang laylayan ng damit sa kadahilanang umaangat ito kada gagalaw ako.
"Wag mo akong artehan dyan Megan ha! Ayusin mo 'yang galaw mo at nang mapansin ka ni Gob! Minsan lamang ang ganitong pagkakataon!" saad niya at tiningnan ako ng masama. Napayuko ako sa kawalan ng lakas na salubungin ang kanyang nagbabagang mga mata.
"Ma, hindi po kaya masyadong maiksi itong damit ko? Hindi po ako komportable sa ganito."
Ang isiping makikihalubilo ako sa ibang taga La Carlota nang ganito ang suot ay talaga namang nakakahiya. Baka ay ano na naman ang sabihin nila. Kami na naman ang magiging sentro ng talakayan.
"Anong hindi komportable-komportable dyan! Huwag mong pansinin iyang suot mo, ang kailangan mong pagtuunan ng pansin ay kung pano mo lalapitan si Gob! " Pinandilatan niya ako at inirapan.
Ito ang lagi niyang bukambibig. Ang akitin ang binatang Gobernador sa aming nayon. Ang pumasok sa buhay nito at kung papalarin ay ang maging kabiyak. Mataas ang pangarap ni mama. Isang pangarap na sa hinapos ay alam kong malabong mangyari.
"Ma naman—"
"Huwag mo akong maartehan dyan Megan! Matuto kang tumulong sa amin ng ama mo at nang magkasilbi ka naman sa pamilyang ito!" Bulyaw niya. Napabuntong hininga ako at mas minabuting huwag na lamang magsalita.
Kilala ang mga Rumualdez sa buong lungsod maging sa mga karatig lungsod dahil sa kanilang maayos na pamamalakad.
Nagsimula ang henerasyon ng mga Romualdez sa pulitika kay Don Felipe Romualdez na ilang ulit ring nahirang bilang gobernador sa La Carlota. Walang sino man ang nakakatalo rito sa kadahilanang lahat ng mga mamamayang sakop nila ay pabor sa kanilang pamamahala.
Naghari ang mga Romualdez sa larangan ng pulitika at sa ngayon nga ay isa na namang Romualdez ang syang nahirang na bagong Gobernador.
Isang trabahador sa rancho ng mga ito si papa. Hinahangad ni mama na mapalapit ako kay Gov upang tumaas ang posisyon ni papa sa rancho. Hindi ako sang-ayon sa balak ni mama ngunit wala akong magawa dahil sa iginigiit nitong silbi ko sa aming pamilya.
Matagal nang bukambibig ni mama na mas bubuti ang aming pamumuhay kung makakapag-asawa ako nang isang mayamang lalaki na mag-aahon sa amin sa kahirapan. Minsan na ako nitong ibinugaw sa isang banyaga nang minsang may napadpad rito sa La Carlota. Ngunit si mama na mismo ang umayaw nang malaman nitong may asawa na ito't kasal pa. Sa ngayon ay heto na naman si mama at si Gov na naman ang pinupuntirya.
Alam kong malabong mangyari ang gusto niya. Matikas at matipuno si Governor Rake Romualdez kaya sa malamang ay mataas ang standard nito pagdating sa babae. Ang katulad kong laki sa nayon ay hindi papasa rito. Mas nararapat sa kanya'y isang babaeng papantay sa estado ng buhay niya.
Nakaramdam ako ng hiya sa sarili sa isiping iyon. I let out a deep breath harshly.
Ilang minuto lang ang itinagal ng aming biyahe. Ang matitingkad na ilaw ang sumalubong sa amin pagdating. Marahas akong hinila ni mama palabas sa tricycle.
BINABASA MO ANG
ONE NIGHT SON
General FictionMegan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akitin ang makapangyarihan at respetadong gobernador sa kanilang lalawigan ay sinunod naman nito. Labag...