🌕

3 1 0
                                    

Chapter One

________________

Bawat tao ay may papel sa buhay na kailangan nilang panindigan, may mga tao nabubuhay para sa pangarap, meron naman ibang gusto na mawala pero hindi hinahayaan ng tadhana.

[Hello beh! Bakit bigla ka nawala dito where ka?] nilibot ko naman ang buong paningin ko sa paligid

"Inaantok na ako eh, hindi kita mahanap kaya umalis na lang ako bigla" sagot ko sa kabilang linya "Don't worry pauwi na din ako, nasa may park lang ako nag papalamig sandali" naupo ako sa isang bench at pinatong doon ang hawak kong heels

[Okay beh, mag iingat ka ah! Chat or text mo ko kapag nasa condo mo na ikaw bye!]

Pinatay ko na agad ang tawag, tinignan ko na djn sa cellphone ko kung anong oras na 10 pm na pala kaya pala wala na masyadong tao sa labas. Tahimik na din ang paligid at tanging malakas na hangin na lang ang naririnig ko.

Tag-lamig na dahil malapit na mag ber months, kaya sobrang lamig na talaga sabayan pa na may konting tama na ako dahil sa alak na ininom ko sa party ng kaibigan ko.

Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng bench at pinagmasdan ang buwan, maganda siya ngayon infairness ah! nag bibigay liwanag din siya sa paligid na madilim.

"Full moon pala" wala sa sariling usal ko at tinaas ang kamay para abutin ang buwan, hindi naman ako mahilig dati sa buwan dahil nag iisa siya katulad ko. Pero kahit ganun malapit sa puso ko ang itsura ng buwan

Pinikit ko sandali ang mga mata ko dahil sa hilo, dapat talaga hindi na lang ako uminom eh! Inaantok na din ako pero namamanhid ang paa ko sa sakit ng heels na suot ko kanina sabayan pa na nag lakad lang ako pabalik sa condo ko.

Sobrang tahimik ng paligid, ganito ang mga gusto ko dahil nag bibigay ito ng kapayapaan sa puso ko. Muli kong dinilat ang mata ko at sakto may dumaan na shooting stars

Please bigyan mo pa ako ng rason para magpatuloy ako sa buhay.

"Huy miss nag iisa ka ata?" nagulat ako at mabilis na napatayo dahil sa boses na iyon, pag lingon ko ay isang lalake may nakakatakot na ngiti ang naka tayo.

Sabi ko bigyan mo pa ako ng rason mabuhay pero bakit tinutulungan mo na ata mamatay?  "Ah ano pauwi na din ako, sige ha" sagot ko at mabilis na kinukuha ang bag at heels ko na nasa upuan.

"Sandali lang, aalis ka na kaagad? Kwentuhan muna tayo" sabi niya at dahan-dahan na lumalapit saakin, ako naman ay dahan-dahan umaatras. Gusto ko man tumakbo pero ramdam ko parin ang kirot ng paa ko, kung sisigaw naman ako may makakarinig ba?

"Ah hindi na siguro, maybe next time need ko na talaga umalis eh" eto na ba katapusan ko? nag wish pa ako sa shooting stars Palpak naman ata, mabilis ko siyang tinalikuran at mag lalakad na sana pero bigla ito humarang sa dadaanan ko.

Tinaas pa nito ang kamay niya  at hinarang saakin "Teka lang naman, ako na mag hahatid sayo gusto mo ba delikado na din oh" kahit natatakot ay ngumiti ako at umiling, gusto ko na maalis sa lugar na ito.

"Thank you pero I can handle myself naman" sagot ko lalakad na sana ako pero hinarangan ulit nito ang dadaanan ko "Ikaw naman, dali na para makapag kwentuhan din tayo" pamimilit pa niya, pero tumanggi ako nagulat na lang ako ng bigla niya hawakan ang braso ko nabitawan ko tuloy ang bag at heels kong hawak dahil sa pagka bigla.

- The Star-Crossed LoversWhere stories live. Discover now