CHAPTER 1
Callina~
><><><><><><><><><
"Callina apo~ Kapag na matay ako... Wag na wag mong isusuko ang mansyong ito sa Tiya Alona mo."
"Lola.. Hindi po.. Hindi pa po kayo mawawala, kailangan ko pa po kayo hindi ko kaya..."
"Hija.... ma-mahal ka ni lo--lola. K-kapag wala ka ng matakbuhan sa oras na may mabigat kang pinag dadaanan at may gusto kang mabago sa b-buhay mo..... Pumunta ka sa Cassa Hardin at m-may ba-balon roon--"
"Mama Candra? "
"T-tita Alona?"
"A-a-al-lona~"
Nag hihingalong sabi ni Lola Candra sa pangalan ni Tiya Alona
"Lola? Lola!!!!!"
At tuluyan ng pumikit ang pinaka mamahal kong Lola
*\*/*\*/*\*/*\*/
"Hoy! Callina! Ano ba iyak ka dyan ng iyak! Hindi ako maka tulog!"
Saway saakin ng pinsan kong si Aliza , Siya ang bunsong anak ni Tiya Alona. 11 years old, mas matanda ako ng limang taon sakanya.
Pero ewan ko ba kung anong klaseng pag papalaki ang ginawa ni Tiya Alona sa nag iisa n'yang anak na babae at ganyan ang pag uugali nito. Siguro dahil din sa lumaki ito sa Maynila. Pero hindi naman ganoon ang ugali ni King ang panganay na anak ni Tita... Dalawa ang anak ni Tiya Alona at ang panganay na anak n'ya ay si King Travis Pedraza, Iba ang ama ni King..dahil anak s'ya sa pag ka dalaga ni Tita. 18 years old na s'ya dalawang taon lang ang agwat ng edad namin.
Ibang iba ang pananamit nila saakin ..
Dito kasi sa Casza Masion, Ang tangi ko lang suot ay mga Puting dress na hanggang siko ang manggas at ang haba nito ay lagpas tuhod na may ribbon na naka tali sa likod.
At hindi ako nag tatali ng buhok.. Minsan lang , Laso ang ipina pantali ko at hindi pwedeng mataas ang pag kaka tali sabi saakin ni Lola ng nabubuhay pa s'ya
Napalakas naman ang iyak ko ng pumasok sa isip ko na wala na si Lola
"Ano ba hah?! Callina! , You are--Uggh you're like a crying baby!!
Tears can't never bring back Lola's life!"
sigaw nanaman saakin ni Aliza na naka pag pagising sa Kuya King n'ya
"Liza? Why-- sh*t , Liza, What did you do to her?"
"Kuya King, I can't sleep because of her! look oh, kanina pa yan ee.."
Sagot ni Aliza sa kuya nya habang naka turo saakin
"Mali paring sigawan mo s'ya! You need to respect her, She is older than you!--"
Pinunasan ko ang luha ko at tumayo sa kama..
"King, Wag mo na s'ya pagalitan.. Ako naman ang may kasalanan.. Aliza patawad sa pang gugulo ko sa pag tulog mo at ganun din saiyo King." May sinsiridad kong sabi at tumakbo na palabas ng kwarto
"Callina!!" Dinig kong tawag saakin ni King bago pa ako maka baba ng hagdanan ng mansion
Napatigil ako sandali at pumatak nanaman ang mga luha sa pisngi ko tapos nag patuloy na sa pag baba ng hagdan..
Hindi ko alam kung saan ako pupunta . Napaka laki ng Mansiong ito, Kahit na kabisado ko na ang bawat sulok nito ay alam kong may roon paring mga bahagi nito ang hindi ko pa na titindigan...
Lumabas ako ng Mansion at nag tungo sa likurang bahagi nito..
Hingal na hingal ako ng makarating ako roon dahil sa lapad at laki ng mansiong ito ay hihingalin ka talaga at mapapagod sa pag ikot palang sa mga gilid nito
Tinungo ko ang isang malaking puno na nakita ko at agad na umupo sa ilalim n'on .
Mga sandali palang na nag pahinga ako doon at umiyak ng umiyak dahil sa pag kamatay ng aking Lola, ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, kumukulog at kumikidlat.
Napansin ko ri'ng ang suot kong bistidang puti ay napuputikan na at basang basa na ako...
Pero wala akong pakialam. Dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Sobrang dami ng katanungan sa isip ko na padagdag ng padagdag ngunit hanggang ngayon ay walal paring sagot..
Tumahan kana, Mahal kong apo. Callina... Tandaan mo ito mahal na mahal ka ni Lola. paalam na Callina.
"Lola?!"
Narinig ko iyon!
Tumayo ako at lumingon sa likod ko .. Alam kong sa likod ko iyon narinig. Ngunit tanging ang puno lang ang nasa likod ko
Sa puno ko iyon narinig!
"Lola!!!"
Sigaw ko
"Lola wag mo akong iiwan!"
Pinupukpok ko ang puno , baka sakaling mag salita muli ang aking Lola gamit ang punong ito
"Lola!!! Lola!!!"
Patuloy parin ako sa pag pukpok sa puno
Nararamdan ko na ang sakit ng aking mga kamay at braso ngunit hindi parin ako tumitigil
Nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luha kong patuloy lang sa pag bagsak kasabay pa ng lumalakas pang ulan.
"Lola!!! Lola!!! Lola kausapin mo ako! mahal na mahal kita!!"
"Callina!"
Dinig kong sabi ng boses ng lalaki sa aking likod at biglang umakap saakin
"Bitawan mo ako! Lola!!!!"
Pag pupumiglas ko at akmang hahampasin ko ulit ang puno ngunit
Inikot ako ng lalaki pa harap sakanya
"King?"