Dr. Perez: At ang mortality rate ay bumababa dahil na rin sa sama ng panahon. Ang patuloy na pag-ulan at malamig na hangin ang siyang dahilan kulang bakit lalo silang dumadami.
Dr. Ramos: Parang may halong ahas ang pag-uugali nila. Sa pamamagitan ng init ay nalalaman nila kung nasaan ang pakay nila.
Dr. Gabriel: Tama naman ang sinasabi ninyo pero pansin ko na mas umaasa sila sa ingay na naririnig nila. Gumagana pa rin ang utak nila at nagagawa pa nilang magsalita.
Dr. Santiago: Yun na nga ang problema, ang ilan sa kanila ay may sariling isip pero dahil naaagnas na sila, hirap na sila gumamit ng mga bagay na gusto nilang gamitin.
Dr. Perez: Pero di pa rin maaalis sa isip natin ang kakayahan nilang sumugod nang palihim.
----
Ipagpapatuloy...
BINABASA MO ANG
PULSO
Mystery / ThrillerIto ay tungkol sa sakit na nagsimula lamang sa sipon na kalauna'y naging lagnat nguni't sa huli ay naging nakamamatay na virus na kumitil sa maraming buhay sa buong mundo. May mga natira pang survivors pero ang akala nilang sakit lang ay magsasanhi...