Emergency, Emergency

6 1 8
                                    

"And that's why you should not play with the demon. Nothing good will happen." sermon ng pastor sa isang kapilya sa parehong araw na nagkaroon ng kahindik-hindik ng pangyayari sa pamamahay nila Jaypee. Di pa rin mapakali ang mga residente at ang ilan ay tila nahawa na dahil hindi naman gaanong kalamig na noong tanghali pero sinisipon sila.

---

"Ulat kalusugan po tayo mga kababayan, kumakalat ngayon sa iba't ibang panig ng mundo ang nakamamatay na virus na binansagang KX-66 ng mga eksperto na ibinase nila sa isang uri ng biochemical weapon na ginamit sa isang isla ng mga kriminal malapit sa Bermunda Triangle. "

"Ulat panahon po mga kapatid, due to climate change o pabago-bago ng dyowa este ng panahon ay maalinsagan sa umaga at maulan sa hapon kaya mabuting uminom ng vitamins para hindi magkasakit at iwasan pong magpuyat sa crush mong hindi nagrereply sa chat. Back to you, Freddy."

Year 2012, pinaniniwalaang taon ng katapusan at mukang ito nga ang katapusan dahil sa pagkalat ng nakamamatay na virus. "Class, bukas walang pasok. Do your homeworks and magkita kita tayo  next week." announce ng teacher. Medyo hapon na kaya may namumuong masama ng panahon. Since last day of the week ngayon, isa si Ious sa naka-assign sa mga cleaners pero dahil abala siya sa journal niya, iniwan siya ng kapwa niya cleaners. Tinigil muna niya ang pagsusulat niya saka siya nagwalis, nagpunas at nagligpit. Maya-maya pa ay may nakita siyang isang lalaking pamilyar sa paningin niya, duguan mula bibig hanggang hita, balisa at tanaw mula sa room. "Jaypee?" tanong ni Ious. Nagkaroon sila ng eye contact na ikinakilabot ni Ious at sa instinct niya ay bigla siyang nagtago sa kisame ng classroom dahil may isang area doon na pwedeng lusutan. Tama ang hula niya, pupuntahan siya ni Jaypee na nasa loob na ng classroom ngayon. "Ious... pre... may jacket ka ba dyan? Giniginaw ako... ang lamig.." mula sa siwang ng kisame nanunuod si Ious, nagtataka. Bakit duguan si Jaypee, nakakatakot lumapit at may isa pa siyang napansin, ilan sa mga kuko nito sa kamay ay nakalaylay o tanggal na at iba na rin texture ng balat niya parang naaagnas. Ilang segundo pa tumunog ang kisame na napansin agad ni Jaypee, ngumiti ito habang may bumubulwak na dugo mula sa bibig nito. "...ghalhf Ious..." may gustong sabihin si Jaypee pero nababalewala ito ng mga dugong lumalabas sa bibig niya.

Tinangkang kunin ni Jaypee ang walis pero nadapa siya sa nakaharang na upuan na ikinabale ng binti niya, napangiwi si Ious sa nakita niya at laking gulat niya bakit hindi umaray si Jaypee at pilit pa ring inaabot ang walis, siguro para abutin si Ious sa kisame.

"Teacher? Umuwi na ba mga student mo?" may dumating na nagpapatrol na sikyo, dito nabaling ang atensyon ni Jaypee at biglang bumilis ang kilos nito kahit bali ang binti, nagulat din ang sikyo at natumba ito. Dinambahan ni Jaypee at walang habas na pinagkakagat ang sikyo, nagsisigaw ang sikyo pero saglit lang dahil sa leeg siya napuruhan. Medyo naluha sa takot si Ious. "wtf is happening? Jaypee... anyare sayo?" tanong ng mahina at pigil ni Ious na pawisang nagtatago pa rin sa kisame. Inisip niya tuloy yung about sa mga zombie at naalala niya ate niya. Kailangan na niyang umuwi agad.

---

"Chaotic. As usual late in action mga tropa nating pulis." nakasilip sa bintana ang isang businessman habang pinapanuod niyang nagkakagulo ang mga tao, alingawngaw ng putukan ng baril sa kalsada, bosina ng mga sasakyang nagkabanggaan at mga pagsabog.

In summary, nagkalat na ang virus. Nagkaroon na ng malawakang disinfectation activities ang mga militar, anunsyo sa telebisyon at radyo na huwag munang lalabas ng bahay. Panatilihin ang kalininisan at suriin kung sino ang may mag sintomas.

---

"speak softly love 🎶 "

Background music sa isang malaking bahay, makikita ang isang pamilyang nagsasalo salo sa mahabang mesa. Hinihiwa ang karneng umuusok pa sa init. "Remember what the doctors said? There are two types of infected people. The savage and the tolerant, yung mga savage ay yung mga wala nang function ang utak at ang gusto lang ay gumala at kumain. Then there's us, the tolerant. We can still function like a human being but the consumption of dead meat isn't enough to make us warm and so we need you people to aid us for our own survival. " paliwanag ng head of the house habang kausap ang isang lalaking nakagapos at umiiyak. "ser please, may pamilya ako... tutulungan ko na lang kayo manghuli ng buhay na hayop o tao basta wag niyo ako kainin serrrr.." pakiusap ng lalaking nakasuot pang massage na uniform.

"Shush... I will spare you today since we're all full, right mga hija?"

"Opo daddy." sagot ng tatlong babae na nasa mesa. "gajlrll!!!" sagot ng isang lalaki na savage na anak din ng head of the house. "Nasan na kaya mommy nyo? Namimiss ko na yung eating session namin pero this time I want her literally. " 😈

---

Eksena mula sa drone footage, cities and provinces ay may mga barikada na ng mga sundalo at mga compounds na ginawang safe haven para sa mga hindi pa nahahawa. Dahil airborne ang virus mabilis na kumalat ito at sa buong bansa ay nagkalat ang mga infected.

....

to be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PULSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon