Ious Nava

4 0 7
                                    

"Pre, what if totoo yung mga zombie?" pabirong tanong ni Dennis kay Eugene. "Ewan, una ka naman makakagat e. Kasi sugod ka nang sugod." sagot ni Eugene habang naglalaro sa Iphone 13 niya. "Angas mo ah, ge ganyanan. Kala mo kapag ako naging zombie, hahanapin kita agad." banat ni Dennis na may halong tampo. "Okay class. Magsiupo na kayo, nandito na ang magandang teacher niyo." bungad ni Ma'am Charlene na kararating lang. "Slay, mam! Ang ganda ganda niyo po talaga." bati ng isang babaeng estudyante na maikli ang buhok. "Oy Jenny wag mo ko mabola-bola , may assignment kayo natatandaan ko." sagot ng teacher nila.

"Ahhhhh!!!" Sigaw ng karamihan dahil naalala nila ang takdang aralin. "Ay tanga, mali date ko! May 05, 2012 nailagay ko! Sino may liquid paper?" isang lalaking may salamin sa mata ang natatarantang naghahagilap ng mahihingian ng pambura. "Oh eto liquid paper." tumulong ang kaklaseng may hawak na papel at tumbler sabay buhos ng tubig sa papel. "Ahhh!!! Maaaam!!! Si Alfred! Binasa ako!!!"

"Class wag nyong binubully si Jericho, kinokopyahan niyo yan sa exam." kalmadong sabi ni Ma'am Charlene. "Ma'am, cutting nanaman po si Vincent." sumbong ng estudyanteng bungal.

----

Journal entry 001:

May 06, 2012

Kaarawan ko ngayon pero di ko pinaalala sa klase namin dahil wala naman akong panghanda. Mas gugustuhin kong mag-aral maghapon at umuwi agad ng bahay. Same day, same hours masaya ang aking klase. Walang bully, walang nag-aaway pero namumukod tangi si Jaypee na tahimik lang sa isang tabi at di masyadong nakikihalubilo. Kilala siyang active sa recitation except today. May suot siyang face mask at balot na balot siya sa jacket kahit Mayo pa lang. What if-

Sinarado ni Ious ang journal notebook niya dahil may nagtatangkang sumilip sa mga sulat niya. "Uy anu yaaaaan? Lableter ba yan?" usisa ni Marites na kilalang nakikisawsaw sa buhay ng iba. "Wala to. Limialown." pangiting sabi pagtaboy ni Ious pero nawala ang ngiti nito nang mabaling ang tingin niya kay Jaypee na pailalim na ang tingin sa kaharap niya at ang mga kamay nito at mahigpit na nakahawak sa desk ng kanyang upuan. Umalis na ang mga nang-aabala kay Ious. Tila bumagal ang oras nang masaksihan ni Ious ang kilos ni Jaypee, slow motion nitong susunggaban ang nasa harapan na si Michelle pero bumalik sa normal ang oras dahil tumayo bigla si Michelle at hindi naabot ni Jaypee. Gulat na gulat si Ious sa pangyayari. Si Jaypee naman ay natauhan at balisang umalis ng classroom.

"Ma'am si Jaypee umalis ng room ng walang paalam." sumbong ng estudyanteng bungal.

----

"Ako po si Lem Santiago nag-uulat mula sa-"

"Honey, paulit-ulit na yang balita na yan. Puro flu, colds, fever na lang. Wala na bang ibang balita?"

"Teka, malay mo may bagong update. Naku, nadagdagan yung kaso ng sakit. Baaabe, look oh." pinanuod ng mag-asawa ang balita. Mga pasyenteng labis na nilalamig at ang iba ay dinadala sa mental hospital dahil pagdedelehiryo nito at paulit-ulit na sinasabi ang salitang "init" .

"Haha ano yan honey mga nahahayok na mg pasyenteng sinisipon? Kita mo oh pag may lagnat sila okay lang sila."

"Kaya nga babe, pag daw yung pasyente nilagnat, ligtas na pero pag tumagal yung colds dun na sila parang nababaliw. Ah!" nagulat ang babae sa biglang tunog ng TV nila dahil sa flash report ng balita.

"Isang nurse sa isang mental hospital ang kinagat ng isang pasyente na kakatransfer lang. Hindi agad naagapan dahil naguluhan ang security guard dahil nang tinutukan niya ito ng baril ay nagtaas ng kamay ay kumagat at ang paulit ulit na sinabi nito na nilalamig siya-" kalagitnaan ng balita ay dumating si Ious sa bahay nila at nakitang nanunuod ang ate niya at ang kasintahan nito. "te, ano ulam?" tanong ni Ious. "Diyan sa mesa, pili ka na lang." sagot ng ate niya. "Ate, gutom na ko niloloko mo pa ko, tuyo lang naman ulam sa mesa. Papipiliin mo pa ko." medyo inis na sagot ni Ious. "Edi mamimili ka bunso kung kakain ka o hindi." banat ng ate niya sabay hagalpak na tawa ng boypren nito. "Tuwang-tuwa ah. Magdyowa nga kayo." nangiti na lang si Ious sa biro ng ate niya.

----

"ang la...mig... sa...bi.. ko.. sayo... mala...mig.." mabagal na sambit ng lalaking pasyente na duguan mula bibig hanggang paa nito papuntang electrical room ng isang hospital, nilagpasan niya ang iba pang katulad niya na kumakain sa sahig.

Ilang sandali pa ay namatay ang kuryente sa buong gusali na ikinagulat ng dalawang gwardya na nagpapatrol sa labas ng ospital. "Aw. Disconnected yung hospital tropa. Check natin yung electrical." sabi ni Sikyo A. "Sige pre dito ko sa labas para may bantay pa rin." sagot ni Sikyo B. "Tropa, kasama mo naman ako wag ka matakot pumasok sa loob." malambing na sagot ni Sikyo A. "Talaga pre? Di mo ko iiwan? Ang dilim e. Wala  rin sagot sa radyo." tugon ni Sikyo B.

Pumasok nang dahan-dahan ang dalawang sikyo habang gamit ang kanilang mga flashlight. Tahimik ang buong ospital at mainit na sa loob. Ilang sandali pa ay may narinig silang pag-ubo sa reception area. "Ma'am?" pagkumpirma ni Sikyo B. Sumagot habang umuubo ang narinig nila, "Anong ma'am? Gusto mo ma viral? Sir ako." sagot ng babaeng gupit lalaki na unti unting humihiga kad ubo niya habang nakaupo siya sa sahig. "Ah, sir. Bakit biglang brownout? Wala rin pong response sa ibang gwardya." tanong ni Sikyo A. Maya-maya pa ay may tatlong staff ang tumatakbo mula sa malayo. "Takbo! Umalis na tayo! May mga zombie!" takot at hingal na sigaw ng isang nurse. "Tropa, pinaprank ata tayo. Baka pang content nila sa Kitkut app." pabirong tampal sa pwet ni Sikyo A kay Sikyo B na namula.

"Inanyo po, aalis na kami!" patuloy na tumakbo palabas ang tatlo. "Ha?" takang tanong ni Sikyo B habang nakatingin sila pareho sa main entrance at pagbaling nila sa kabilang direksyon ay sinunggaban sila ng mga taong duguan na malamig ang katawan. Bagsak ang dalawang sikyo sa sahig habang magka holding hands.

Instant kill, yan ang pumasok sa isip ng reception staff nang marinig niyang wala nang imik ang mga sikyo. Pilit niyang pinipigilang bumahing dahil maririnig siya ng mga halimaw kaso nautot siya.

"...maho.." famous last words at kinain na siya ng mga taong bangkay. Zombie kasi inanaman e.

end of Chapter 1

Ious Nava: inang screen time yan.

PULSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon