Sa mundong ito, isang buhay lang ang nakalaan para sa atin, bakit hindi natin sulitin diba? Hindi mo kasi ma-eenjoy ang buhay mo kung pagbibigyan at papansinin mo yung mga sinasabi ng ibang tao. Sabi nga nga karamihan, life is unfair, pero malay mo mahina ka lang talaga. Wala kang lakas ng loob para sa mga ganitong sitwasyon. Huwag mong pagdamutan ang sarili mo. Matuto kang lumaban lalo na kung para sa iyong nararamdaman because at the end of the day, it's your choice naman diba? Huwag mong kalimutan na marami man ang hindi pabor o sang-ayon sa pag-ibig na ipinaglalaban mo, lagi mong tatandaan na Love will always win.
What if ang taong nakalaan para sayo ay isa sa sikat at pinagkakaguluhan ng lahat? Isang sikat na hindi lamang sa pagiging artista kung hindi pati na rin sa pagiging isang magaling na bokalista at mananayaw ng isang boygroup. Ang daming what if's bago ka makapag desisyon kung worth it nga ba talaga ang taong gusto mong ipaglaban sa mundo.
✨
"So, how will you define love?" tanong ng isang reporter kay Jeremy sa isang press conference na nagaganap ngayon.
Agad natigilan si Jeremy sa tanong at napaisip kung ano ang definition ng love para sa kaniya. Sa sunod-sunod na tanong na naririnig niya ay nasabi nalang niya na.
"For me, Love has no gender and love recognizes no barriers." malamig na sagot ni Jeremy.
Sandaling tumahimik ang mga reporters kasabay noon ang pagtingin nila kay Jeremy na tila ba may kahulugan ang kanilang mga tingin. Wala ni isa sa kanila ang muli pang nagtanong ng makita nila na tumayo na si Jeremy na yumuko at nagpaalam na.
Jeremy Kim Bautista, known for his good looks and charismatic aura that makes his fans heartbeat fast. He is the leader, main vocalist, and the visual of Anonymous Legacy boygroup.
✨
Third Person's POV
Hindi pa sumisikat ang haring araw pero maagang natapos ni Nathan linisin ang kitchen at dining area ng bagong bukas niyang resort na matatagpuan sa Puerto Galera. Excited ang binata dahil naging maayos at maganda ang naging resulta ng mga pinaghirapan niya para ma-promote ang kanyang resort. Maaga ding pinatawag ni Nathan ang mga staff ng resort para ipaalam na fully-booked ang first day ng opening ng resort.
Hindi pa masyadong abala ang lahat dahil maaga pa naman ng may marinig si Nathan sa isang live stream na nakapag pangiti sa kaniya.
"Oh Sir Nathan, ang lawak yata ng ngiti mo?" tanong ng isang staff ng resort.
"Ha?" natawa pa ito sa huli at muling nagsalita.
"Masama bang ngumiti at maging masaya?""Hindi naman. Pero, ikaw Sir Nathan, how will you define love?" ang muling tanong ng staff sa gilid niya.
Hindi na nagulat ang binata sa tanong ng staff dahil parehas nilang narinig ang naging tanong kay Jeremy ng interviewer sa narinig nila sa live stream.
"Para sa akin noon love means..."
"Love means knowing that no matter what you look like, you have someone to count on. Love is unconditional and makes you feel good inside."
Yan ang iilang lumabas sa bibig ni Nathan.
Tumango ang staff at tumalikod na ngunit narinig niya pa ang sumunod na sagot ng binata.
"But now, for me in order to discover what love means, I should start by defining that love is not associated with the desire to possess the object of our emotions. Love is not about because of lust. When we love a person, we will love them for who they are and what they are to others. In short, my personal definition of love is, love is an emotion that cannot be defined with words."
Muling napaharap sa kanya ang staff at binigyan si Nathan ng matamis na ngiti bago ito tuluyang umalis sa harap ng binata.
Nathan Ferrer, the owner of Ocean Breeze Resort. A determined young chef who overcomes many trials towards his goal of becoming the best chef.
✨
Anonymous Legacy Boygroup
Members:
Jeremy Kim Bautista
Position: Leader, Face of the group, Main Vocalist, Lead RapperDylan Martinez
Position: Lead Vocalist, Center, Lead DancerAxel Guevarra
Position: Main Rapper, Sub-vocalistJustin Quizon
Position: Sub-Vocalist, Main Dancer
BINABASA MO ANG
Sea of Love
RomanceSabi nila pag tinamaan ka, tinamaan ka. Hindi naman kasi natin mapipili kung sino yung nakalaan para sa atin. Dahil ang "True Love" unexpected na dumadating, walang pasabi kung saan o kailan. Love has no gender and age doesn't matter. Walang pinipi...