302 Days before posting the Epilogue. . .

120 9 3
                                    

302 days before posting the Epilogue...|

Kean Soriano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kean Soriano

Age (20)

Filipino

Kung may choice lang talaga siya, hindi siya magda-drive ngayon papuntang NAIA para sunduin ang kaibigan niyang kalahating Hapones.

Puyat pa siya galing sa gig at ngarag pa dahil may tinatapos na drawing commission na mamaya na ang deadline(!) kaya gusto niya talagang pag-taxihin na lang ang Hapones, ang kaso- pinagbantaan siya nitong F.O. na sila kapag hindi niya 'to sinundo kaya siya nawalan ng choice. Gusto rin naman niyang makita ang naknangpotcha kaya okay na rin. . .

Apat na mahabang taon na rin ang nakalipas mula noong mangiyakyak niyang inihatid ang Hapones sa airport. Siya, umiiyak dahil who knows kung kailan na niya muli makikita ang kaibigan, at ang Hapones naman umiiyak din, pero dahil sa sobrang takot nito sa pagsakay sa eroplano.

He's just so happy that weirdo is finally back!  Idagdag mo pang sa school niya 'to nag-enroll! Going to Saint Benilde wouldn't be so bland now! Kumpleto na ulit ang trio nila! He can't wait to see P's surprised reaction once malaman nitong the Hapones is already freaking back!

Biglang nag-ring ang phone niya habang nagda-drive. Sigurado siyang 'yung Hapones na naman ang tumatawag. Malamang urat na urat na kasi sa kahihintay. Ayaw na ayaw talaga no'n na pinaghihintay siya, lalo na in public.

"Hello-"

"Nasa'n ka na?! 30 minutes na akong naghihintay dito sa labas! Alam mo ba kung ilang taxi na ang nag-offer na ilagay ang buhay ko sa peligro?!!!"

Nag-buntonghininga siya. "Sabi ko na nga kasi sa'yo, kung ayaw mo mag-taxi, e'di mag-Grab ka na lang."

"Oh yeah, kasi sino nga ulit nagmamaneho no'n? Drumroll please?"

"Drumroll," walang kagana-gana niyang sabi out of habit.

"Hindi ako! Tulad ng taxi! Asa ka pang sasakay ako do'n!"

Humikab si Kean. Antok na antok pa talaga siya peste. "Alas dose na ako nakarating sa bahay kagabi, alam mo ba 'yon? May commission pa akong dapat tapusin na mamayang 8pm na 'yung deadline. Pasalamat ka na nga lang at na-late lang ako ng gising at hindi kita inindian."

"Hai. Hai. Arigatou, Kean-san. Dai suki."

"Walang maniniwala sa'yong nagpapasalamat ka at mahal mo sila kung ganyan ang pagkakasabi mo."

"Well, I could have said it like I mean it, ang kaso, hindi mo deserve."

"Ah, gano'n? Okay. Babalik na lang ako sa apartment then. Tawagan ko na lang si P. Sa kanya na lang kita papasundo."

Ibababa na niya ang tawag.

"Cho- chotto! Chotto matte kudasai!" sigaw ng Hapones mula sa kabilang linya. "Nagbibiro lang ako, okay? Kean-san, watashi no taisetsu na tomodachi, dai suki!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why It Ended (That Way)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon