01

7 1 0
                                    

Kian Ivory...

"Kian, table 3 please." Sabi ng Maria habang inaabot ang order sa'akin.

"Please smile. Alam kong guwapo ka kahit hindi ka nakangiti but you need it." She said politely as soon as i reach the counter.

Tipid na ngumisi lang ako sakaniya. Habang papalapit sa Table 3 ay napapansin ko na kaagad ang limang lalake.

Lahat sila mukhang mayaman lahat sila ay may itsura pero ang lalaking may piercing sa kanyang labi ay talaga namang kakaiba ang tindig nito.

Napadako ang tingin niya sakin habang naglalakad ako upang ibigay ang order nila. The way he looks at me para bang ngayon lang siya nakakita ng lalaking guwapo.

"Your order sir." Magalang na turan ko habang nilalapag isa isa ang kape nila.

"Kian?" Sabi ng isang lalaking hindi ko napansin na kasama pala nila sa Table.

"Kino? Kailan kapa dumating?" Hindi ko mapigilan na itanong ng makilala ang tumawag sakin. Dumako naman ang tingin ko sa lalaking may hikaw sa labi at titig na titig pa din siya sakin.

"Kahapon lang, hindi kita nadatnan sa unit mo. Akala konga nagbakasyon ka din eh." He said smiling.

Guwapo si Kino Alexandrian kapitbahay ko.

Matipid lang akong ngumiti. "Hindi ko na naisip na magbakasyon. I need cash para makapag enroll." Sabi ko nalang tapos ay nagpaalam na mag e-end na ang shift ko. Tumango naman ito at sinabing magkita nalang kami sa Condo mamaya.

Nasa counter na ako ng lumapit sa tabi ko si Maria. "Kilala mo pala sila Yosef?"

Tumaas ang kilay ko. "Yosef? The who?" Tanong ko din.

"Yung kasama ni Kino." She said.

"Ah, si Kino lang ang kilala ko. Sino ba dun yung Yosef?" Tanong ko pa din habang nag aayos ng gamit.

"Yung lalaking moreno na may hikaw sa gilid ng labi." She said dreamily.

"Hindi ko siya kilala. Pero titig na titig siya akin. May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko pa din habang inilalagay ang extra na natira kong pagkain kanina sa bag bago ito isinara.

"Huwag mo pansinin iyon, babaero daw iyon sabi nila." Sagot niya sa tanong ko.

Kumunot lalo ang nuo ko ngunit hindi na ako nag komento pa. At nagpaalam na uuwi na.

Pagkalabas ko ng Cafe ay wala na pala sila Kino sa table nila. Sumaglit lang marahil upang bumili ng tea's nila.

Habang naglalakad ay may humablot sa mga braso ko.

"Ki, let's talk please." Sabi ni Ivan.

Huminga ako ng malalim ng mapasino ang humawak sakin. Iwinaksi ko ang kamay niti na nasa braso ko. "Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ko.

Ayoko ng makita ito pagkatapos ng ginawa niya sakin. Pagkatapos ng panloloko niya sakin ay may lakas ng loob pa itong humarap sakin ngayon.

"Baby, please ayosin natin." He said almost pleading.

Huminga ako ng malalim at akmang tatalikuran na ito ng hawakan nanaman ako nito sa braso. "Ki, please hear me out! Lasing lang ako kaya ko nahalikan si Chiara." He said explaining his side.

Kaagad kong dinuro ang dibdib nito. Galit na galit ako. "Don't give me that crap! Enough with your fucking bullshit! Alam ko lahat, alam ko na lahat! Potangina. Matagal mo na akong ginagago pero nanahimik ako kasi mahal kita. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na baka nalilito ka lang. Pero..."

Halos hindi ko matuloy ang galit na sigaw ko dahil sa panginginig ng labi at kalamnan ko. Umiling ito kaagad magsasalita ngunit inunahan ko na.

"Nandun ako Ivan. Nung gabing inuungol mo ang pangalan niya, ay nandun ako sa tabi mismo ng kama mo." Malamig na sabi ko.

Halos manlaki ang mata nito. "Kilala mo ang kasiping mo, kaya alam kong hindi ka lasing. Tipsy marahil pero hindi lasing. Paulit ulit mong inuungol ang pangalan niya. Ngayon sabihin mo saking lasing ka lang kaya mo nagawa yun!" Gigil na anas ko.

Naumid marahil ang dila niya kaya hindi siya kaagad nakapag salita kaya tinalikuran ko na siya upang umalis na pero humabol pa rin ito.

"I-im sorry, Ki. Please hindi ko na uulitin." Sahi niya sakin. Nangangako nanaman.

Umiling na ako. "Narinig ko na yan, hindi mo uulitin na hindi kana titingin sa iba na hindi mo na ulit gagawin. Pero paulit ulit lang eh! Paulit ulit nalang nakakasawa na." Malamig na sabi ko.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sakin." Determinadong anito.

"May boyfriend na ako, kaya tigilan mo na ako." Doon ay talagang natigil siya sa pagsunod sakin.

"What did you just said?" He asked.

Alam ko kong gaano kaseloso si Ivan. Kaya alam kong ito lang ang makakapag patigil sakaniya.

Lumunok ako, luminga sa paligid at biglang natanaw si Yosef yung babaero na sinasabi ni Maria. Kaya naman dali dali ko siyang nilapitan at hinalikan sa labi.

Kita ko ang gulat nito dahil sa ginawa ko, akmang itutulak niya ako ng bumulong ako sakaniya. "Please help me out. My ex-boyfriend is bothering me."

"Babe, akala ko hindi mo ako masusundo." Matamis na ngiti kong tanong kay Yosef.

Lumunok ito bago pilit na ngumiti sakin at kay Ivan na nakakunot ng husto ang nuo.

"Surprise." He said sarcastically. Tapos ay lumingon siya kay Ivan.

"Who is he, Kian?" He said saying my name. Nabigla pa ako dahil alam niya ang pangalan ko.

Halos kilabutan ako ng makita ko ang hilaw na ngisi niya sa labi.

"Ivan please meet my boyfriend Yosef this is Ivan my friend." I said.

Marahas na bumaling sakin si Ivan. "A friend? What the fuck are you saying Kian Ivory! I am not your fucking friend."

Tumaas ang kilay ko. "A best of friend then."

Matunog na ngumisi ang katabi ko. "Are you bothering my man, Mr. Best of friend?" He asked sarcastically.

Tumigas ng husto ang mukha ni Ivan. "We will talk again some other time, Kian." He said and he walk away.

Napahinga ako ng malalik dahil nakita kong sumakay na ito sa kotse niya at nagmaneho paalis.

"Kian." Malamig na sabi ng katabi ko.

Halos patalon na tumingin pa ako sakanya dahil sa gulat.

"Uh, sorry nabigla ba kita kanina?" Mahinang tanong ko.

"I'll treat you nalang since tinulongan mo ako kanina kay Ivan." Sabi ko sakaniya.

"You take responsibility of me. You kiss me right, babe?" He said smirking at me.

Mali pa ata ako ng taong nahingian ng tulong. Ah fuck!

PresidentWoman

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Broken SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon