chapter 4

85 8 7
                                    

dedicated to _Khionne

Habang naghahanap kami ng bakanteng upuan sa cafeteria ay bigla akong hinigit ni yelo. Bwiset pag ako nadapa sasampalin ko talaga to magkabilaan.

"Let's go there oh, may space pa keri pa yan" aya nya sakin.

Nagtanong muna kami bago umupo, mahirap na baka taken na pala. Naorls taken, sana pala naging upuan nalang ako.

"yow mga bading, can we sit here?" sabi ni yelo habang nakaupo na ang gaga. The heck di na nahiya?!?! nagtanong pa kung uupo rin naman agad.

"Do we have any choice? you are already sitting" malamig na sambit nung isa, na satingin ko kaibigan nila.

"Wala hehe" napa face palmed nalang ako sabay nahihiyang upo sa tabi ng babaitang 'to.

"Hi, Elizia Bleu Kessler nga pala." awkward kong bati.

" Im Kaia Hailey Rufer, you can call me kaia, babe" ani nung magandang babae na naka wolfcut, pogi.

Actually, lahat ng nasa table na to ang gaganda, including me. kidding pero no joke, pinagtitingin din sila ng mga students na nakain dito. Maganda naman ako pero parang saling kitkit lang ata ako dito, bosit edi kayo na. Their clothes and things screaming luxury. Ano kaya ugali nila, noh?

"Augustin Dre Porter, miss" sabay kindat sa akin. Gagi pre ndi tayo talo. Hindi ko alam pero pogi naman sya, but not my type, gurl.

"Brielle Naz Montero, here. You can call me Brie or Naz " sabay taas ng kamay nang nakangiti. Na bigla ko namang ikinahinga ng maluwag, hays muntik na yon ah. Grabe ang skeri kasi ng tingin nya kanina huhu tas ang lamig pa ng boses parang si miss. self tigil tigil aba bat naman nasali si miss dito, aber?!?!

"We can hear you, you know?" sabi nila habang natawa, depota oh isama mo pa tong si yelo na grabe makatawa kita na nga ngala ngala e. Gulat naman akong napatingin sa kanila, hays kala ko pa naman secret lang namin nila self yon.

"WEH DI NGA? ANONG SABI KO HA?" panghahamon ko dito.

"You have crush on miss Silvano, right?" mapang asar nitong sabi at sabay nguso sa mga professor na nasa kabilang table. Tinignan ko naman ang itinuturo nito at grabe ang ganda POTAAAAA O TO THE M TO THE G TALAGA. Ang sexy ni miss, sanaorls.

"Wala ah, study first to noh tska maganda lang talaga si miss at yummy kaya ko tinitignan." depensa ko sa sarili.

Ngiting nakakaloko naman ang binigay nila sa akin. Mga demonyo nga naman, tss.

"Anyways, don't be scared kay Naz. Pinagtitripan ka lang talaga namin hehe. Kay Ice ka magalit sya nagpakana non." Sambit naman ni Dre. Tawag ko nalang sakanya Dre masyadong mahaba Augustin e. Sya lang din pala ang nagiisang lalake sa grupo. Maitsura at maskulado si Dre, inshort girl crush, but not meh.

"Huh bat kay Ice?? Teka nga oh, magkakakilala ba kayo????" Gulat kong tanong sakanilang apat. At sabay sabay naman silang umiwas ng tingin at nagpipigil tumawa, pero tumawa din naman agad nang di nila mapigilan. Mga depunggol talaga hays.

"Ganto kasi yan, asul, okay? watch and learn" panimula ni kaia. "Actually squad na kaming apat una pa lang, sabay sabay din kaming nag enroll here, also same course. Our families are friends kaya kami lang din ang magkakasama. If u're wondering why we're not in the class earlier its just because of this Ice girl, napaka bwiset hindi manlang nanghihintay, nauna na sa aming tatlo kaya we decided to go here nalang sa cafeteria and wait for our next subject. Nga pala magkakalapit lang din kasi bahay namin hehe. Inshort, one for all, all for one ang atake namin. Plano din ni Ice pag tripan ka, kasi halatang baguhan ka here" Pagkukwento nito. Sabay na sinamaan ng tingin si yelo. Kumikinangina talaga sya grabe.

Tamed Me Where stories live. Discover now