CHAPTER 1

6 0 0
                                    

THE GOOD VLOGGER "GUYZ TV"
CHAPTER 1
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

You tube Channel
(KANTOKUTAN HORROR STORY)

Si Pikoy ay kabilang lamang sa mga small time Vlogger na nangangarap na mapasama balang araw sa listahan ng mga Famoust Vlogger.

At isang araw nga..
Naisipan niyang mag daily Vlog kung saan i vivideo niya ang mga kaganapan sa bawat araw niya.

"Hello Guys! WELcome sa Channel ko ang "Guyz Tv! At Nandito ako ngayon sa kakahuyan.
Bakit ako nandito?
Naboring lang ako sa bahay at napag tripan lamang magpunta sa kakahuyan. Maganda rin naman sa kakahuyan mahahanap mo rin rito ang katahimikan na gusto mo. Huwag ka lang iihi sa mga punso? Delikado kasi mamamaga? Matik na mga Guyz!"pagbibiro pa ni Pikoy habang live itong nag ba Vlog..

Pero..
Kahit isa wala naman nanonood sa live Vlog niya..
Magkaganun man tuloy pa rin si Pikoy sa pag ba Vlog niya sa loob ng kakahuyan.

"Alam ninyo Guyz..
Madalas talaga ako maglaro rito noon sa kakahuyan kasama mga kababata ko. Mga kababata ko na..
Parang limot na ako? Lahat kasi sila nakapagtapos na at may magaganda ng trabaho? Habang ako hindi nakapagtapos ng highschool at dakilang magsasaka pa rin sa aming sakahan.
Pagkalungkot ni Pikoy.

"Hehehe! Nag drama na naman ako? Mas pumangit tuloy ako."muling sabi ni Pikoy habang patuloy lamang sa pag ba Vlog sa loob ng kakahuyan kahit wala naman nanonood.

Hanggang sa...
Nagmamadaling tumakbo si Pikoy ng may makita itong hindi inaasahan.

Isang pusa..
Sa loob ng kakahuyan.
Na naipit ang dalawang paa sa isang malaking tipak ng bato.
Ang kaawaawang pusa ay umiiyak at animoy ngay humihingi ng tulong.

"Guyz..
May pusa rito! Pusang nangangailangan ng tulong kawawa naman!"pagkabigla ni Pikoy at pagkaawa na rin sa pusa at dali dali niyang inalapag ang Cellphone niya habang patuloy pa rin ang pag live ng Vlog niya.

"Miming..
Akong bahala sasagipin kita..
Mabuti na lang at narito ako nakita kita."sabi ni Pikoy habang inaangat ang may kalakihang tipak ng bato na umiipit sa dalawang paa ng kaawa awang pusa.

"Sana naman...
Mag trending ang pagliligtas ko sa pusang ito ng hindi masayang ang acting at pag set up ko sa batong ito at sa pusa sa loob ng kakahuyan."sa isip isip ni Pikoy habang kasalukuyang inaalis sa pagkakaipit sa may kalakihang tipak na bato ang dalawang paa ng pusa na patuloy sa pag iyak.

Maingat na inalis ni Pikoy ang nakadagang bato sa paa ng pusa na siya rin naman ang may gawa Umaasa itong mag ba viral ang scripted niyang pagtulong sa mga tao.

At sa pagkaangat ni Pikoy sa nakadagang bato sa kaawaawang pusa. Kitang kita ang malubhang pinsala nito sa pusa. Halos durog na ang magkabilang paa ng pusa dahil sa tagal na pagkakaipit ng dalawang paa ng pusa.

"Guyz...
Kawawa naman si Miming..
Mukhang hindi na siya makakalakad pa! Kasi naman mga Guyz! Yung dalawa niyang paa ay wasak na."pagkaawa ni Pikoy sa Pusa.

"Pero Guyz..
Mabuti na lang narito ako at natagpuan ko ang kaawa awang pusa. Pero Guyz gaya ng sabi ko na mukhang malabo na makakalakad pang muli si Mimi pero kahit na ganun aalagaan ko siya! Dahil walang mag nanais pang mag ampoon sa pusang walang misirable na ang buhay.

At doon na niya pinutol ang live Vlogging niya habang karga ang kaawa awang pusa.

"Pambihira wala pa rin view? Napakatumal naman..
Sayang effort ko..",pagkainis ni Pikoy at sa inis nga niya binalibag niya ang kaawa awang pusa sa bato.

Agad nalamog ang katawan ng kaawa awang pusa sa pagkakabilbag ni Pikoy rito.

"Meeeowwwww.....
Mahinang sambit na lamang ng pusa sa kaniyang huling hininga.

THE GOOD VLOGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon